Chapter 23

2K 28 2
                                        


***

Caline's POV

"Ano ba tayo, mga bata?" natatawa kong tanong sa kaniya. Narito kami sa hindi ko alam kung saan. Haha. Pero isa siyang bahay pero ang loob.

Langit. Oo langit nga. Puro ulap siya. Pillows, wallpapers. Basta lahat ulap. Isa lang ang sigurado ako, pambata 'to.

"Masama bang bumalik sa pagkabata?" pagkasabi noon ay hinatak niya na agad ako sa loob. Ang lambot ng sahig. Puro foam siya at maraming bola na puti lahat. All white ang lugar. Puro cotton pa. Hindi ko maipagkakaila na maganda talaga dito. Ayaw ko lang aminin kase pambata. Pero swear, nagpipigil lang akong magwala. Maya maya lang pagulong gulong na ako dito.

Kami lang ni Leandro ang naririto. Kaniya daw ang lugar na ito. Isa sa mga pagmamay ari niyang bahay at lupa. Walang gumagamit kaya walang tao.

Ginastusan niya lang naman daw ang paglalaro naming ito ngayon ng halagang dalawang milyon. Halos lumuwa talaga ang mata ko. Dalawang milyon ha. Para sa mga dekorasyon at lahat ng nakikita dito.

Yung buong floor kase ay puno-puno ng malalambot na foams. Walang matigas na sahig kaya nga kahit magpagulong gulong ako dito ay ayos lang. Nagmistulang mga nakasabit na ulap ang mga chandelier.

"Leandro, bakit ka naman gumastos ng ganito kalaki?" tanong ko.

"Don't tell me, magagalit ka kase gusmastos ako ng ganito kalaki para sa date na ito?" pinangunahan ba naman ako.

"Yun na nga. Bakit naman kailangan mo pang magsayang ng pera?" seryoso kong tanong. Bigla niya akong tinapunan ng pillow sa mukha.

"Ano 'yon?" angal ko naman.

"Why are you always like this, huh?" ano bang pinagsasasabi niya. Tumabi siya sa akin ay yumakap.

"Hayaan mo na ako, Caline. I'm a billionaire. I should spend money. Matagal na akong nag-ipon at naisip ko na ngayon na ang panahon para gastusin ko ang mga pera since hindi ko naman ito madadala sa hukay, hindi ba?" pag papaamo niya sa akin. Habang paswing swing pa kami habang magkayakap.

"Kase ano eh." pag aalangan ko. Hinuli niya agad ang mga mata ko. Alam niya agad na may bumabagabag sa akin.

"Kase what? Don't hesitate. I will listen." sabi niya. Tinitigan ko siya habang pinag iisipan kung sasabihin ko ba. Hanggang sa bumuntong hininga ako.

"Baka kase sabihin ng iba. Piniperahan lang kita." napatungo ako sa hiya. Totoo naman 'yon eh. Hangga't maaari ay ayokong gastusan niya ako. Alam ko ang ugali ng mga tao. Madali ka nilang huhusgahan kahit hindi pa naman nila alam ang totoo.

Paniniwalaan lang nila ang gusto nilang paniwalaan. Ganiyan naman eh. Sa lahat ng estado. Meron at merong masasabi tungkol sa iyo. Kaya nag aalangan ako. Baka kase maniwala si Leandro sa sasabihin nila. Na peperahan ko lang siya.

Inangat niya ang mukha ko.

"Don't mind them. Don't mind what they were going to say about us. Don't mind everything. Do mind only us." hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Kelan pa ba siya naging expert sa pagpapayo?

"Ginagawa ko ito dahil gusto ko, Caline. Wala silang pakialam sa atin. Gusto kong ginagawa ang mga ganito. Sana hayaan mo lang ako. Alam mo namang ikaw ang pinakamakinang kong diyamante. Lahat gagawin ko para sa iyo. Hmm?"

Nakakainis naman eh. Bakit kinikilig ako sa kalagitnaan ng pagrarant. Yumakap na lang ako sa kaniya ng mahigpit para hindi niya makitang namumula ako.

"Kaya hayaan mo sila. Mamatay sila sa inggit. " dagdag niya. Natawa tuloy ako.

Tama naman siya eh. Isa sa mga dahilan kung bakit may nasasabi sila agad sa iyo ay dahil sa inggit. Hindi naman maaalis iyon sa atin eh. Ang mainggit. Ako, sa sarili ko. Alam kong nainggit din ako. Nainggit ako sa buo ang pamilya, sa mayaman ,sa mga nakapag-aral. Pero never naman akong nagsalita ng masama sa kanila. Nasa tao na lang kase iyon kung paano nila ihahandle ang insecurities nila. Ako kase, I take them as a motivaton to strive harder. Maybe yung iba. Dinadaan na lang nila sa pambabash. Pero hindi iyon magandang gawain. Hindi nila alam ang kayang idulot noon sa kapwa.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon