Chapter 44

1.4K 31 4
                                    


"Mommy ,who is he?" bigla akong nanginig sa tanong na iyon ni Leana. Napalunok habang si Sheera naman ay nauna ng nilapitan si Jerome para kausapin. Hindi ko alam kung bakit, bahala na siya.

Pinilit kong ibaling sa iba ang atensyon ni Leana. Para makaiwas sa tanong.

"Malalate na tayo anak, halika na!"

Aya ko sa kaniya pagkatapos ay inalalayan sa dala niyang bag. Pero sabay lang kaming napahinto ng sabay magbukas ng pinto si Leandro at Jerome ng kanilang mga kotse.

"Sabay na kayo sa akin, Caline!" -Jerome.

"I'll take you to the school!" -Leandro.

What the heck. Ano bang trip ng dalawang 'to.

"Haba ng hair!" hindi maiwasang sabat ni sheera na nakasakay na sa kotse niya. Pinanlisikan ko naman siya pero tinawanan lang ako ni gaga.

"May sarili akong kotse." tugon ko sa dalawang bida bida sa harapan. Pinasok ko na sa loob ng kotse ang bag ni Leana pagkatapos ay kinarga ko siya para makaupo sa tabi ko.

"Pakitabi iyang mga kotse niyo lalabas na kami!" pahabol ko pa ,mga hindi pa kase nagsisikilos. Bigla naman silang naaligaga at nagmadaling inayos ang parada ng mga sasakyan nila. Iyan ganyan dapat.

Naihatid ko naman si Leana ng matiwasay sa school niya. Mabuti at hindi na sumunod ang dalawang mokong. Ano bang mga naiisipan nila. Tumawag naman si Sheera na kailangan niya ng magwork. Pinabayaan ko na, laki na kase ng pang aabala ko sa kaniya eh. Malamang ay dumiretso na rin si Jerome sa trabaho niya.

Mag-isa na lang ako ngayong papunta sa clinic para buksan iyon. I was walking gently ng biglang mapahinto.

"F*ck!" napamura ako ng makita si Leandro sa tapat ng pinto ng clinic ko na parang may sinisilip. Ew, pervert. Bahagya kong inatras ang isa kong paa para sana bumalik ngunit kasabay noon ay ang paglingon niya sa direksyon ko.

"Caline!" masayang bati niya. Napalunok ako bigla ng tumakbo siya palapit sa akin. Umayos ako ng pwesto. I need to be profesional. Kapag hindi about work ang pinunta niya ay papaalisin ko na siya. Yes, tama lang naman iyon.

"Y-Yes?" napipilitan kong tugon.

"Can we talk?" tanong niya agad na akala mo eh ke-layo layo ang tinakbo dahil pagal na pagal samantalang halos sampung metro lang naman ang layo namin sa isa't isa kanina.

"No!" agad kong sagot sa kaniya pagkatapos ay nilagpasan siya. Pero ramdam kong nakasunod siya na parang bata.

"Umuwi ka na nga Leandro!" dagdag ko pa. Eh kase, office hours ko ngaon at hindi ko siya maeentertain, char. Di ko talaga siya i-eentertain ano.

"I have an important matter to tell you!" pangungulit niya. Alam niyo yung parang bata. Duh, ang tanda niya na para magpacute. As if naman cute siya. Well, kinda pero I don't care anymore.

"What is it?" irita kong hinarap siya. May appointment kase ako ng 9:00am eh 8:50 na. Sarado pa ang clinic eh padating na ang pasyente ko.

Napatanga lang ako ng bigla niyang ipakita ang daliri niyang may hiwa. Siguro gawa ng kutsilyo or whatever sharp object man iyan. His looks were damn cute and hot at the same time. He's pouting at me and I nearly loose my seriousness. Kaya agad kong binawi ang sarili ko bago pa malunod.

"Anong gagawin ko?" medyo sarkastiko kong tugon. Eh kase, ano ba namang gagawin ko doon. Besides, important matter daw iyon. Eh napakalayo noon sa bituka?

"Gamutin mo!" with paawa looks and all. Pota naman Leandro! Nananahimik na ako. Bakit ka ba bumalik para manggulo.

Knowing him, alam kong hindi siya titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Gaya na lang ang makausap ako. Lahat ng way talaga gagawin niya at ikaiinis ko lang iyon kaya wala na akong choice.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon