Chapter 4

2.4K 38 1
                                    


***

Leandro's POV

"Matagal pa ba?" Irita kong sagot. Nililinis niya 'yong sugat ko sa ulo. G*go ang laki. Kapag nakita ko ulit 'yong dalawang ungas na 'yon. Babasagin ko talaga ang mga pagmumukha nila kahit dati na itong mga basag. Badtrip, ang gwapo kong mukha. Ano na ang ihaharap ko ngayon sa media? Mai-issue lang ako nito eh.

"Excited ka? Nakita mong sensitibo ang parteng ito. Kung maimpeksyon?" Pagalit niyang sagot. Akala niya ba hindi ko alam iyon? Kaya nga aalis na sana ako para makapagpagamot sa ospital eh. Sagabal lang kaya siya.

"Ako na kase. Papunta na rin akong hospital para sigurado!" Pag-iinsist ko. Wala naman akong claustrophobia ha, pero naliliitan talaga ako sa kwartong ito.

"May pera ka ba? Naku, pag pumunta ka doon. Puro gamot na kung ano-ano lang ang ipapabili sa iyo, mga hindi mo naman kailangan. Ako na ang bahala muna sa iyo. Libre na dito. Wala kang babayaran. Makakatipid ka!" Muntik na akong mapanganga sa sinabi niya. Did she just belittled me? Para sabihin ko sa kaniya. Kayang-kaya kong bilihin ang hospital na pagpapagamutan ko ano. Anong akala niya sa akin, mahirap?

"Mukha ba akong mahirap?" Medyo pagalit kong tanong. Hello, sa itsura kong ito? Never ka makakakita ng kasing linis at kasing gwapo ko na hindi mayaman. Ako lang. Kaso napangiwi lang siya.

"Sa totoo lang. Oo!" Walang gana niyang sagot. Napatanga naman ako sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka ba? Kilala mo ba kung sino ako? Ako si .." hindi ko na naituloy ang pagpapakilala ko ng itapat niya sa akin ang salamin.

"What the f*ck!" Kusang lumabas sa bibig ko.

"Don't say bad words!" Sita niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Nagfocus ako sa hitsura ko sa salamin. Ako ba ito? Anong ka-itsurahan ba ito? Ang dungis ko. Ibang damit na ang suot ko at wasak wasak pa. Kaya pala medyo presko kanina ang pakiramdam. Wala na rin ang cellphone at susi ng kotse ko sa bulsa.

"Sh*t!" Muli kong bigkas.

"Sabi ng huwag magmura eh!" Parang nainis na si Caline.

"Sorry!" Sagot ko. F*ck. Ano 'yon Leandro? Bakit ka nagsorry sa kaniya. At kailan ka pa natutong magsorry?

Bwiset, mga magnanakaw pala ang dalawang nakaengkwentro ko kagabi.

And hindi ba, nagrereklamo ako kanina kase mabaho? Ako lang pala. Ang mga hayop. Iniwanan lang pala ako sa basurahan.

"Pwede bang makiligo bago umalis?" Tanong ko kay Caline na nag-iimpis na ng mga ginamit panglinis sa mukha ko.

"Pwede naman. Pero isang timba lang ha? Mahal kase ang tubig dito." Natatawa niyang sagot. Tumango naman ako. Need ko na talaga maligo. Or half bath. Umaalingasaw eh.

Nang makarating sa sinasabi niyang banyo. Halos maiyak ako. Sobrang liit.  Kasya ba ang isang tao dito? Nandoon na rin 'yong bowl. Ano ba naman ito.

"Wala kayong bath thub?" Nakangiwi kong tanong. Tinitigan ako ni Caline. Bago tumama.

"Hahaha!"

Anong problema niya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Mamalou, kung may bath thub daw tayo!" Namumula na siya kakatawa. Ano bang nakakatawa.

Lumapit 'yong Mamalou.

"Nako, pogi. Sensya ka na. Tabo at timba lang ang meron kami eh!" napatingin akong muli sa timba.

"Pwede po bang magrequest pa ng isang timbang tubig?" Kase, napaka-onti non. Anong mararating ko sa isang timba, hindi ba? Napangiti si Mamalou.

"Yon lang naman pala eh! Beks, halika. Ibili mo si Pogi ng isang timba pa ng tubig!" Utos niya kay Beks. Inabutan siya nito ng halagang sampung piso.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon