Chapter 9

1.9K 37 0
                                    


***

Leandro's POV

Nagjogging lang ako papunta sa bakery. Para pawisan ako mamaya. Mas basa mas nakakaakit. Siguradong mahihirapan ako na maakit siya. Hinanda ko naman na ang sarili ko.

Pero I'll make sure na magtatagumpay ako. Na maaangkin ko rin ang pagkainosente niya. Napangisi ako. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon. Pero pagkatapos noon. Ano na ang mangyayari? Ano na ang gagawin ko? Bahala na, tsaka ko na lang iyon iisipin.

Malapit na ako kaya mas inayos ko ang itsura ko. Dapat gwapong gwapo at kaakit akit. Yung mga nadaanan kong mga babae, mapadalaga man o matanda. Halos tumulo ang laway. Idagdag niyo pa si little Leandro na bakat na bakat sa suot kong fitted short.

Nandito na ako. Liliko na lang at makikita ko na ang target ko bukod sa pandecoco. Humanda ka Caline.

HA HA HA (evil grin)

Kaso napahinto ako sa pwesto ko. May nagkakagulo at nagsisigawan. May nag-aaway ata eh. Teka, sa tapat ng bakery iyon. Baka madamay sila Caline. Dali-dali kong winahi ang mga tao para makapasok at makita ang nagaganap.

"Madam Susan, parang awa niyo na po. Isang buwan pa. Bigyan niyo pa po kami ng isang buwang palugit" nakita ko si Caline na nakaluhod at nagmamakaawa. Katabi niya si Beks at Mamalou na nakaluhod din.

"Aba Caline. Sinabi mo na rin iyan noong isang buwan. Pero ano? Wala pa rin. Parating na 'yong bagong uupa sa bahay. Kaya ayan na ang mga gamit niyo. Kami na ang nag-impake para sa inyo." Sabi nong tinawag niyang Madam Susan. Na may nakapaikot na pangkulot ng buhok at floral na bestida. May kasama siyang dalawang lalaki na pasiga-siga. Mga mukha namang bungo.

"Isang buwan na lang po please. Gipit po kase talaga kami ngayon eh. Mahina po ang benta ng bakery. Sige na po."

"Hindi pwede!" Sagot nung Susan.

Napaawa ako kay Caline. Hindi ako agad maka-aksyon para tulungan siya. Nakahinto lang ako doon.  Napakahumble niya lang. Parang wala lang sa kaniya ang pagluhod at pagmamakaawa. Nakita ko na rin siyang ginawa iyon sa presinto. Noong una, I thought she is pathetic. Pero ngayon ay medyo naiintindihan ko na.  Na binababa niya na ang pagkatao niya para sa mga kasamahan niya. Kung ako 'yon. Never akong luluhod sa harapan ng kahit na sino. Pero siya, matapang siya. Hindi niya iniisip ang sasabihin ng iba.

She is a good person.

Muli siyang humingi ng palugit pero this time ay napahawak siya sa daster ni Susan. Nainis ito kaya agad umaksyon ang isang lalaking kasama niya para tanggalin ang kamay niya sa daster pagkatapos ay itinayo niya si Caline. Hindi na ako nakapagpigil ng tangkain niyang sampalin si Caline.

Agad kong sinalag ang kamay niya at nilayo si Caline. Nagulat siya, pati yung mga nanonood. Kinwelyuhan ko ang lalaki at tinignan ng masama.

"What do you think you're doing?" Galit na talaga ako. Sasaktan niya si Caline? Pwes ako muna ang makakaharap niya.

"Leandro!" Narinig kong tawag ni Caline. Pero hinayaan ko lang siya sa likod ko.

"Teka, sino ka ba? Umalis ka nga dito!" Angal noong lalaki. Nakaready na rin naman 'yong isa. Nag aantay lang ng signal.

"Hindi mo na kailangang malaman. Lubayan mo si Caline, get you're hands off of her!" Sigaw ko, binitawan ko na siya pero napalakas kaya natumba siya.

"Aba, siraulo ka pala eh!"

Tumayo siya agad at sinugod ako. Hindi ako nakaiwas kase hinarap ko agad non si Caline. Nasuntok ako sa panga. G*go, din pala siya eh.

"LEANDRO!" sabay-sabay sigaw nong tatlo. Sinenyasan ko naman sila na okay lang. Tumayo ako at ngumisi. Muling sumugod iyong isa. Akala niya, makakaulit pa siya?

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon