***
Leandro's POV
"I think, I like you!"
Sinipat ko ang reaction niya. Hindi ko siya talaga gusto ha? It's all about the plan. Hindi ba nga at sabi ko noon pa na she's not my type.
Parang hindi na siya komportable. Napansin ko ang pag-iinit ng katawan niya. Pinapawisan siya. Ang cute niya pala mahiya. Hindi niya alam ang isasagot.
Iniisip ko kung ayaw niya sa akin. Kase parang nahihirapan lang siyang ibasted ako eh. Pero huwag naman sana. Dahil never pa akong nabasted. Never in my life. Leandro Montemayor always get what he wants. No matter what it is. No one can't resist me. Ako pa ba? I have the looks. Mayaman, bilyunaryo. Pinapantasya ng kababaihan. Pati nga siguro mga bakla eh. Sino namang makakatanggi sa akin. WALA.
"Hindi mo dapat ginugusto ang tulad ko!" Nakaiwas niyang sagot.
F*ck. Yeah, may Caline pa nga pala na nag-eexist sa mundong ito. Ang nag-iisang nilalang na hindi tinatalaban ng charms ko. Tao ba talaga siya?
"Why?" Siyempre, hindi niya pwedeng tanggihan ako ng ganon ganon lang.
"Wala akong maipagmamalaki. Mahirap ako, walang magulang, pangit. Lugmok sa utang. Oh hindi ba? Haha" may pait ang mga binitawan niyang salita. Hindi ko maiwasan ang mas hangaan ang tulad niya. Daga na ang lumalapit sa pusa. Tapos tatanggi pa siya? Sa kabila ng lahat, kapakanan pa rin ng iba ang iniisip iya.
Inangat ko ang mukha niya para matitigan ako. Medyo nahihiya siya.
"Oo mahirap ka, pero mayaman ang puso mo. Punong-puno ng malasakit sa iba. Oo wala kang magulang, pero hindi iyon hadlang para magbigay ka ng saya sa mga tao lalo sa tulad kong nakalimutan na ang totoong kahulugan ng salitang saya. At higit sa lahat, hindi ka pangit. You're the most beautiful girl I have ever seen in my entire life." Seryoso kong pagkakasabi. Hindi ko na alam. Kung mapapanindigan ko pa rin ba 'yong she's still not my type. Kase lahat ng sinabi ko, totoo.
Hinampas niya naman ako sa braso. Bakit ba ang hilig niyang manghampas. Siya lang ang nakakagawa sa akin ng ganito.
"Bolero ka rin pala, Leandro." Napatanga naman ako. Seriously? Totoo ang mga sinabi ko tapos bola lang sa kaniya?
"No, I really mean it. Totoo ang sinabi ko!" pag-iinsist ko.
"Totoo man o hindi. Ayos na iyon, tapos na pala ang paggamot sa sugat mo. Ilagay ko lang ito doon!" Inimpis niya ang ginamit niya at tumayo.
Hoy. Ano 'yon. Binasted na nga ako tapos lalayasan pa. Masyado mo akong pinapahiya Caline. At isa pa, mukhang hindi niya sineryoso ang mga sinabi ko sa kaniya ah. Ganon ba talaga ako ka-walang epekto sa kaniya? Hindi ako papayag na ginanito niya ako.
Tumayo na rin ako at madaling hinila ang kamay niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Pero mas nanlaki ang mga mata niya ng halikan ko siya sa labi bigla. Nabitawan niya 'yong lagayan niya ng mga gamot.
Sh*t. Ang sarap ng labi niya. Sobrang lambot. Hindi ko napigilan ang sarili kong kagatin ito.
I bit her lower lip na kinagulat niya. Agad niya akong tinulak at madalian lumapat sa pisngi ko ang isang malakas na sampal. Solid, natauhan ako bigla eh. I just had an attack. My sickness. My s*x addiction. Usually, hindi ako titigil hangga't hindi ako nasasatisfy pero a slap from her automatically soften my little Leandro na nagpupumiglas na kanina pa sa fitted kong short. At isa pa. How can I kissed her in the lips where in the first place ay hindi ko pinapayagang mangyari?
Did she just stop my addiction?
"S...Sorry!" 'Yon ang nasambit niya bago tumalikod at tumakbo papasok. Nasilayan ko rin ang pagpatak ng isang luha niya. Nakanganga din doon si Beks at Mamalou na malamang ay nakita ang buong pangyayari. Anong nagawa ko?
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
