Chapter 7

2.5K 37 1
                                        


***

Leandro's POV

Today is monday! Nakakapuyat, ang aga ko gumising para makahabol sa flight. Today is the ground breaking ceremony of Salvatore's Hospital. One of the biggest private hospital in the Philippines. They have five branches in Luzon and today will be their first branch in Visayas.

They are performing well at siguradong madadagdagan pa ang mga braches nila around the Philippines. And kapag naging maayos ang project na ito ay maaaring kami na ulit ang kokontakin nila para sa mga susunod na projects.

Hindi ko naman akalain na ganon ko kadaling makukuha ang project. We just tried to propose. Hindi na sila nagpabidding. Yun yung mag-piprepared ang mga interested company ng kanilang own designs for the hospital. After noon ay tsaka pa lang pipili ng general contractor.

Masyado talaga atang makamandag ang isang Leandro Montemayor.

Pero kahit ganoon eh malaki pa ring sakripisyo. Biro niyo, alas tres ako ngayon gumising para maghanda sa paglipad papuntang Cebu. Balikan lang ako dahil hindi ako pwedeng nagtatagal. Busy ako na tao.

Kakalanding lang ng plane na sinakyan ko. Nakakabadtrip nga eh. Magpaprivate plane na lang sana ako kaso 'yong pilot ko may sakit. Kung marunong lang akong magpalipad ng plane edi ako na lang sana. Pero siyempre, nililimitahan ko ang sarili ko. Baka maging perfect na ako kapag ganon eh.

Agad akong sinalubong ng mga staff nila. Limousine car agad ang nagbukas sa harap ko. Masyado nila akong inaasikaso samantalang kami ang may kailangan sa kanila. Haha.

Pagpasok ko sa loob.

"Hi, Kuya Leandro!"

Isang teen ager na babae agad ang bumungad sa akin. Napatingin ako ng masama kay Maureen.

"Who's this young girl?" Iritable kong tanong. Napangiwi naman siya sa akin.

"Yun na nga eh. She's the Founder's grand daughter. She's a huge fan of yours. Nakiusap sila na kung pwede ka niyang makita kahit saglit." Paliwanag ni Maureen. I knew it. Basta talaga napapangiwi siya eh may hindi siya sa akin sinabi.

Binalingan ko ng tingin itong batang babae na sa tingin ko ay kinse pa lang.

"Kuya, paselfie naman po. Please?" Nagpacute siya sa akin habang nakalabas ang phone. Ano pa nga bang magagawa ko. This is a big project at baka magback out sila kapag tumanggi ako dito sa batang ito.

"Sure!" Tumabi ng konti si Maureen para makalapit sa akin yung bata at tumabi.

"Woah!" Napalayo ako ng konti. Idikit ba naman sa akin 'yong dibdib niya. Ayokong makulong ano.

"Ay sorry ,Kuya. Hehe!" Napatamad look naman ako. Naka one hundred shots ata kami. Bwiset na bata. Napaka landi.  Ang lakas niyang mang-akit. Iniisip ko na tuloy kung bihasa na siya.

Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Siguro napag-iwanan na ako. Wala naman kase akong makakausap sa mga walang kwentang bagay eh. I don't have friends. I don't have anyone to talk to. My mother is far. Maureen and I only converse about work. Ni hindi ko din siya makausap ng mga none related work kase parang ang awkward. I don't have a sense of humor. Hindi iyon alam ng mga babaeng nagpapapansin sa akin. Kaya I'm sure, magigising din sila sa katotohanan na hindi si Leandro ang dapat nilang pinapantasya.

Nang makarating sa malaking patag na lupa ay bumaba na ako. Isang malaking tarpauline na agad ang naabutan ko. Naka-display doon ang expected output ng project. Ang pinag-hirapan namin idesign at irender.

Malaki ang pangalan ng project at malaki rin ang pangalan ng company namin na siguradong kita agad.

Sinalubong ako agad ni Doctor Ramsel.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon