***Caline's POV
Paano ko ba sisimulan? Hindi ko alam kung paano. Pero masasabi kong masaya ako ngayon. Hindi ko alam na kaya kong maging masaya ulit after mamatay sila mama at papa.
Simpleng buhay lang naman kami noon. Normal na pamilya na masaya tuwing sama-sama. Pero bakit ganoon, bakit kailangang mangyari ang mga bagay na iyon? Nahulog noon sa bangin ang sinasakyan nila mama at papa. Maaring dahil sa depektibo na noon ang kotse namin na ginagamit nila.
Mahirap, ilang taon din akong namuhay na mag-isa. Malungkot at walang kadamay. Sobrang lugmok ako noon. Hindi ko alam kung dapat pa akong mabuhay.
Hanggang makilala ko si Mamalou at Beks. Isang hindi kapani-paniwalang tagpo sa aking buhay. Iniligtas kase nila ako sa mga tambay na nagtangkang pagsamantalahan ako.
Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila lalo ng kupkupin nila ako at akuin. Wala silang pinakita sa akin kung hindi ang pagmamalasakit. Kaya naman sinuklian ko ito ng lahat ng aking makakaya. Tinuring ko silang pangalawang magulang at ganoon din naman sila sa akin bilang anak nila.
Sa totoo lang ay sariwa pa rin ang lahat sa akin. Nawalan na ako ng gana sa sarili ko at sa lahat. Tanging si Mamalou at Beks lang ang mahalaga sa akin. Hanggang makilala ko sila Jepoy, Den Den at Kat-Kat.
Sinubukan nila akong nakawan noon. Mga palaboy sila na masama ang pamamaraan upang mabuhay. At iyon na nga ay ang pagnanakaw.
Nakakatuwa nga noong naalala ko kung paano nila nagawa iyon sa akin. Sobrang galing ng modus nila. Magpapanggap si Kat-Kat na may masakit sa kaniya. Sakto noon na ako ang pinakamalapit sa kanila kaya tinulungan ko. At doon naman papasok si Den Den sa senaryo. Nagkukunwari siyang tutulong sa akin na buhatin si Kat-Kat. Lilibangin nila akong dalawa. Hanggang sa hindi ko na naiintindihan ang paligid. At tsansa na iyon ni Jepoy para isakatuparan ang lahat.
Ang mga batang iyon. Nakuha na pala ang wallet ko. Mabuti at agad ko itong naramdaman. Nagkahabulan pa nga noon eh. Hanggang maabutan ko sila sa dulo. Naalala ko, nagalit pa sila kase sampung piso lang ang laman ng wallet ko. Mahirap din kase ako. Bakit ko pa daw sila hinabol eh walang kwenta naman pala daw ang wallet ko.
Ngunit hindi nila naiintindihan na ang wallet na iyon ay regalo pa sa akin ni mama. Hindi ko rin alam kung paano kami naging magkakasundo. Nalaman ko ang sitwasyon nila sa buhay at wala na silang tirahan. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na dinadalhan sila ng tinapay araw araw. At kalaunan ay naging pamilya ko na rin sila.
Kontento na ako sa buhay. Naramdaman ko na ulit ang halaga ko. Na masaya akong nabubuhay para sa kanila. Pero hindi ko inaasahan na may isa pang darating. Isang kakaibang lalaki.
Ay naku, si Leandro ang tinutukoy ko. Sinungaling, magnanakaw ng halik, manyak, straightforward, mayaman. Basagulero rin. Napaka korni at pasaway na bilyunaryo.
Sabihin ba namang gusto niya ako? Napaka nonsense niya hindi ba? Pakiramdam ko nga pinagtitripan niya lang ako eh. Kilala ko ang mga tulad niya. Womanizer. Alam ko kung anong habol niya sa tulad ko.
Sa una pa lang, alam kong iyon ang plano niya. Pero habang tumatagal parang nagiging iba. Yung effort na binibigay niya sa akin. Yung importanteng oras niya, pinaglalaanan niya ako kahit konti. Hindi ko maiwasang maguluhan sa kaniya. Bakit nag kakaganon siya. Totoo ba ang mga sinasabi niya?
Na gusto niya ako talaga?
Kaya naman hindi ko maiwasang tanungin siya ng paulit-ulit. Bakit ako? Sa dami ng naggagandahan at mayayamang babae na mas bagay sa isang tulad niya. Bakit ako?
Marami na siyang sinabing dahilan. But I kept on asking. Hindi ako kontento sa sagot niya. Hindi pa ako totally naniniwala.
Hanggang isang beses sumagot siya. Isang sagot na sumagot sa totoong pinupunto ng tanong ko.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...