***
Caline's POV
Ngayong araw na iyon. Kinakabahan kong kinuha ang bag ko at isinakbat. Today is the day. Ang board meeting ni Leandro. About sa dismissal niya as C.E.O. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito. Na madismiss siya.
Pwede pala siyang matanggal kahit sa kaniya ang kumpanya. Pinaliwanag niya iyon sa akin ng mabuti. Naintindihan ko ang explanation niya. Pero hindi ko matanggap na umabot sa ganito. Na ako ang dahilan ng pagbagsak niya. Ang sama ko. Ang sama sama ko. Dapat dati ko pa ginawa ang tama. Pero anong ginawa ko. Pinalala ko pa.
On the way na ako ngayon sa hospital. Discharge day ngayon ni Moma. At gagawin ko na ang tama.
Dala ang lahat ng gamit ko mula sa condo niya.
Ang bagay na sa una pa lang ginawan ko na dapat ng paraan.
Ang apoy na agad ko na dapat pinatay upang di lumala ng ganito.
Ang relasyon naming napakaimposibleng magkatotoo.
Wawakasan ko na.
I decided...
To leave him..
Forever.
Maiyak iyak pa ako sa jeep habang yakap yakap ang mga gamit ko. Libong dahilan para iwan siya. Pero iisa lang ang sinisigaw ng puso ko ngayon at iyon ay ang magstay pa rin sa piling niya.
Matagal ng naghari ang puso sa akin. Kaya ngayon ay utak naman ang papairalin ko. Siguro tama ang mommy niya. Na sinisira ko lang ang buhay niya.
Mahal na mahal ko si Leandro. To the point na kaya ko siyang i-let go para bumalik sa dati ang buhay niya.
Buhay na wala ako.
Hindi ko alam kung ito ang tama. Pero ito ang gagawin ko.
Agad akong nagtungo sa room ni moma. As soon as makababa ako sa jeep. Dali daling tumakbo na akala mo eh may humahabol. Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ay agad kong nakita si Leadro na nakatayo sa harap ni Moma. Nag-uusap sila. Sa gulat ko ay naitapon ko sa gilid ang mga gamit kong dala.
What the heck is he doing here! May board meeting siya ngayon!
Sa inis ko ay padabog kong sinara ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?!" mataas agad ang boses ko.
"Love, andiyan ka na pala. Halika, dito."
Handa na akong pagalitan siya at sigaw sigawan ng mahinto ako. Nang marealize ang dahilan kung bakit siya nandito.
Malinis na ang kwarto. Okay na ang lahat at nakaayos. Siya ang nag asikaso ng pagdidischarge kay Moma. Kaya yung galit ko, parang nawala bigla. At napalitan ng pagkakonsensya.
Na bigla kong kinuwestyon ang naging desisyon ko. Tama ba? Tama ba ang solusyong naiisip ko?
Iyon na lang ba talaga? Pero kahit na maganda ang pinapakita niya sa akin eh malaki naman ang nasisira para sa kaniya. Sa kinabukasan niya.
Bakit Leandro? Sino ba ako sa iyo? Bakit mo nagagawang isakripisyo ang lahat para sa akin?
Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayan ang sarili ko na nakahilig sa kaniya.
'Pag karupukan talaga, Gold medal na ako'
Last na talaga. Huhu. I'll do my best para itama ang lahat ng maling naidulot ko sa buhay niya.
Yung mga gamit ko na pinag alsabalutan eh nagawan ko ng paraang maitago noong umihi siya kanina. Kabang kaba pa ako na baka may dumating na nurse at itanong kung kaninong mga gamit ang nasa labas. Yari sana ako.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomansaRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
