Chapter 6

2.6K 53 6
                                        


***

Leandro's POV

"Maureen. Give me the list of our priority projects this month!"

Agad akong nag-antay ng paliwanag niya. Umikot ako sa aking executive chair at hinarap siya. Napatakbo naman siya palapit sa akin.

"Ahh. The hospital in Cebu is our major project this month, Sir. And they are inviting you personally. Para sa ground breaking ceremony!" Panimula niya.

"Of course, I'll be there. Common sense naman na iyon. That project is a big deal to our company. We need to expose our name. Para mapanatili natin ang pagiging top!" Sagot ko sa kaniya. Nagtatake note naman siya.

"Actually, Sir. The ground breaking ceremony is on monday! Three days na lang." Pagpapaalam niya. Tumango na lang ako. Nagdiscuss pa siya ng ilang detalye bago bumalik sa pwesto niya.

Pinaikot-ikot ko naman ang aking folgav libador nocturin. Sa mga hindi nakakaalam. Isa itong ballpen. Not an ordinary pen. Because it happened to be the most expensive pen in the world. Baka sabihin niyo eh ano bang klaseng tinta meron iyan, ginto? Mali, normal ink lang. But what makes it expensive is its red diamond. A red rare diamond. Ayoko na magdescribe basta 3.7 million pesos lang naman ito.

Kaso kakapaikot-ikot ko nito eh nahulog ito sa sahig. Nakita ko ang halos pagluwa ng mga mata ni Maureen habang nagmamadaling tumakbo sa tabi.

"Oh my gosh, Sir Landro. Anong nangyari?" Napaka-OA niya hindi ba? Hindi ko naman siya masisisi. Binagsak ko lang naman ang mamahaling ballpen. I grab it and try to use it. And boom. Ayaw ng tuminta. Nanginginig na si Maureen sa kaba.

"Hindi na gumagana!" Nanghina siya sa sinabi ko.

"Hindi kase nag-iingat ,Sir. Sayang!" Napahinga siya ng malalim. Parang siya pa 'yong may-ari eh.

"It's fine. Oorder na lang ulit ako ng bago." Napilitan naman siyang umorder agad sa London. Doon pa kase sinasadya ang ballpen na iyon.

Pumirma lang ako ng mga papeles ng ilang saglit bago tumayo.

"Let's go to Alabang!" Hinagis ko agad sa kaniya ang susi matapos maunang lumabas. It's about time to visit the site.

Yes, I am the C.E.O. But before that, I'm an Engineer at hindi ko kayang ipagkatiwala ng buo ang isang project sa project-in-charge. I need to atleast see the progress. At isa pa, hindi ko kayang tumambay lang sa office. I really love the field. That's the main reason I choose engineering. Civil Engineering to be exact.

As usual, nagulantang ang lahat sa pagdating ko. Saan ka naman makakita ng CEO on site. Aligaga silang lahat eh. Isa lang ang ibig sabihin nito. May ginawa silang kasalanan. Alam ko naman ang kalakaran dito eh. Kapag walang boss, sige pahinga. Hindi naman makikita eh. Ayos lang naman iyon sa akin. Huwag lang silang magpapahuli.

Nagdiretso ako safety engineer's office. Nakangiti akong pumasok. Nakita ko agad si Safety Engineer na napaayos ng pwesto eh. Nakataas pa kase ang paa sa lamesa. Hiyang-hiya siya.

"Give me my PPE!" Seryoso kong utos. Na kinagahol niya. Relax, ako lang 'to ha. Para sa kaalaman ng lahat. Baka kase hindi mo alam kung ano ang PPE o personal protective equipment. Basta kung nakadaan na kayo sa mga construction site, yun bang nakadisplay sa labas. Naka head protector, safety vest. Safety boots, ito 'yong makapal na sapatos. Delikado kase sa site, kase nagkalat ang mga pako at matatalas na bakal. And eye wear naman para sa mata.

Actually, marami pa eh. Pero iyon lang ang sinuot ko. Magvivisit lang naman ako.

"Engr. Custombrado! Pakitawag si PM magpapasama ako sa site!" Utos kong muli. Humahangos naman siyang umalis. Yung PM, short for project manager.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon