***Leandro's POV
"Ganito ba?" Nakasimangot na ako ngayon habang nagtatanong kung tama pa ba ang ginagawa ko. Napahalakhak naman siya. So mali parin, bwiset.
"Bakit kase ang harass mo magmasa. Be gentle, Leandro. Be gentle!" Alam ko namang caual lang ang pagkakasabi niya noon pero bakit ang dating sa akin, iba.
"Sorry to say, but I'm not a gentle type of person!" Napataas ang kilay niya. Kanina niya pa ako tinatarayan.
"Kung ganon, edi tabi na diyan. Masasayang lang pala ang mga harina namin. Mahal pa naman!" Binunggo niya ako para mapaalis sa pwesto.
"Nagbibiro lang naman eh. Akin na nga, turo mo na lang ulit, please?" Tangina, ako na ang nahihiya sa sarili ko. Nakanguso pa ako na parang nagpapacute. Natatawa lang si Caline. Alam kong hindi bagay sa akin.
"Ganito kase. Pagmamasa, dahan dahan. Kailangan alam mo ang tamang pressure. Huwag mong bibiglain." Napapalunok na naman ako habang nagpapaliwanag siya. Parang ang sarap humimas nung mga kamay niya. Napasnap ako sa sarili ko. Kaya hindi ko makuha kuha eh. Puro kagaguhan ang inuuna ko.
Nagpay attention na talaga ako ng mabuti. Pandecoco na ito eh. Gusto ko malaman kung paano gawin.
Napangiti naman ako ng unti unti ko na siyang nagagawa.
"Ang galing, Caline tingnan mo! Galing ko 'no?" Pagmamayabang ko sa kaniya. Paano kase, maganda na ang kinalabasan nitong kanina ko pa minamasa na harina.
"Huh? Parang hindi naman. Pangit!" Pinaningkitan ko agad siya ng mata. Pangit? Napaka perfect na nga eh.
"Yabang mo. Akala mo naman ang ganda ng gawa mo!" Napasulyap ako sa gawa niya. Sinalubong niya ang tingin ko ng ngiti. Napanguso ako. Edi ikaw na ang magaling.
"First time ko pa lang naman eh. Sa susunod, perfect ko na!" Pagbawi ko. Tumango na lang siya na parang nang-aasar. Subukan mo ako Caline, baka halikan na lang kita diyan.
"Ano na next?" Hindi na ako makapaghintay sa sunod na step. Nilabas niya naman 'yung mga niyog na ready na.
"Ang daya, paano gawin iyan?" Nainggit ako agad. Anong mga ingredients? Gagawa ako sa condo eh.
"Sikretong malupet!" Medyo natawa ako sa tono niya. Filipinong Filipono eh. Ang lutong eh.
"Anong nakakatawa?" Aba, inaastahan naman ako. Lumiyad pa talaga siya na parang nanghahamon.
"Wala!" Singhal ko. Pero sinadya kong lumiyad din para mapadikit ako sa dibdib niya. Sinamaan niya ako ng tingin bago hampasin. Habbit niya rin ang manghampas 'no? Masakit na rin minsan.
"Manyak!" Sigaw niya. Natawa ako. Haha. Aware naman pala siya.
"I can't help it!" Bulong ko sa kaniya. Lumayo siya ng konti. Nagmake face na lang siya doon. Ang cute niya.
"Ganito, icut mo ng pare-parehas na hugis ang mga minasa natin kanina!" Nagfocus na ako ulit sa tinuturo niya. Ginaya ko ang ginagawa niya.
"Pfft." Narinig ko ang pagpipigil niya ng tawa.
"What?" Busy ako dito eh.
"Hulaan ko presyo ng mga gawa mo ha. Ito, piso. Ito, dos. Ito, lima at ito, tres!" Namumula na siya kakatawa. Napaisip na rin ako sa sarili ko. Engineer ba talaga ako? Bakit hindi pare-parehas ang size ng mga nagawa ko? Napikon na talaga ako sa kaniya ha. Kumuha ako ng harina.
"Ganon pala ha!" Pinunas ko agad sa mukha niya yung harina sa kamay ko.
"Ha ha ha ha!" Solid 'yung tawa ko. Hindi kase siya nakaimik bigla. Buong mukha niya kulay puti. Dali-dali siya naglinis ng mukha pero may mga natira pa rin. Hindi siya umiimik, lumakad lang siya palayo sa akin. Gago, nagalit ata. Tumigil na ako sa pagtawa. Lumapit ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
Lãng mạnRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...