***Caline's POV
"I was abused by my autie Gem. Sex abused" nahihiya niyang panimula. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko alam ang irereak sa narinig na rebelasyon mula sa kaniya.
Nagsimula siyang magkwento.
He was a highschool student back then. Tradition ng family nila na maging independent ka na sa murang edad pa lang. Kaya nagdesisyon ang pamilya niya na ibukod siya sa kanila. Sa isang condo noon ay mag-isa siyang namuhay. Mayaman na sila noon pero in order to achieve the highest dream. You need to learn how to live alone. Iyon ang paniniwala ng ama niya.
Simula first year niya hanggang third year ay mag-isa lang siya. Lumaki siyang basugelero noong nag-aaral at walang kaseryosohan. Kaya bilang kapalit ay pinadala ng ama niya si Gem. Ang tita niya na walong taon pala ang agwat sa kaniya.
Sa simula ay ginagabayan siya nito ng mabuti. Unti-unti niyang natututunan ang halaga ng bawat salapi na ginagasta niya. Bata pa lang kase pero gastador na daw siya. Palainom at palasugal. Nabago siya ng tita niya.
Ngunit hindi niya inaasahan na may kapalit. Napapansin niya ang mga ibang tingin nito sa kaniya. Lalo kapag kakalabas niya lang sa CR. Akala niya kase noon ay okay lang na lumabas na nakatuwalya lang. Dahil tita niya naman ito at walang malisya.
Isang gabi daw ay hindi niya namalayan ang pagpasok ng tita niya sa kwarto niya. Madilim noon at nagising na lang siya na may humihimas sa kanyang pagkalalaki.
Agad siyang napabangon upang alisin ang kamay ng tita niya. Hindi niya alam kung bakit bigla nagkaganoon si Gem.
Bata pa siya noon kaya naman madali siyang nadadala sa mga pananakot. Tinakot siya ng tita na kapag hindi pumayag sa mga gusto niya ay isusumbong siya nito sa ama niya. At babaliktarin ang lahat.
Simula noon ay halos gabi gabi daw siyang pinupuntahan ng tita niya sa kwarto. Wala na siyang magawa kung hindi pumayag. Sa una, simpleng himas lamang. Ngunit habang tumatagal ay lumalala ito. Hanggang sa maibigay niya ang kaniyang unang experience dito.
Halos mandiri daw siya sa sarili niya noon. Punong puno ng pagsisisi kung paano niya nagawa ang bagay na iyon. Masyado siyang mahina noon kaya iniiyak niya lang.
Hanggang sa dumating ang araw na parang hinahanap hanap niya na rin. Tumagal ang ganoon nilang set up ng tatlong taon.
Nahuli sila isang beses ng ama niya na naging dahilan para paalisin ang tita niya. Sobrang hiyang hiya siya sa sarili noon. Napakalaking kasalanan ang nagawa niya. Akala niya noon ay makakalaya na siya sa wakas.
Ngunit hindi pala. Hinahanap na niya ang bagay na iyon. Ang tawag ng laman. Hindi niya na mapigilan. No personal feelings attached, just sex.
Naging suki daw siya ng mga prostitute noon at kung sinu-sino pa. Ngunit habang lumilipas ang araw ay parang naguguilty siya. Hindi niya alam na sakit pala ang ginagawa niya. Nalaman niya lamang ito noong isang beses pumunta siya ng ospital para magbayad ng bill. Isang doctor noon ang nakasex niya.
At doon niya nalaman ang tungkol sa sakit. He's a sex addict. At dahil ito sa sex abuse na nadanas niya noon.
Huli na ng balak niya itong itigil. Hindi niya na mapigilan pa ito. He didn't top the board exam dahil bumalik ang auntie niya. Nadistract siya at kapag nakikita niya ito ay natataranta siya. Na trauma siya sa babaeng naging dahilan ng lahat.
"it's a serious illness Leandro." mahinahon kong sambit. Hindi ko alam pero after marinig ang kwento niya ay parang naawa ako. Mahirap mamuhay sa mundo kung ganito ka. Malayo ang loob ng ama niya sa kaniya dahil sa nangyari. Pinandidirihan.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomantizmRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...