Chapter 35

1.7K 32 7
                                    


***

Caline's POV

Dumaan ang mga araw. Hindi ako iniwan ni Leandro sa pagbabantay kay Moma. Hindi ko na rin siya kinulit na umalis at intindihin ang kaso ng company niya kase sabi niya, everything is under control.

Naniniwala ako dahil sa pinapakita niya. Na parang magaan lang talaga ang lahat. Stable naman na rin ang kalagayan ni Moma kaya nakahinga na kami ng maluwag.

Alam ko naman na medyo pumayat ako dahil sa puyat pero sigurado akong bibigay na rin ang katawan ko sakali mang wala si Leandro sa tabi ko. Kaya laki ng pasasalamat ko sa kaniya.

"Mahal na mahal kita!"  bulong ko sa natutulog na gwapong lalaki dito sa sofa ng hospital. Alam kong pagod siya kaya pinahiga ko muna. Ayaw pa nga noong una. Okay lang daw siya. Hay naku, Leandro.

Pinagmasdan ko lang siyang matulog na parang anghel. Sobrang gwapo ng nilalang na ito. Tumutubo na ang kakashave niyang balbas at bigote at dumadagdag pa iyon sa appearance niya. Pinigilan ko na lang ang sarili kong masunggaban siya. Kaya minabuti kong lumabas muna para bumili ng maiinom.

Saktong labas ko sa hospital ng makasalubong ang isang pamilyar na mukha.

"Maureen?" bulong ko. Nilingon ko pa siya dahil nagtama ang mga mata namin. Pero hindi siyang lumingon pabalik kaya naisip ko na hallucination lang.

Tumuloy na ako sa isang convenience store sa tapat ng hospital. Bumili na rin ako ng makakain. Meryenda man lang.

Mabilis din akong bumalik sa pag aakalang gising na si Moma. Kaso pag bukas ko ng pinto ay isang eksena pala ang maaabutan ko.

Ang malanding higad na secretary ng boyfriend ko, titig na titig kay Leandro na tulog habang hinihimas ang mukha. Medyo nag init ang dugo ko sa nakita. Ibig sabihin, siya nga ang nakasalubong ko kanina at hindi niya manlang ako napansin. Or sinadya niya na hindi ako pansinin.

Palalagpasin ko sana ang kalandian niya kaso biglang lumikot yung kamay. Bumaba ba naman sa dibdib ni Leandro. Hindi na ako nakapagpigil ng muli niyang ibaba ang kamay niya.

"Walanghiya kang babae ka!"

Tuloy tuloy akong pumasok. Nagulat siya at napabitaw. Nagising rin sa lakas ng sigaw ko si Leandro.

"Ang landi mo!" tinulak ko palayo si Maureen.

"Love, what's happening?" agad na tanong ni Leandro sa akin.

"Kanina ka pa minamanyak ng babaeng iyan. Tapos tulog ka lang? O tulog tulugan?" pati siya damay na. Eh malay ko ba kung nagtutulog tulugan lang talaga siya.

"Wait. Wala akong alam sa nangyayari." naguguluhan niyang sagot.

"Maybe because he likes it, or even missed it. " singit ni Maureen. Napataas bigla ang kilay ko upang harapin siya.

"Anong ibig mong sabihin? Anong namiss?" pinipilit kong kumalma. Hindi ko na nga siya sinaktan dahil nagtitimpi ako pero parang gusto niya.

"Our Momols before. Nung wala ka pa." malandi pero confident niyang sagot.

"Maureen. Stop it. Matagal na 'yon!" suway ni Leandro.

"Alam mo naman ang sa amin dati, diba Caline? Alam mo that we used to be a fubu. Fuvk buddy."

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ewan. Galit na naiiyak. Ang kapal ng mukha niya. Huminga ako ng malalim para kumalma.

"Ang sarap kaya ng jowa mo. Ang sarap ni Leandro!" nakangiting may halong pang aasar na sabi ni Maureen.

Napatayo si Leandro na parang nainis sa sinabi ni Maureen. Alam kong magsasalita na siya pero inunahan ko na.

*slap*

Sinampal ko ng napakalakas sa pisngi si Maureen. Napaatras si Leandro sa ginawa ko na tila gulat.

"Ang landi mo! Higad!" sa dami ng gusto kong sabihin. Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Ewan, ganito kase ako. Kahit na kelan, ayoko ang nakikipag away. Nagulat din si Maureen sa ginawa ko sa kaniya. Well, she deserves it.

Nagwalk out na ako at dire diretso sa rooftop.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating si Leandro na pagod na pagod sa pagtakbo.

"Love, nandito ka lang pala." hingal niyang sabi. Hindi ako umimik.

"Love." tawag niya pero nanatili lang akong nakatanaw sa mga buildings sa tapat. Ilang segundo lang at di na siya nakatiis. Niyakap niya ako mula sa likod.

"Love, sorry. Promise, tulog talaga ako. Hindi ko alam na nandoon siya. Promise. Sorry."

Parang bigla akong nahimasmasan. Hindi naman talaga ako galit sa kaniya eh. Nadamay lang siya.

"Sorry din. Nainis lang ako sa babae mo!" sagot ko.

"She's not my girl. You are!" seryoso niyang sabi. Ako naman itong si marupok, napangiti ng patago.

"Sorry na please?" malambing niyang sabi sabay hilig sa balikat ko. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago sumagot.

"Sorry din." pagkasabi ko noon. Agad niya namang pinatong ang mukha sa balikat ko sabay kiss sa pisngi.

"Pinakaba mo ako." bulong niya.

"Mas pinakaba mo ako!" pataray kong sagot.

"Ha? Bakit?"

"Muntik nang maagaw ang kayamanan ko eh!" biro ko sa kaniya.

"You mean this?" pagkabulong niya noon ay bigla niyang pinagdikit ang mga katawan namin at naramdaman ko ang ano niya sa bandang pwet ko.

Kumalas ako agad sa kaniya upang hampasin.

"Bumaba na nga tayo. Baka dito ka pa maghasik ng lagim!" singhal ko. Sabay natatawang kumalas at tumakbo.

"LOVE!!! PANINDIGAN MO ITO. TIGNAN MO O!"

Sigaw niya ng makalayo ako. Lumingon ako para lang makita ang bukol sa sweat pants niya. Natawa ako. Nako, kung hindi lang umaga ngayon at maraming makakakita eh pinalambot ko na iyan. Char.

Hinabol habol niya ako at tuloy sa pangungulit hanggang makarating sa room ni Moma.

"Love naman kase. Ayan o ,ayaw matulog." ang kulit niya pa rin.

"Ano ba iyan, ang iingay naman." sabay kaming napahinto sa narinig na boses. Nanlaki pa ang mga mata namin ng makita kung sino ang nagsalita.

"MOMA!" Sabay kaming tumakbo palapit kay moma at yumakap.

"Aray, bitaw!" agad din kaming napabitaw ng dumaing si Moma.

"Ang OA niyo ring dalawa. Balak niyo pa ata akong icomatose." reklamo ni Moma na ikinatawa namin. Sigurado akong ayos na si Moma. Basta nakakapagbiro na ng ganyan.

Instant Billionaire si Moma habang pinagsisilbihan namin eh. Parang reyna na dinudulot dulutan lang. Natatawa nga kami kase si Leandro, todo asikaso din. Isang bilyunaryo, nag alaga ng pasyente? Medyo hindi kapani paniwala pero ganoon ang nangyari.

Grabe ang pag aalala niya kay Moma. Hindi niya kami iniwan hanggang magising siya. To the point na nakalimutan niya na ang trabaho niya. Pati ako, nakalimutan ko na may trabaho siya.

"Love, your work?" bigla kong tanong. Napalingon agad siya with a wide eyes look.

"Oh no. I almost forgot. Buti pinaalala mo!"

Shocks. Ang work niya.

"Ang alin?" tanong ko.

"We have an emergency meeting with the board. At iyon ang dahilan kung bakit pumunta si Maureen." paliwanag niya.

"Tungkol saan daw?" parang kinabahan ako. Bakit may emergency meeting.

Ilang segundo siyang tahimik bago ngumiti.

"About my dismissal as a CEO of the company!" halos lumuwa ang mata ko sa gulat

"WHAT?"

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon