Chapter 18

1.5K 32 5
                                    


***

Caline's POV

Hindi ko alam kung sinasadya ba nila Moma o tinutukso pa ako lalo. Nagkakaganito na nga ako tapos kanta ng Aegis pa ang pinapatugtog. Sabi pa nila kanina, gusto nila akong tulungan. Pero ano ito?

Bawat linya ng kanta. Damang dama ko eh. Ang sakit lalo. Mas nakakasakit. Padabog akong pumasok sa kwarto ko para magkulong.

Ganito pala kasakit ang maging heart broken. Parang gusto ko na lang walang maramdaman. Gusto ko nalang lumutang sa malawak na karagatan.

Naluha na naman ako. Leandro. Nakakainis ka. Paano mo 'to nagawa sa akin?

Ikaw lang ang nag-iisang lalaki na nakapukaw sa akin. Ikaw lang ang  pinapasok ko sa puso ko. Sa puso kong akala ko wala ng buhay. Pero bakit mo naman ginanon?

Hindi mo alam ang takot ko at duda. Makasama ka lang. Sinuong ko lahat. Sinugal ko ang pagtingin ko sa iyo. 'Yun pala ay pinaglalaruan mo lang ako.

Sinubsub ko ang mukha ko sa unan upang mag iiyak pa. Pumapadyak padyak pa ako sa inis. Grabe, tapos yung babae. Dyosa, literal. Nakakahiyang tumabi sa kaniya kase magmumukha lang akong basura. Siya yung babae na bagay na bagay sa tulad ni Leandro.

Maureen ang pangalan niya. Nakakainis, pati pangalan ang ganda. Ano bang laban ko sa kaniya? Sexy, maganda, malaki ang pwet, malaki ang dyoga. Huhu. Nasa kaniya na ata lahat. Samantalang ako. Eto lang, simpleng babae na walang malaki sa katawan.

Nakakainis ka Leandro.

Pero ano 'yung sinabi niyang may ano raw siya?

Sex Addiction?

Hindi magandang biro iyon kung nagbibiro man siya. At kung para lang may maidahilan. Isa akong nursing student at naidiscuss na noon ng isa kong propesor ang tungkol dito. Ang sex addiction ay isang serious illness.

Nakakatakot ito kung tutuusin. Napaka laki ng hatid nitong pagbabago sa buhay ng isang tao. When you are an alcoholic person. There is a tendency na makuha mo ito. Ang isang taong may ganitong karamdaman ay nakakaramdam ng kakaibang sexual tensyon. 'Yun bang parang wala kang kapaguran sa ganitong bagay. Na kahit ulitin mo ito ng maraming beses sa isang araw. At pagkatapos ay parang makakaramdam ka ng guilt. Na parang bakit ko nagawa ito.

Hindi ito kayang pigilan. Na parang hindi ka buo kapag hindi mo ito nagagawa. Na parang hindi ka sapat. Hinahanap hanap mo ito.

Inisip kong mabuti kung nagpakita ba si Leandro ng mga sintomas nito noong kasagsagan ng panunuyo niya siya akin. Binalikan kong mabuti ang lahat.

At napabangon bigla. Seryoso ba siya?

Naalala ko. Minsan kase, iba ang tingin niya sa akin. Yung tingin na parang may pagnanasa. Yung tingin na may masamang balak. Pero hindi ko pinapansin kase nakikita kong pinipigilan niya. Minsan, sinasapok sapok niya ang ulo niya o kaya umaalis na lang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Medyo malikot rin ang kamay niya minsan. Kung saan saan humahawak eh. Tapos parang pinagpapawisan siya. Ang ginagawa niya naman pag ganon ay pumipikit ng madiin. Mabilis niyang nababawi ang kamay niya at lumalayo sa akin.

Pero totoo ba?

Leandro. Totoo bang sex addict ka?

Pumilig pilig ako. Hindi. Nagsisinungaling lang siya. Ginagawa niya lang iyong dahilan para makatakas sa kasalanan niya. Ang sama ng ugali niya. Hindi dapat siya gumagamit ng ganoon na excuse dahil masyado itong seryoso.

Humiga nalang ako ng mabuti at pinilit matulog kahit mugto ang mga mata ko.

"CALINE!"

"CALINE, MAG-USAP TAYO!"

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon