Chapter 40

1.6K 29 8
                                    


***

Caline's POV

Hindi ako guilty at meron akong konsensya. Pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko matapos ko siyang talikuran at iwan doon.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Why is he like that. Bakit ganon ang facial expression niya. Why is he acting that way. Na parang he's in pain. Na parang ang lungkot niya. Samantalang ako dapat iyon. Ako dapat yon, Leandro. At hindi ikaw.

Balisa akong umuwi sa bahay dala ang huling eksena naming dalawa.

"HAH!"

"AY PALAKA!" Napatalon ako sa gulat ng may bumuga ng hangin sa tenga ko.

"Lalim ng iniisip ah!" pang asar na sabi ni Jerome.

"Ano ka ba. Muntik na akong mabingi ha, saka ang baho!" pabulyaw kong sagot. Eh kase naman, bigla ba namang mangbubuga ng ganon.

"Anong mabaho, hoy nagmouthwash ako!" parang naasar na balik niya. Wow ha, siya pa ngayon naasar? Pwes, gantihan lang. Kala mo ha.

"Ay weh? Hindi halata, amoy bulok eh!" dagdag ko.

"Eh? Oh amuyin mo pa. Ha!" umatras ako agad para kunwaring diring diri sa ginawa niya.

"Ambaho, padentist ka na. Ipalinis mo na lahat ng pwedeng ipalinis." patuloy kong pang aasar.

"Ah ganon pala ha! Ha! Ha! Ha!" pilit niyang pinapaamoy sa akin ang hininga niya. Isip bata ba siya? Hindi ba obvious na niloloko ko lang siya. Ang bango kaya ng hininga niya, ayoko lang aminin.

Patuloy siya sa pag abante kay atras ako ng atras hanggang sa mapasandal ako sa pader. Wala na akong kawala, nakatawa pa si gago samantalang ako itong naiilang na sa posisyon namin.

"Ha! O ano, mabaho pa rin ba hininga ko?" confident niya tanong habang ako eh nakatingin na lang sa kaniya.

"O-Oo na. Mabango na." malumanay kong tugon. Napansin niya naman ang paghina ng boses ko at saka palang nagsink in sa utak niya ang sitwasyon namin. Magkalapit na ang mga mukha namin at malapit niya na akong mahalikan.

Bigla siyang natarantang kumalas sa pagkakaipit sa akin. Inayos ang damit at nagpunas ng pawis. Nag aalangan siyang tumingin sa akin na parang namumula bago magsalita. Sa totoo lang ay aaminin kong ang gwapo niya at nakakamatay ang titig niya pero. Basta pero.

"S-See? Ang arte arte mo kase!" sabi niya sabay batok sa akin. Okay, binabawi ko na ang lahat ng compliment na sinabi ko tungkol sa kaniya ngayon lang. Arghh.

"Bwiset!" yun na lang ang nasigaw ko. Nakalayo na agad siya patungo kay Leana. Naisahan na naman ako ng mokong.

Sumakay na kami sa kotse ni Jerome after magbreakfast para ihatid si Leana sa skul.

"Ayt, dumating na ang family." nagulat ako ng makita si Sheera sa tapat ng gate.

"Family ka diyan. Gaga, anong ginagawa mo dito?" agad kong singhal sa kaniya.

"Mommy what's gaga?" sabay sabay kaming napalingon kay Leana. Susko, pinagpawisan ako ng malamig.

"Yan, tabil kase ng bunganga!" sabi ni Jerome bago ilayo si Leana.

"Wala iyon Leana..." hindi ko na narinig yung mga iba niya pang sinabi. Lumayo agad sila eh. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay Sheera.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad.

"Haler, I'm here for you. Nagtext ka remember?" sabay pakita ng phone niya na may text ko. Napasapo na lang ako sa noo.

"Oo nga pala!" isinama ko na siya agad sa clinic para ikwento ang nangyari.

Nagulat din siya sa mga isiniwalat ko.

"Seryoso ka ba Caline? Maayos ba ang naging hiwalayan niyo bago mo siya iwan?" seryosong tanong ni Sheera. Napahinga ako ng malalim.

"No. I just vanished from his sight!" sagot ko.

"What?!" ang taas ng boses niya kaya napaangat ako ng mukha at harapin siya mata sa mata.

"Anong what? Sheera, he cheated on me. He lied to me. Hindi ko na nagawang makipaghiwalay personally dahil hindi ko kaya. Ayaw kong makita ni anino niya noon." bigla niyang hinagod ang likod.

"Sorry, nabigla lang ako. Pero Caline, hindi ka ba nagsisi? Na hindi kayo nagkaclosure, na hindi manlang kayo nagkapaliwanagan? Na hindi siya nakapagpaliwanag?" tanong niya.

"Para saan, para lokohin at paikutin niya lang ako ulit? Huwag na." pagtangis ko.

"Kung noon hindi mo kaya, baka ngayon kaya mo na. Caline, maybe may dahilan kung bakit kayo nagkitang muli. " sabi niya.

"Natatakot ako. Ayoko." sagot ko.

"Hindi lang ito para sa iyo Caline. Para din ito kay Lean.." hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig niya.

"Wow, may chismisan session pala dito eh. Pasali!" bungad ni Jerome na kakapasok sa pinto. Napansin din naman siya agad ni Sheera kaya tumahimik na siya.

"Bakla ka talaga eh no? Chismoso!" bulyaw ni Sheera kay Jerome. Agad niya itong nilapitan at kinurot sa pisngi.

"Ano ba, lalaki na naman pisngi ko kakakurot mo!" sikla ni Sheera.

"Sus, eh ikaw nga itong tomboy. Trinatraydor ka lang niya Caline. Naku, maniwala ka!" ako naman itong naguluhan kaya sumabat na ako sa dalawa.

"Ha?" tanong ko. Maging si Sheera ay napakunot ang noo.

"Kase pag magkaharap kayo, kaibigan ang turing niya sa sa'yo. Pero pag nakatalikod, crush ka naman. Di'ba ang traydor?" hinampas ko na talaga siya ng malakas sa braso. Napakagago niya talaga kahit kelan. Medyo kinabahan na nga ako eh. Napatingin ako kay Sheera na nakatitig lang ng seryoso kay Jerome.

"Ako ba talaga yung traydor na yun Jerome? O ikaw?" nanahimik saglit. Medyo hindi ko nagets ang nais iparating ni Sheera pero hindi ko rin nagets kung bakit tumahimik bigla si Jerome at parang nailang. Maya maya ay nagsalita na siya para basagin ang katahimikan.

"Sus, daming alam. Tara, libre ko. I just closed a project now. Celebrate tayo!" biglang nagbago ang mood sa sinabi ni Jerome.

"Talaga? Aba ay tara na. Caline, sunduin mo na agad si Baby Leana. Let's gora!" agad akong pinagtulakan palabas ni Sheera. Well, nagpatulak naman ako. Isa ito sa mga inaantay namin lagi. Nanlilibre kase si Jerome everytime nakakapagclose siya ng project.

Ilang saglit lang at here we come. Sa isang mamahaling restaurant. Five star hotel. Siyempre susulitin na namin ito kaya nasa aming tatlo nila Sheera at Leana ang menu .

"This and this and this and this!" sabay naming turo sa menu.

"Pag hindi niyo iyan inubos ha. Kayo pagbabayarin ko!" bulyaw niya sa amin. Eh kase ang dami naming inorder. Siya naman magbabayad. Hindi na lang namin siya pinansin, tuloy lang kami sa pag order.

"Dada, I want this one po!" narinig kong sabi ni Leana kay Jerome. Sabay naman kaming napatanga sa sumunod na nangyari.

"Talaga? Tingin si Dada. Naku masarap nga iyan. Alin pa baby, meron pa ba?" biglang nagpacute sa harap ni Leana.

"Wala na po Dada!" nagpacute din si Leana sa harap niya. Ang cute tuloy nilang tignan. Napangiti tuloy ako.

"He really loves Leana no, and you!" napatingin ako kay Sheera dahil sa huli niyang sinabi.

"Ha?" naguluhan ako eh.

"Manhid!" sabi niya sabay hampas sa akin.

Ako manhid? Nasa gitna pa ako ng confusion ng biglang may dumating na lalaki sa tapat ng table namin.

"We need to talk!" seryosong tugon mula sa lalaking nakatayo. Parehas kaming nagulat.

"L-Leandro!"

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon