Chapter 11

1.8K 39 1
                                    


***

Leandro's POV

F*ck! Ang tagal mag Linggo. Miyerkules pa lang ngayon at naiinip na ako. Gusto ko na siyang makita. Taena kase, Leandro. Ano bang nangyayari sa iyo? Gustong -gusto ko ba siya para magkaganito? Hindi na talaga ako makapaghintay na makita siya. Nitong mga nakaraang araw kase ay hindi ko siya naaabutan kasama sila Jepoy. Masyado na akong late nakakauwi dahil sa work.

Kakahatid lang sa akin ngayon ni Maureen sa tapat ng condo. Nang makita si Kat-Kat na naglakakad. Napangiti naman ako.

"Kat-Kat!" Sigaw ko. Napalingon naman siya agad. Napangiti ng makita ako, tumakbo siya agad papunta sa akin.

"Kuya Leandro!" Hingal siyang huminto sa tapat ko.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasan 'yung dalawa?" Pagtataka ko.

"Ahh, nangangalakal po sila ngayon eh. Ay kuya, sorry. Nakain ko na 'yung pandecoco na bigay ni Ate Caline. Akala ko kase hindi na kayo magpapakita eh!" Nakangiti niyang pagpapaalam sa akin. No! My pandecoco. Ilang araw na din. Nakakapanghinayang.

"San ba sila nangangalakal. Gabi na ah, halika sunduin natin."

"Sige po!"

Wala na. Ibang tao na ako. Dahil ito sa iyo lahat, Caline. Kailan pa ako nakipag associate sa mga batang pulubi? Eh, I used to hate them.

Nakarating kami ni Kat-Kat sa may tambakan ng basura. Naroon nga si Den Den at Jepoy.

"Oy. Come here, you two!" Sigaw ko sa dalawa habang sumesenyas na lumapit sa amin.

"Kuya Leandro!" Nabitawan nila 'yung mga kinakalkal nila. At excited na tumakbo papunta sa amin. Napangiti ako.

"Maghugas na kayo. Kakain tayo!" Utos ko sa kanila.

"Po? Wala po kaming pera eh. Wait lang po, ibebenta lang muna namin ang nakalakal namin!" Natawa ako. Pulubi ba talaga sila?

"Hayaan niyo na iyan diyan. Libre ko kayo, ayaw niyo ba?" Natatawa kong tanong. Kusa nilang binitawan ang mga dala nilang basura at nagtatalon.

"Talaga po? Yehey!"

Pagod ako sa trabaho pero nakuha ko pang manlibre at magsayang ng oras sa mga batang pulubing ito.

Kumain lang kami sa isang samgyupsal resto. Gulat pa sila noong ako mismo ag naggrill ng pork para sa kanila. Manghang mangha pa sila. Ang dami nilang nakain eh. Sulit 'yung unli pork.

Pinapanood ko lang silang kumain habang tinatanong ng mga bagay-bagay.

Napag-alaman ko na tumakas daw sila sa ampunan. Nagalit pa ako noong una kase tignan nila ang nangayari sa kanila. Naging palaboy. Pero sabi nila, binubully daw sila nung mga nakakatanda sa kanila. Kaya naisip nilang tumakas. Mga bata pa kase sila kaya ganoon mag-isip.

Magkakapatid ang turingan nilang tatlo kaya daw lahat ng meron ang isa ay para na rin sa lahat.

Nainggit ako sa turingan nila. Kase ako, may kapatid ako. Pero nevermind.

Alas nueve na ako nakauwi ng condo dahil sa kanila. Tinanong ko kung saan ba sila natutulog. Sabi nila ay may barong barong daw sila sa ilalim ng tulay. Illegal yon hindi ba? Pero they can manage naman daw.

Ang bata pa nila para maranasan ang ganitong hirap ng buhay.

Kaya kinabukasan ay agad kong kinausap si Maureen para sa isang bagay.

"Sir? Seryoso po ba kayo?" Gulat niyang tanong eh.

"Of course. Ready the papers now para maibigay ko na agad!"

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon