Chapter 39

1.8K 34 10
                                        


***

Caline's POV

"Ano bang problema nun? Akala mo kung sino. At saka siya itong humarang sa atin. " inis na inis na singhal ni Jerome. Hindi niya mapalampas ang ginawa ni Leandro kanina. Maging ako naman eh. Hindi ko na alam ang gagawin. Bakit kinabahan ako.

"Mommy ,are you okay?" tanong ni Leana kaya natauhan ako. Napatingin din si Jerome sa akin kaya napaayos ako. Hindi niya kilala si Leandro, hindi niya alam na magkakilala kami. Na may nakaraan kami.

"Ah wala baby. Nashock lang si Mommy. Naku, tara na nga. Hayaan na natin iyon!" I act normal na parang wala lang kase they shouldn't know.

Ang lalim ng iniisip ko pagdating ko sa clinic. Naging maingat ako. I'm in Visayas now, paano siya nakarating dito eh taga Manila siya? At isa pa, ayokong makita ang pagmumukha niya.

Dahil bumabalik ang lahat ng sakit. Ang lahat ng lungkot mula ng lokohin ako ng isang bilyunaryong nagngangalang Leandro. How could he trash me like that. Eto naman akong si tanga. Na naniwala na totoo ang mga fairytale when in reality, wala naman talaga.

Naalala ko yung look na binigay niya sa amin noong hinarang niya kami sa kotse. He looks angry. Ang kapal ng mukha niya ha. To show emotion as that. Wala siyang karapatan. Kung sino man ang may karapatang magalit, ako iyon at hindi siya.

"Arggh!" napahilamos ako sa mukha sa inis.

"Nurse, ang sakit po." napaatras ako ng bahagya ng dumaing ang bata sa harap ko.

"Naku, sorry Nathan. Masakit ba? Hiheal ni nurse hm?" hinimas himas ko ang braso ni Nathan. Tinurukan ko kase siya. Naku, makakadisgrasya pa ako ng pasyente. Bwiset na Leandro. He is still ruining my life.

Kanina ang huling beses na magkikita kami. Pinapangako ko iyan!

Isang linggo na ang nakalipas. Nakahinga na ako ng maluwag, siguro nakauwi na siya sa Manila.

Ay teka, ano bang pake ko sa kaniya. Mabuti na iyon ng sa ganon ay hindi ko na siya makakrus ng landas pa habambuhay.

"Hi Caline, napagbigyan mo rin ako ng time mo ." agad na bungad sa akin ng isang babaeng fresh na fresh.

"Sheera. Echosera ka. Ano ako mayaman para maging ganoon ka busy?" hinampas ko siya sa braso.

"Haha. Practice lang, nararamdaman ko kaseng malapit ka ng yumaman!" hinampas niya rin ako bilang ganti. Pero medyo masakit. Kaya hindi ako pumayag.

"Magdilang anghel ka sana!" hinampas ko ulit siya. Aba, ganti lang. Pero si gaga lumaban ulit. At parang mga bata na naman kami dito sa clinic.

Sheera is my first friend here in Cebu. She and Jerome helped me. Para makaahon sa dusang inabot ko noon. Kung may pinagsasabihan man ako ngayon ng lahat, walang iba kundi si Sheera lang iyon. Alam niya ang lahat. Ang buong kwento ko. Kaya nga pinapunta ko siya ngayon knowing na busy siya sa kaniyang flower shop. I need someone na makakatulong sa problema ko ngayon.

"Spill the tea, sis!" pahabol niya pang hampas.

"Ayoko na sa hampasan, Sis. Tutusukin na kita ng syringe!" biro ko.

"Ay kahit ikaw ang pauna? Umbagan kita diyan." natawa kami parehas. Nagmake face pa kase siya. Ang cute niya lalo. She is 3 years younger than me. Fresh na fresh. No boyfriend since birth, maganda, maputi. In short, dyosa. Hindi talaga siya taga Visayas. Taga Luzon din like me. Ewan ko kung anong naisipan at dito nanirahan. Well, gusto niya daw ang mga festival dito. Pwede na rin. Pero parang may iba pang dahilan. Kaso, problema niya na iyon.

"HUWAT?!" agad niyang nilabas ang pagKa over acting niya pagkatapos kong ilahad ang nangyari kanina.

"Tumahimik ka baka may makarinig sa iyo!" pagsasaway ko.

"You mean, Papa L is here? Looking for you?" conyo siya magsalita kaya hinahayaan ko na lang.

"Gaga ka talaga. Papa L mo mukha mo. Hindi niya ako hinahanap. Kasama niya yung haliparot niyang secretary kaya malamang business related." Paliwanag ko.

"Eh bakit parang nanghinayang ka?" mapanukso niyang tanong.

"Sis, ano ka ba. Ayoko na nga siyang makita eh manghinayang pa kaya? I'm just worried ...about Leana."  buntong hininga kong sagot. Tumigil na rin siya sa pang aasar. Alam niya na kaseng seryoso na ako. This is what I really love about her. Oo mabiro siya at makulit pero pag sa mga ganitong seryosohan eh maaasahan mo talaga siya. She patted my back para pagaanin ang loob.

Days goes on and on. Medyo bumabalik na ako sa normal. Paranoid kase ako lately. Para kaseng nakikita ko lagi si Leandro kung saan saan. But today, hindi. So guni-guni ko lang ang mga iyon.

Dumiretso muna ako ngayon sa palengke. Sabado naman , Leana was with his dada Jerome. Mapapagkatiwalaan naman si mokong pagdating kay Leana. Alam kong mahal na mahal niya ang anak ko.

Agad akong nagtungo sa bilihan ng mga karne. Balak kong lutuan ng favorite niyang pork chop ala mommy Caline si baby Leana. That was her favorite.

Sinunod ko ang mga gulay. Pang stock sa refregirator. I'm teaching my baby to eat only healthy foods. Bonus lang ngayon kase may porkchop siya mamaya.

Naalala ko nung mga unang beses pa lang siya kumakain ng gulay. Naku, ang hirap pakainin. Nagkakaiyakan pa kami mapakain lang siya ng gulay. Hay, nakakamiss.

Makapunta na nga lang grocery store. Siyempre mga pagkain na more healthy at less unhealthy ang mga binibili ko. Kaso may chichirya. Akin kase iyon. Bawal si Baby kumain ng unhealthy foods pero ako pwede.

Stress reliever ko na rin or kapag nanonood ako ng movie kapag mag isa.

Napadaan ako sa isang stall at napairap sa nakita.

They are selling a pandecoco in a supermarket? What the heck. Nakabaliktad ito kaya hindi ko kita ang brand. The hell, may brand pa talaga? Eh sa bakery lang iyan nabibili eh.  Pero sige nga, matry nga ang lasa kung masarap.

Inabot ko yung kaisa isahang pakete ng pandecoco. And to my surprise, biglang may umagaw. Natigilan ako ng konti. I was about to pick it up tapos biglang may aagaw.

Agad kong binawi dun sa umagaw yung pandecoco.

"Excuse me, It's mine. You just stole it from me!" mataray kong sabi. Ano daw? Nag english pa talaga ako eh no.

Kaso napanganga ako ng makita ng tuluyan ang brand. "Leandro's" muntik ko ng mabitawan. This is unsual. Bigla kong naalala ang kahiligan niya sa pandecoco. Pero so what, sa dami ng Leandro sa mundo, malamang hindi siya iyon. Nagkataon ang lahat.

"You do really like my pandecoco, huh?" sarkastikong tugong nung umagaw ng pandecoco ko. Nainis ako kaya hinarap ko siya. Kaso nagulat lang ako ng makita kong sino ito. Bakit ba ganito. Ilang beses na akong nagulat. Pero ito yung nakapagpanganga sa akin.

It's him, It's Leandro Montemayor in front of me. Wearing a sweat pants and a plain white t-shirt. Smells the same as the day I left him. With a bitter smile on his face trying to say something.

"I need to go , sa'yo na iyan!" tinulak ko sa dibdib niya yung pandecoco. I was about to leave ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay.

"Ano ba! Let go off me!" sigaw ko sa kaniya. But he didn't, he stare at me. Nahihiya akong tignan siya. But I can see a pain in his eyes.

"Why did you leave me?" his voice almost crack like he was about to cry. I was stunned by his question.

Natigilan ako ng ilang segundo hanggang mabawi ko ang sarili ko. kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"I'm leaving, Goodbye!"

That's what I said. After I leave him standing there,

Again.

***

A/N: Follow me para sipagin ako mag Update. Haha.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon