Chapter 27

1.9K 25 10
                                        


***
WARNING: R-18

Read at your own risk.

Caline's POV

Wow. Ang ganda at ang laki ng condo niya. First time ko lang makapunta dito. Pinaliwanag niya na buong third floor ay condo niya. What the heck.

Seryoso ba siya? Napakalawak as in. Grabe siya, ilang kwarto ba ang naririto. Nakakalulang pagmasdan ang lawak ng condo niya.

Napakayaman niya talaga. Hinubad niya na agad ang coat niya at hinagis sa sofa. Niluwagan niya rin ang necktie niya pagkatapos ay kinuha ang remote ng aircon at binuksan iyon.

Binalingan niya ako ng mapansing hindi ako gumagalaw.

"What's the problem?" tanong niya.

"Ikaw lang talaga ang nakatira dito?" paniniguro ko, kase naman ang laki talaga.

"Oo naman. Bakit?" balik niyang tanong.

"Para kaseng ang lungkot eh." sabi ko. Nakita ko naman na natigilan siya. Bakit ko ba iyon nasabi. Lalapitan ko na sana siya ng bigla itong ngumiti.

"Yeah, malungkot pag mag-isa. But that was before, ngayon kase, I have you here."  napangiti naman ako. Lumakad na rin ako papasok.

"Caline. Feel at home ka lang ha? Magshower lang muna ako, ang lagkit ko na eh." paalam niya. Tumango lang ako.

Minasdan ko lang siyang lumakad palayo pero bigla siyang lumingon.

"Gusto mong sumabay? Alam mo na, para masaya!" sabi niya. Inikutan ko nga ng mata.

"Hindi, after mo na lang ako. Go na!" utos ko. Natatawa naman siyang bumalik. Hay naku, Leandro.

Malaki ang improvement niya nitong mga nakaraang buwan. Tungkol kase sa sex addiction niya. Walang masyadong treatment doon maliban sa therapy. Minomonitor ko siya ng mabuti. Kailangan niyang makontento sa akin. Sa akin lang. Yung bang hindi na siya humahanap pa ng ibang babae. That's the only way. At sa tingin ko effective sa kaniya kase wala akong nagiging problema.

Sa katunayan ay nasa labas na ng office niya ang pwesto ni Maureen. Dati kase eh malapit lang sa kaniya. Sa mga board meetings, wala na ring vacant seat for her sa tabi niya.

Sana lang talaga magtuloy tuloy na. Nakikita ko rin kase ang kagustuhan ni Leandro na mabawasan or tuluyan siyang macure.

Nilibot ko muna ang ilang parte ng condo. Inuna ko ng refrigirator. Wow ha, dalawang pinto at may parang cabinet pa sa baba. May ganito palang ref? Ang alam ko lang kase eh 'yung libre ng mga softdrinks company eh. Basta alam niyo na iyon.

Ang problema, walang kalaman laman. Isang mineral water lang. Nagsasayang lang siya ng kuryente eh.

Binisita ko rin ang kitchen. I checked the cabinets and wala ring kahit na ano doon. Paano siya nabubuhay dito? Wala manlang pagkain. Gusto ko sanang icheck 'yung stove ang kaso hindi ko alam kung paano ioperate eh. Ang daming pindutan. Bakit ganon, yung amin kase tanke tapos pipihitin lang ang burner. Late na ba talaga ako sa technologies?

Dumiretso ako sa mesa ng may makitang box doon. Pag open ko ay may Cake. Wow, mukhang masarap.

Congratulations ang nakasulat sa note.

"Hey, gusto mo na rin bang magshower?" nagulat ako ng magsalita siya. Nakasandal siya sa pinto habang nakarobe. Ang sarap niya talaga, char.

"Yes please."

Sinamahan niya ako sa cr. Grabe, cr na 'to? Ang laki naman, pwede nga ang dalawang kwarto eh.

"Salamat!" sabi ko. Tinulak ko pa siya palabas. Ang tingin kase, parang baliw eh.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon