"Mommy, he is so handsome. Can I talk to him?" Napanganga ako sa tinuran ng aking munting anak."H-Ha? You can't!" Biglang sagot ko. Sinundo ko kase siya ngayon sa school samantalang si Leandro naman ay matiyaga din palang nakaabang. Actually, ilang beses ko na siyang naaabutan na nakatanaw kay Leana. Ano bang alam niya. Wala siyang karapatan sa anak ko.
"Why? Is he a bad person?" Nataranta ako sa tanong niyang iyon. Yes, I mean no. Not at all. Pero kase anak. Hindi ko alam ang irereact. Napabuntong hininga ako.
"Fine, you can talk to him. Pero kahit anong mangyayari. Huwag na huwag kang sasama sa kaniya ng hindi ko alam okay?" Paalala ko sa anak kong limang taon pa lang. Ang bigat ano? Pero she needs to promise it.
"Yes mommy. Yehey!" At pagkasabi niya noon ay agad na siyang tumakbo papunta kay Leandro na ikinagulat niya naman. Kita ko ang reaksyon niya na parang hindi makapaniwala sa desisyon kong pagpayag.
Sa pagkasabik ay niyakap niya si Leana ng napakahigpit. Kita ko sa mga mata nila ang saya at galak. Napatalikod ako at madaliang pinahid ang luhang kumawala sa mata ko.
This could be us. Kung hindi nangyari ang mga nangyari 6 years ago.
All this hiding and stuff. I know its all worth it pero ngayong dumating siya muli at ginulo muli ang mundo ko ay hindi ko na alam.
Hindi maikakaila na mag-ama nga sila. Halos pinagbiyak silang dalawa. Kaya siguro ay nalaman agad ni Leandro kahit na wala pang confirmation mula sa akin. Kaya hindi ko maiwasan ang mag overthink. What if, bumalik lang siya para kunin sa akin ang aking pinakamamahal sa lahat. Ikamamatay ko ang mawalay kay Leana.
Naglaro lang sila saglit bago pawisang lumapit sa akin ang dalawa. Pinunasan ko ng mabuti si Leana at pinolbohan. Halatang nag-enjoy siya sa pakikipaglaro sa ama niya.
"Caline, kain tayo sa labas?" Aya ni Leandro. Hindi ako makatanggi dahil hindi ako pinasagot ni Leana, siya na mismo ang nagsabi na sasama kami.
Ilang buwan na ang nakalipas ng ganon ang set up namin. Pero kahit na ganoon ay hindi talaga ako mapakali. Wala akong pakialam sa mga pahiwatig ni Leandro sa akin. Wala akong gana pagdating sa aming dalawa dahil ang concern ko ay nasa anak ko.
"Friend, hindi naman sa pinag ooverthink kita ha. Pero what if, naging close na talaga ang mag ama at isang umaga gigising ka na hindi ka na kailangan ni Leana at ayaw niya na sa iyo."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Sheera. Bigla akong nanahimik sa clinic habang iniisip ang maaaring posibilidad na mangyari nga iyon. Bigla akong naging balisa. May punto siya. Paano kung ganoon nga ang mangyari.
Nakatulala lang ako sa oras habang walang pasyente at nagmadaling lumabas upang sunduin sa school si Leana. Ang bilis ng tibok ng puso ko lalo ng makitang kasama niya na si Leandro, masayang naglalaro at nagkakatuwaan. Bigla akong nakaramdam ng selos at pangamba. Kasalanan ko ito. Dapat una pa lang hindi ko na hinayaan ito.
Nagmadali akong lumapit sa kanila at walang pasabi na kinuna si Leana at umalis.
"Caline?" Gulat na tanong ni Leandro dahil sa sudden action ko. Hindi ko siya pinansin at diretso lang sa paglayo sa kaniya habang hila si Leana.
Halos malunod ako sa isipin na hindi ko napansin na nakakaladkad ko na pala si Leana. Napahinto lang ako ng mapadaing ito.
"Aw!" Napahinto ako bigla ng marinig ang maliit na tinig na iyon.
"Leana!" Napaupo ako agad para pantayan siya. Doon ko lang narealize na teary eyed na siya at namumula ang pulso.
"Sorry baby. Di sinasadya ni mommy sorry talaga!" Niyakap ko siya ng mahihpit kasabay ng pagtulo ng luha. Nang maghiwat kami ay agad niyang napansin ang luha ko. Pinunas niya ito gamit ang napakacute niyang kamay pagkatapos ay umiyak din.
"Why are you crying mommy?"
Pinunas ko agad ang luha ko pagkatapos ay ang sa kaniya. Niyakap ko siyang muli.
"Wala ito anak. Napuwing lang si mommy." Binuhat ko na siya hanggang makarating sa kotse.
Marahil ay sa pagod sa paghila ko sa kaniya kanina kaya nakatulog habang nagbabyahe kami pauwi. Mabuti na rin upang hindi niya na ako tanungin pa ng kung ano ano.
Agad kong pinark ang kotse ng makarating sa bahay pagkatapos ay binuhat si Leana sa kwarto niya. Kinumutan ko na siya dahil halatang pagod na pagod. At sigurado akong gutom siya mamaya paggising kaya magluluto na ako.
Inayos ko muna ang kitchen at kinuha ang basurahan para itapon sa labas. Ngunit pagbalik ko ay nakaabang na si Leandro sa gate.
Dumiretso lang ako at nilagpasan siya pero sumunod siya sa akin ng tahimik.
Nang makarating sa pinto ay isasara ko na sana ng iharang niya ang kanang kamay niya.
"Caline, what's wrong?" Tanong niya.
"Wala. Next time na lang Leandro, magluluto pa ako!" Isasara ko na talaga sana pero bigla siyang pumasok kaya nagulat ako at nagalit.
"Tell me what's wrong?" Ang kalmado ng tanong niya pero kabaliktaran sa akin. Nainis ako sa ginawa niya.
"What's wrong? Gusto mong malaman?" Napahilamos ako sa mukha bago tumuloy sa pagsasalita.
"Ikaw. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka bumalik. Anong intensyon mo at anong balak mo. How can you just walked inside my house like nothing happened? Na parang wala kang ginawang kasalanan sa akin 6 years ago? How could you show up na parang wala lang lahat. Lahat ng sakit na dinulot mo sa akin. At ngayon ano, balak mong agawin naman sa akin ang anak ko? Maawa ka naman sa akin Leandro. Siya na lang ang meron ako. Tinalikuran ko ang lahat dahil niloko mo ako. At ngayon na si Leana na lang ang nagpapatatag sa akin, kukunin mo pa? Oo na , aamin na ako. Ikaw ang ama niya. Pero Leandro naman, please. Huwag mo siyang kunin sa akin. Ikamamatay ko!" Tuloy tuloy na ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. I'm begging the person who turned my life misserable. Ibinaba ko na ang sarili ko para sa anak ko. Ilang segundong katahimikan. Ngunit nagulat ng makita ang itsura niya.
He's smiling, and also crying. I don't know what is he thinking but he suddenly hugged me tightly.
"I'm sorry Caline. For all the pain I gave you. Kahit ano pang dahilan ang ibigay ko. Alam kong hindi sasapat. Pero Caline. Sincere ako sa lahat ng sinabi ko sa iyo. Thank you dahil you confirmed it na anak ko talaga si Leana. But don't worry, I won't take her away from you. Wala akong ganon na intensyon." Iniharap niya ako sa kaniya. I felt relieved ng sinabi niya iyon. Na hindi niya kukunin sa akin ang anak ko.
"You wanna know my intention sa pagbabalik ko? It is that. I want to be with you and my daughter again. I want a second chance. I'm really working hard to get you back Caline. I also suffered for the past 6 years without you by my side. Pero alam kong wala ito kumpara sa pinagdaanan mo. I really want to be with you again. Because I love you, still. I love you always. Hindi ka nawala sa isip at puso ko. And I think ikamamatay ko ang hindi ka makasama. Mahal na mahal kita Caline. You are my heart, you're my life."
Hindi ko na mawari ang nangyayari. Halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Our eyes met and stare for the longest time. Ni walang umiiwas sa titig ng isa't-isa.
"I still love you, Leandro" those words comes out sa bibig ko without my consent na ikinagulat naming dalawa. I was about to walk out sa hiya pero hinapit niya ako palapit sa kaniya. I can feel our hearts beating so fast. Na parang nag uunahan.
And in the blink of an eye. I found ourselves, kissing each other. Passionately.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...