Chapter 26

1.6K 23 0
                                    


***

Caline's POV

"Alam mo ate Caline, nagbago si Kuya simula ng makilala ka niya."

"Magagalitin siya lagi, nakakatakot. Iwas nga ang mga empleyado sa kaniya eh."

"Alam mo ba ate Caline, kapag bumibisita si Kuya sa mga site ,pinakamababa na ang sampung nasisisante."

"Napaka istrikto niya dati!"

"Hindi niya rin ako pinapansin dati. Loner siya, wala siyang pinagkakaabalahan noon kundi alak at babae!"  napakatakip siya bigla sa bibig niya dahil sa huling sinabi. Nakita ko pa na kinabahan siya bigla. Na parang may nasabi siyang ikalalagot niya sa kuya ni mamaya.

"HAHAHA!" natawa ako talaga. Nasa early twenties niya pa lang si Luther at napakadaldal niya sobra. Kung madaldal si Leandro, triple si Luther. Walang preno ang bibig niya eh. Pinapasyal niya ako sa buong event hall habang kinukwentuhan ng kung ano ano tungkol sa kuya niya.

"Ate Caline ,huwag mo akong isumbong kay Kuya ha? Mayayari ako!" parang namutla na siya.

"Nakakatakot ba talaga dati si Leandro?" curious lang ako. Kase hindi talaga siya nakakatakot kapag kami lang.

"Oo ate sobra. Alam mo ba, kapag dumating na si Kuya sa building. Naisasantabi ang lahat ng chismisan sa paligid. Nagiging maingat ang kilos ng lahat. Ang bansag sa kaniya sa company ay Tiger. Pero sa mga gc ng employee. Devil Tiger ang tawag sa kaniya. Hahaha!"

Hindi ko alam kung paano niya nailalaglag ng ganito ang kuya niya. Mabuti na lang at mabait ako kaya hindi ko siya isusumbong. Sigurado akong makakasundo ko siya.

"May itatanong pa ako, Luther." hindi ko maialis ito kanina pa.

"Ano yun ate Caline?"

"Sino ang mga 'yon?" sabay turo ko sa mga babaeng kausap kanina ni Leandro.

"Ahh. The Tres Marias. Sila ang may-ari ng Golden Iron Company. Isa sa mga pinakamalaking partners ni Kuya sa business." paliwanag niya. Ahh ,grabe ang successful na rin pala nila. Pero bakit naman kailangan pa nilang himasin si Leandro ko? Huhu.

"Nagseselos ka ba sa kanila? Ahh sila ang dahilan kung bakit ka lumabas kanina?" panghuhuli niya. Bwiset, lakas makaradar.

"Kanina lang. Hindi na ngayon. Quiet ka lang!" pagpapatahimik ko sa kaniya. Nagkunwari na lang siyang nagzipper ng bibig. Lumakad pa kami at nagtingin tingin.

"Nakilala mo na pala ang kapatid ko." napalingon kami ni Luther ng magsalita si Leandro.

"Kuya!" agad siyang pinuntahan ni Luther. At inambahan ng yakap. Tinabig naman siya agad ni Leandro.

"Tss. Luther, tanda mo na. Isip bata ka pa rin!" inis na sabi ni Leandro.

"Eh kung dati mo pa ako ginawang kapatid edi sana hindi ako nagpapakabata ngayon!" nakasimangot na sagot ni Luther.

Natatawa ako sa kanila. Isang bulgar na immature at madaldal na si Luther at isang hindi bulgar na immature at madaldal na si Leandro. Hay, magkapatid nga sila.

"Sige, doon ka na. Ako na ang bahala kay Caline ngayon!" utos niya sa kapatid.

"Wala ka ng kakausapin?" tanong ko. Baka kase hindi pa, tapos nandito na siya.

"Oo wala na. Kaya solo mo na ako ngayon! Sa'yo na ang oras ko" sabay kindat niya. Hmmp. Pinagselos niya ako ha. Napahinto kami ni Leandro ng mapansing may nakatingin. Ng lingunin namin ay si Luther na nakatanga ang mga mata sa amin.

"What?" iritang tanong ni Leandro.

"Ang korni mo pala kuya, no? Buti natatagalan ka ni ate Caline." seryosong sabi ni Luther. Natawa talaga ako kase may point siya. Sinamaan ako ng tingin ni Leandro kaya huminto ako.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon