***Caline's POV
Ilang buwan na ang lumipas. Ang bilis ng panahon. Consistent pa rin si Leandro. Palagi siyang dumidiretso dito para makita ako.
Lumipat na rin kami sa isang condo malapit lang sa bakery. Gusto niyang ipangalan sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga panahon na iyon. Masyadong malaki ang regalo niya. Hindi ko talaga sana tatanggapin. Ngunit binigyan niya ako ng oras para mag-isip.
At naalala ko Moma at Beks. Ang mga taong tumayong pangalawang mga magulang ko. Kita ko kase ang hirap na dinanas nila sa pagpapalaki sa akin. Halos bumaon sila sa utang. Mapalayas ng ilang beses sa inuupahan. Alam ko ang pinagdaanan nila pero kahit minsan ay hindi sila nagreklamo. Palagi lang silang nakangiti.
Kaya kahit nahihiya ako kay Leandro ay tinanggap ko na. Sobrang mapilit din kase siya. Ayokong lumabas na gold digger sa paningin niya kaya pinaliwanagan niya ako ng mabuti.
Na ako ay bahagi na rin ng pamilya niya. Na kaya niyang pag-alayan ng lahat. Sa huli ay tinanggap ko rin sa isang kundisyon. At iyon ay ipangalan kay Moma at Beks ang property. Walang alinlangan naman iyong sinunod ni Leandro.
Medyo nakaroon na rin ng konting upgrade ang bakery. Bumili si Leandro ng mga makabagong equipment at makina sa pagluluto. Matiyaga siyang tumutulong tuwing linggo.
Nakakatuwa dahil wala siyang arte sa katawan. Siya lang ang kilala kong mayaman na ganito. Na handang magpawis at magbanat ng buto. Kaya habang tumatagal ay mas minamahal ko siya. Konti na lang at hindi ko na kakayaning mabuhay ng wala siya.
Ngayon nga eh alas kwatro pa lang pero nandito na siya. Pumasok lang ako sa C.R saglit. Paglabas ko ay nakaready na ang paborito niyang pandecoco at soda in plastik. Bwiset, haha.
"Halika, pasyal muna tayo?" pag-aaya niya agad ng makalapit ako sa kaniya.
"Pagod ka eh. Magpahinga ka na lang sa kotse. Samahan kita doon." sagot ko. Alam ko kaseng napakabigat ng resposibilidad niya. Minsan nga eh nakikipagsigawan pa siya sa telepono niya. Ganoon kaseryoso ang trabaho niya.
"Sino namang may sabi na pagod ako? Eh makita lang kita , nafufully charged ako." banat niya. Hinampas ko nga siya. Napakakorni niya talaga eh 'no.
"Sige na nga. Saan tayo pupunta?" yumakap na ako agad sa braso niya. Ganito na ako ka-clingy ngayon. Hinalikan niya naman ako sa noo.
"Kahit saan lang. Halika na!" at nagsimula na kaming lumakad papuntang kotse niya. Ang bango bango niya talaga. Nakakaadik ang amoy niya lagi.
"Uy, si Caline oh. Saka 'yung sugar daddy niya." napabagal kami ng lakad sa narinig.
"Oo nga. Swerte naman niya. Ano kayang gayuma ang ginamit niya?" rinig ko pang sabi noong isa. Sa pagkakaalam ko ay sila si Aling Tere at Aling Bebang, mga kapitbahay namin noon sa barong-barong.
"Balita ko, sa condo na sila nakatira ngayon. Ang lakas niyang manghuthot ng pera." dagdag ni Aling Bebang. Napatungo na lang ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang mahusgahan nila. Ang bigat sa pakiramdam kahit alam mong hindi totoo. Hinila ko na si Leandro para ipagwalang bahala iyon pero gaya ng palagi niyang ginagawa ay nilapitan niya ang dalawa.
"Excuse me!" nagulat naman si Aling Tere at Aling Bebang ng iapproach sila ni Leandro.
"Mukha po ba akong matanda?" tanong ni Leandro? Naguluhan naman ako. Bakit ganon ang tanong niya.
"Ha? Ay hijo, hindi. Napakabata ng itsura mo. Bakit mo natanong?" nice answer Aling Tere. Bakit nga?
"Narinig ko kaseng diniscribe niyo ako kanina as sugar daddy." seryoso niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomantiekRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...