***
Caline's POV"I'm sorry. I'm stupid!"
"I'm reckless!"
"I'm worthless!"
"Hinayaan kong mawala ang pinakamahalaga sa akin. It's stupid."
"I have lost you while fixing the company's reputation."
"I'm sorry I didn't tell you right away. I was about to, but you're gone already."
Narito ako ngayon sa kotse at nagdidrive habang binabalikan ang mga napag usapan kanina sa Cafe. We just ended our conversation at pauwi na ako. Hindi ko nga alam kung paano natapos ang usapan. Kung anong next na mangyayari eh. Because my mind is so full that it wasn't able to absorb nor decide things. Lutang kumbaga.
"That girl you saw, that kiss. It was scripted. Alam mo yung nangyaring incident before diba? It was planted. Sinadya iyon ng pamilya ng babae na iyon para siraan ang kompanya ko. Ng sa ganon ay lumapit ako sa kanila upang humingi ng tulong at mapilitang makipagkasundo na makasal sa anak nila. I don't intend to marry that girl hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko. Pumayag lang ako na makipaglandian kase I'm collecting proofs para itiwalag sila. Those family are evil. I must end their wrong doings. Pero in the process I lost you, Caline. I lost the most important person I have. The person I love the most. The person I wanna be with forever."
Kasabay ng aircon ng sasakyan ay nakadama ako ng kakaiba pang lamig sa aking pisngi. I touch it para lang malaman na luha pala iyon. Na kanina pa bumabagsak. I can still see how hurt he is while explaining. How angry he is sa pamilya ng babae na iyon at sa nangyari.
"Akala ko noong una, mahahanap kita agad. Hinayaan muna kitang mawala sa paningin ko because I know you were hurt more kapag nasa paligid ka at nakikitang may kasama akong ibang babae. Minadali kong maayos at malinis ang pangalan ko by providing proofs na sila ang may pakana ng lahat nung may nag collapse na project. Pero huli na pala. Yes, nalinis ko nga ang pangalan at naibalik ko ang reputasyon ng kompanya. Pero hindi na kita nakita kailanman!"
And after that ay naalala ko ang pagpatak ng mga luha sa pisngi niya.
"Ilang taon kitang hinanap ,Caline. I travelled the country. Even the world. Just to find you. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Na isang araw makikita kitang muli. Miss na miss kita, Caline."
I pulled over. Hindi ko na kayang magsenti while driving. Huminto ako saglit para doon mag iiyak.
So ibig sabihin. All of this is a misunderstanding? Lahat, as in lahat. Ang galit ko, hinanakit ko at pagluluksa ko. Lahat ng iyon ay misunderstanding? Lang?
Tulog na si Leana nang makauwi ako. Thanks to Sheera na laging to the rescue kapag may mga ganitong event.
"Teh, what happened sa talk? Kayo na ulit?" excited niyang tanong. Pero dumiretso lang ako para lagpasan siya .
"Hindi pa!"mabilisan kong sagot habang humahangos sa desk ko kung saan naroon ang PC ko.
"OMG! Hindi pa? Ibig sabihin may chance?" lukaret niyang tono.
Hindi ko na siya ginatungan pa dahil may kailangan pa akong ikumpirma.
"Hindi pa dahil may mga hahanapin pa ako. At ikaw, pumarito ka. Tulungan mo ako!" utos ko sa kaniya. Pero napakunot noo naman siya ngunit lumapit din naman sa akin.
"Ano ba iyon?" tanong niya.
"Hanapin natin ang lahat ng articles about sa issue na nangyari sa company ni Leandro noon ,6years ago."
We dig and dig na para bang mga detectives sa movies and dramas. Nagkalat ang mga papel, maling naprint, printer, mga sketches at iba pa. Mostly ang mga buhok namin, idagdag pa ang eyebags dahil alas tres na ng madaling araw ay gising pa rin kami.
"Teh, I think we've got them all! Pwede na natin mahack ang company ni Leandro sa dami nating nalaman!" saad ni Sheera sabay higa sa sahig na puno ng nagkalat na nga papel.
"Kaya nga. P*tang Ina! Ayoko na." Di ko alam ang mairereact ko.
"Anong itsura iyan teh? Parang kinikilig?" panunukso niya.
"Gaga. Anong kinikilig?" sininghalan ko nga.
"Ang landi landi. Kainis!" sigaw niya sabay sabunot sa akin. Ako naman itong nagpadala at dumiretsong humiga sa dede niya. Yeah, paborito kong higaan ang pinagmamalaki niyang bundok.
"Enjoy na enjoy, Teh?" pangangantyaw niya.
"Shhhs. Let's sleep this way. Bukas na ulit!" pagsasaway ko naman sa kaniya. Ramdam ko ang pag-irap niya kahit hindi ko nakikita. Hindi na siya umimik after kaya humimlay na ako. Alam ko din naman na pagod na pagod na at antok ang babaitang ito. Idagdag pa ang pag aalaga sa makulit at cute kong anak.
Saglit lang at tuluyan na akong nakatulog ng himbing sa piling ng kaniyang malulusog sa hinaharap. Char.
"Kyahh! Mommy and Tita Sheera just turn into a zombie!!!"
Nagulantang ang buong kabahayan sa sigaw na iyon ni Leana. Pati kami eh napabalikwas ng bangon sa gulat na nadama.
"Huh?!" sabay naming usal ni Sheera na halatang parehas kulang sa tulog.
"Are you gonna eat me? And turn me into a zombie too?" naluluha niyang sambit. Doon na ako nataranta. Waah. My baby, so cute.
Agad ko siyang kinalma. "No, baby. We are not gonna do that. We are a not a zombie okay? Calm down now."
"No mommy. You are a zombie, look!" umatras siya ng konti nang lumapit ako sabay turo sa tapat ng salamin.
Muntik na akong matawa ng malakas ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Mukha akong bruha.
Pati si Sheera. Super messy hair kami to the highest level. Gusot gusot ang damit and most of all. Ang dumi ng mga mukha namin dahil sa inks na galing sa printer. Mukha nga pala kaming zombies.
Nahimasmasan lang si Leana ng makapaghilamos na kami. My gosh. Paano na lang kung inatake sa puso yung bata kanina. Malalagot pa ako sa tatay niya. Ehhh.
Nagtulong na kami ni Sheera sa bahay since parehas kaming may pasok. Siya na ang nagluto habang ako eh pinapaliguan si Leana. After namin eh si Sheera naman ang naligo. Huwag na kayo magtaka, may ilan din siyang mga gamit dito sa bahay. Dito na minsan iyan tumitira. Ang lukaret na iyan.
All set, ready to go na kami. Naisakbat ko na ang bag ni Leana. And ang sunod na noon ay ang malaya niyang pagtakbo palabas ng bahay.
Ngunit napahinto siya sa tapat ng pinto na ikinagulat namin ni Sheera sapagkat. Di lang isa ang kotse sa labas, kung hindi apat.
Kotse ko, kotse ni Sheera. At another two cars.
Kay Jerome at Leandro.
What?!
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...