Chapter 37

1.8K 29 10
                                        


***

Caline's POV

Ang sakit pala. Ang sakit na malamang pinaglaruan ka lang niya. Na niloko ka lang.

Ng kaisa-isahang lalaking inalayan mo ng lahat.

Pero bakit? Sa dami ng masasamang tao sa mundo. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang napili niyang paglaruan.

Bakit Leandro?

Parang tanga ako ngayon dito sa lapag ng hotel. Nakalupasay habang minamasdan ang mga litratong nasa harapan. Ang dami niyang babae.

At hindi lang iyon. Dahil sa likod ng litrato ay nakasulat sa pulang tinta ang pangalan ng babae at may number.

Muling pumatak ang mga luha ko ng makita ang litrato ko kasama siya.

Nakasulat sa likod ang pangalang Caline, kasunod ang numerong 27. Shocks. Pang 27 na ako?

But this isn't right. Parang may mali. Bakit parang ayokong maniwala na niloko niya lang ako. Bakit pakiramdam ko, lahat ng pinakita niya sa akin ay totoo. Sa pamilya ko, sa buhay ko. Bakit lahat, parang totoo.

Bakit Leandro? Bakit gusto pa rin kitang bigyan ng pagkakataon? Bakit gusto ko pa rin? Kahit masakit na.

Sa huling pagkakataon ay hinugot ko ang lahat ng lakas ko.

Muli akong tataya sa huling pagkakataon. Para sa aming pag-ibig. O akin lamang, dahil hindi niya talaga ako minahal.

Ang sakit ng dibdib ko habang nag aayos ng damit at sarili.

Baka sinisiraan lang kami ni Maureen dahil may gusto siya kay Leandro. Tama, kapag nalaman kong nilinlang lang ako ni Maureen, ako na mismo ang kakaldkad sa babaeng iyon.

Agad akong nagtungo sa harap ng company building nila. Trying to look for him.

Inapproach ko yung ate sa reception.

"I'm looking for Leandro Montemayor!" agad kong bungad.

"Do you have an appointment, Ma'am?" natauhan ako ng bigla akong tarayan ng babae sa sinabi niya. Tignan ba naman ako mula ulo hanggang paa.

"Pakisabi na lang sa kaniya na narito si Caline. Ang girlfriend niya." medyo hesitant pa ako noong sinabi kong girlfriend ako ng boss nila. Pero agad namang nawala ng tumawa ng pang asar yung babae.

"Girlfriend your face. May fiancé na si Sir Leandro ano. Engagement party na nga nila Ma'am Sophia mamaya eh. Kyah." kinikilig niyang pagbabalita sa akin na akala mo close kami at hindi niya ako tinarayan kanina.

Pero kahit na ganoon ay natulala pa rin ako. What? Fiancé? Engagement Party? Anong kagaguhan ba ito? Paanong hindi ko manlang nalaman?

Hindi ko na hinintay pang kaladkarin ako ng body guard palabas kaya nagkusa na ako. Nanlulumo at parang papatak na ang luha. Nagkulang ba talaga ako?

Teka, panaginip ba ito? Anong nangyari? Putangina naman o!

Nakatawid na ako ng pedestrian. Handa ng umalis hanggang sa matanawan ang isang pamilyar na kotse.

Kay Leandro.

Parang kusang huminto ang mga paa ko. Na hindi alam kung pupuntahan ba siya para kumpirmahan kung tama ba ang mga narinig ko o tatayo lang.

Hanggang mapagdesisyunan kong humakbang. Ngunit nakakaisa pa lang ako ay napahinto na ng bumukas ang pinto at iluwa noon si Leandro. Na malaki ang ngiti, pagkatapos ay may pinagbuksan.

Natameme ako ng lumabas sa kotse ang isang babae. Maganda at sexy. Diretsong tumulo ang luha ko ng makita ang sunod na nangyari.

They kissed,

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon