EPILOGUE

2.8K 41 3
                                        


***

I love you, Leandro. For the rest of my  life.

Totoo, love is sweter the second time around.

Ang dami naming pinagdaanan lalo na ako. Yung hirap ko at sakripisyo. Hindi ko inakalang dadating ang araw na ito. Na sasaya akong muli.

He is the only person I loved, the only person who broke my heart and the only person I can come back to. He is Leandro Montemayor. The youngest billionaire in town. Funny right, akala natin sa mga pelikula lang nangyayari pero eto ako ngayon minamahal niya. Isang hampaslupang meron lamang busilak na puso.

Ang lalaking nagbigay sakin ng isang nakapacute na bata na halos replica niya, babae lamang. Si Leana. After mahabang paliwanagan pa ang naganap bago tuluyang maunawan ng isang paslit ang sitwasyon. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko noon. Magkakaroon kami ng isang buong pamilya. Pamilya na hinahangad ko sa anak ko na akala ko ay hindi na mangyayari.

Isang buwan na ang nakalipas mula ng magsama kami sa iisang bubong. Bumalik na ako sa Manila. At dito na naninirahan sa Quezon City kung saan nakatayo ang aming dream house noon pa. Hindi ko inakalang tutuparin ni Leandro ang aming plano noon. Nakakatouch.

Malungkot man ako para kay Jerome ay nagpapasalamat ako sa lahat ng naitulong niya sa akin. Sobrang manhid ko sa part na hindi ko naramdaman ang pagtingin niya. O baka sadyang si Leandro lang talaga ang laman ng puso ko kahit noon pa man kaya naging sarado ako sa iba. Jerome is the best person na nakilala ko. Ang bait niya at nakangiti siyang nagpaalam sa akin upang lumayo muna. Forever gratefull ako sa kaniya.

Si Sheera naman na full support sa akin ay nagbabalak na ding lumuwas dito sa siyudad para makasama ako. She is very independent kaya walang permananteng tinutuluyan si gaga.

Hindi ko inakalang sasaya pa akong muli ng ganito. Isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Kaarawan ko ngayon.

At dinala kami ni Leandro sa isang isla dito sa Batanggas para magcelebrate. Ayaw ko sana kase maggagastos lang siya. Sabi ba naman sakin na barya lang daw iyon sa kaniya. Well, ano pa bang inexpect ko sa mayaman na tulad niya.

Grabe sobrang ganda ng dagat sa paligid. Agad ko siyang inaya kasama si Leana para mamasyal.

"Bakit walang katao tao? Hindi ba sikat ang lugar na ito?" tanong ko sa kaniya. Kase nakakapagtaka eh, ang gaganda ng structures, cottages at rooms pero walang tao.

Napakamot siya sa batok na parang nahihiya bago sumagot.

"Actually, I rent the whole Island" sabi niya.

Napatulala ako sa sinabi niya. The actual fvck?

Hindi ko na siya kinulit pa kase sa pera at sa pera lang din naman ang bagsak. Naappreciate ko ng mabuti ang regalo niya. For sure ilang million ang ginastos niya.

Nang mapagod kami paglalaro sa tabing dagat ay nagpasya muna kaming matulog at magpahinga. Ang saya matulog ng katabi ang aking mag-ama.

Madilim na ng magising ako. Medyo nagpanic ako ng hindi sila makapa sa tabi ko.

"Mommy!" sweet na boses ni Leana ang narinig ko. Napaupo ako sa kama upang tanawan siya sa tapat ng pinto.

"Anak, anong ginagawa mo diyan. Come here!" nakangiti kong alok. Pero umiling siya at sa halip ay nilahad ang kamay niya.

"Mommy, come here!" natawa ako sa tono niya medyo authoritarian.

"Okay baby!" sabi ko na lang. Paglapit ko sa pinto ay bigla kong naalala.

"Nasan pala ang daddy mo?" tanong ko pero di niya pinansin. Hinila niya niya ako palabas at nagulat ng makitang nagliliwanag ang pathway at ang daming rose petal. Ano 'to?

Si Leana nasinagan ko na parang kinilig. Aba, kabata mo pa Leana ha. Ang cute niya. Kusa na akong nagpadala sa kaniya habang nag eenjoy sa nilalakadan. Shuta ka Leandro, dinadamay mo pa anak natin sa mga paandar mo.

Sa dulo ng pasilyo ay may maliit na kubo na nagliliwanag din at punong puno ng gayak. Grabe ang ganda.

Kinabahan ako ng makita siya doon at nakatuxedo. Sobrang gwapo niya. Nang makarating ay agad nagsalita si Leana.

"Daddy, here is your wife!" natawa ako. Wife eh hindi nga kasal. Pero napastop ng biglang lumuhod si Leandro sa harapan ko.

Seryoso ba siya? Nashock ako ng may ilabas siyang box sa bulsa niya. Inopen niya ito at lumitaw ang kumikinang na diyamanteng nakapatong sa isang singsing. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang lalabas sa dibdib ko. Totoo ba ito?

Pero diba parang ang sudden naman non. Hindi ba muna kakain or magtalk? Ang bilis naman Leandro.

Kusang tumulo ang luha ko. Nangyayari na talaga ito ngayon? Sa isang tulad ko? I was about to give my answer nung tanungin niya ako ng will you marey me, ng biglang may magsalita sa gilid.

"Say yes, Caline!"

"Ate Caline ,yes yes yes!"

"Just say yes ,duh!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila Moma, Beks. Ang tatlong paslit na inalagaan ko noon, si KatKat Den Den at Jepoy. Sobrang lalaki na nila. Mga dalaga at binata na. Andoon din si Maureen at ang buong pamilya ni Leandro.

Agad akong tumakbo kila Moma at niyakap sila ng napakahigpit.

"Moma, Beks. I'm sorry! Sorry hindi manlang ako bumisita sa inyo!" parang bata na ako ngayon sa pag iyak dito. Huling kita at komunikasyon ko sa kanila ay anim na taon na ang nakaraan.

"Pinag alala mo kaming bata ka!" hinampas ako ni Beks pero mahina lang.

Bigla ko namang naramdaman na may mga yumakap din sa likod ko.

"Ate Caline. Miss na miss ka po namin!" napabitaw ako para harapin ang mga bagong boses.

"Kat Kat, ang ganda mo na! Den Den ikaw din at lalo ka na Jepoy. Kamusta na kayo, ang lalaki niyo na , namiss ko din kayo ng sobra!" niyakap ko sila ng napakahigpit. Ang saya ko.

"Ehem, ehem!" napahinto kami ng may tumikhin.

"Sasagot pa ba iyong isa diyan o hindi?" nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Leandro na nakaluhod parin. Mas nakakatawa pa dahil andoon si Leana at pinupunasan ng pawis ang ama niya. Ang cute.

Hindi ko inasahan ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Ako na ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon. Napapaligiran ako ng mga taong mahalaga at mahal ko. Ito na ba yung happy ending? Hindi pa, dahil parte lang ito ng mahaba pang takbo ng bubay ko.

Napatakbo ako sa kanila upang yakapin sila pareho ng napakahigpit.

"Of coure Leandro, pakakasalan kita!"

"I love you!"

~~end.

This is the end po. Pasensya na kung may mga nabilisan at nabitin. Guys, hanggang dito lang po ang story ni Caline at Leandro. Sana po ay nagustuhan niyo. Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at sumuporta. Hehe.

Babalik na po ako sa comfort Genre ko, which is Horror/Romance. I know marami ang hindi aware sa genre ko. Pero sana give my stories a chance. Hehe. I have a Trilogy Called the "Fallen Angel Series" . Mas maganda at detailed po ang love story at horror doon. Haha baka lang po mabetan niyo.

Btw. Salamat. Almost two years ko itong sinulat ng paputol putol at natutuwa akong may mga nag aabang parin. Salamat salamat. Mahal ko kayo.

-Kuya Magic

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon