***
Caline's POV
"We need to talk!" lahat kami nagulat ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.
"L-Leandro!" yun lang ang lumabas sa bibig ko. Ang banggitin ang pangalan niya.
"Come with me! I need to know something from you." seryosong sabi niya. He's strong enough para mamula ang pulso ko.
"Mommy, who is he po?" tanong ni Leana na parang nahibi niya. Shocks, my baby.
"Don't touch me!" I used all my strength para kumawala sa kaniya. At ng magawa ko ay dali dali kong kinarga si Leana upang tumakas. Pero mabilis niya akong hinila pabalik dahilan para mapayakap ako sa kaniya habang karga ko si Leana. Pinadaanan niya ako ng tingin ngunit biglang nilipat kay Leana. He looks confused while staring at my baby. Shocked and teary eyed.
"I-Is she my daughter?" he asked.
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa dalawa kong kasama upang makita lang ang mga gulat din nilang expression.
Fuck!
He stared at me na parang mangangain ng buhay. What to do. I'm so nervous at the same time, afraid. Afraid that my precious secret will unveil in a most vulgar way. Iniwasan ko ang matatalim niyang tingin.
"Let me go" mahinahon kong tugon.
"No. You will answer my questions. Right here! Right now!" galit na galit na siya ngayon.
"I don't want to answer any of your questions so ,go. And let me go." mahinahon parin pero may diin kong sabi.
"No, Caline! I need the answers now. And I will get it now no matter what happen." humigpit ang hawak niya sa amin na parang walang balak kaming pakawalang mag-ina.
"Can you stop harrassing her? Di'ba ikaw yung tarantado sa parking lot? Sino ka ba ha? Bakit mo hinaharas ang mag-ina ko?" Jerome interfered and join this messy encounter.
Me and Sheera just drop our jaw. Literally. Like what?
Natigilan bigla si Leandro sa narinig. Medyo marami na ring nanonood at nahihiya na ako.
"Haha! What did you just say? Nagpapatawa ka ba? Eh hindi naman tulad mong patpatin ang magugustuhan ni Caline ano!" mapang insultong sagot ni Leandro.
Nabitawan na ako ni Leandro kaya agad kong binigay si Leana kay Sheera.
"Mauna na kayo sa kotse." pagmamadali kong sabi.
"Ha? Gusto ko pamg manood eh!"
Ang tsismosa talaga ng babaeng ito.
"Ikukwento ko na lang mamaya. Sige na." pinandilatan ko na siya ng mata. Buti naman at nagets niya na agad.
"Okay fine. Basta lahat lahat ha. Walang labis walang kulang."
"Oo na. Go na!"
Nagsasagutan pa rin yung dalawang unggoy doon habang pinapatakas ko si Leana sa gulo.
"Caline. San mo dadalhin ang bata?" agad na sita ni Leandro ng makitang paalis na si Leana at Sheera.
"Ano bang pakialam mo sa anak namin ha. Lumayas ka na nga dito. Nakakahiya ka oh. Daming tao!" bulyaw ni Jerome. Bigla naman siyang kinwelyuhan ni Leandro. Kaya lumapit na ako para awatin sila.
"Stop it!" agad akong pumagitna. Ngunit masyadong gigil si Leandro dahilan para maitulak ako at matumba sa tabing mesa.
"Aray!" angal ko na ikinatigil nila ng sabay.
"Caline!" banggit nila parehas. Mabilis lumapit sa akin si Leandro upang alalayan ako. Pero agad siyang tinabig ni Jerome at sinuntok sa pisngi.
"How dare you hurt her!" nagngangalit na si Jerome. Hindi naman talaga masakit yung bagsak ko pero bakit ganon si Jerome alalang alala talaga siya. Pero mas nalito ako ng makitang parang balewala lang ang suntok kay Leandro kahit dumugo ng gilid ng labi niya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Are you okay? I'm sorry. Please talk to me!" parang naluluha na siya. What's wrong with him ba kase. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ganyan siya. The way he act. Eh siya naman ang gumawa ng gulo.
Pero para malinawan na ako sa lahat ay papayag na akong makausap siya. But not now. Inalalayan ako ni Jerome para makatayo. Aalis na sana kami pero huminto ako para lingunin si Leandro na nakatingin lang sa akin.
"Makikipag-usap ako sa'yo. But please, not now." sincere ang pakiusap kong iyon sa kaniya.
"Really?" biglang tumulo ang mga luha sa mata niya. Fuck. I can see how he is happy now knowing na makakausap niya ako. Pero bakit ba Leandro. Eh binasura mo lang naman ako dati. Ano 'to gagaguhin mo lang ako ulit?
"Yeah. Good bye!" yun na lang ang sinabi ko bago tumalikod at sumama kay Jerome palayo.
~~~
"Very good acting. I love it. Sana nga nandon ako kanina. Kainis kase!" reaction ni Sheera ng maikwento namin ang lahat.
"I wasn't acting!" napahinto ako pagsasaway kay Sheera sa sinabi ni Jerome.
"W-What do you mean?" kinabahang tanong ko.
"I really want us to be a family. I really want you and Leana be my family, I really want to be your husband. I really like you. No, I really love you, Caline. Pero hindi mo nakita kahit kelan." puno ng hinanakit ang mga binitawang salita ni Jerome sa amin.
Kami ni Sheera itong hindi alam ang isasagot.
"W-hat?" yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"See? Hindi mo alam. Kase ang manhid mo, Caline. I was confident and willing to wait ,dati. Pero ngayong bumalik ang lalaking iyon na pakiramdam ko malaki ang kinalaman sa pagkasira ng buhay mo noon. I feel threatened. Natatakot ako. Na baka mawala ka sa akin."
I was dumbfounded. Hindi ko alam ang irereak ko. Hindi mag sink in ang lahat sa utak ko. Maging si Sheera na daldal eh walang masabi. Jerome stood up. At ang tignan lang siya ang nagawa ko.
"I'm leaving for now. Ngayong alam mo na ang totoo kong nararamdaman. Sana naman kahit papaano. Maisip mo, na lagi akong nasa tabi mo. Hindi ako nawala, Caline. At hinding hindi mawawala. Alam mo iyan." pahabol niya bago tuluyang tumalikod at lumakad palabas ng pinto.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga kamay ni Sheera sa balikat ko.
"Hay nako, nagtapat din si mokong!" bulong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Alam mo?" gulat kong tanong.
"Oo teh. Ikaw lang yung walang alam. Tama nga si Jerome, manhid ka girl." diretsahan niyang sabi.
"Hindi ko na alam, Sheera. Wala na akong alam. Gusto ko na lang maglaho." napasubsob ako sa dede niya.
"Enjoy na enjoy sa unan?" mataray niyang tono.
"Hehe, pahiga lang. Laki kase." pabiro kong sagot. Hinimas niya ang buhok ko. Kaya lab na lab ko 'to. Sisimulan na niyan ang pagpapayo.
"Don't worry. Tutulungan kita.." sabi niya na ikinahinga ko ng maluwag.
"Thank you talaga." sambit ko sabay pahinga ng ulo sa dede niya.
"..na mamili sa dalawang fafa. Ang haba ng hair mo girl ha. Mamigay ka naman, jusko parehas hot. Ang sasarap. Hmm aminin kinilig ka kanina. Hays kung ako yon. Pagsasabayin ko sila. Sana ol talaga. Sana ol ,Cal..."
Hindi niya na naituloy dahil sinapok ko na siya. Ang buwiset. Kalandian pa talaga inuna. Muli niyang hinila ang ulo ko para ipatong sa pinagmamalaki niyang bundok.
"Joke lang. Tutulungan kitang ifigure out ang lahat. You will be fine. " pagkasabi niya noon saka ako na rest assure.
"Salamat, Sheera!" niyakap ko siya ng mahigpit.
"Walang anuman."
***
A/N: Malapit na itong matapos hehe. Aayusin ko ang ending. Sana magustuhan niyo. Huhu
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
