***
Caline's POV
"Good Morning, love. Gising na, malelate ka sa work mo!" niyugyog ko si Leandro. Ang himbing ng tulog eh. Alas seis na kaya ano. Sabi niya nung isang araw eh alas siyete daw ang oras ng pasok niya.
Antok na antok pa siyang nagmulat ng mata. Mukha ko agad ang bumungad sa kaniya.
"Anong oras palang eh." nanghihina niyang tugon sabay pikit ulit ng mata. Aba aba. Niyugyog ko nga ulit.
"Anong anong oras pa lang. Six na, malelate ka sa work!" niyugyog ko talaga siya. Kaya nagmulat na siya pero isang mata lang.
"Love, late naman ako lagi pumapasok eh. Kaya ayos lang iyon." sagot niya at pumikit ulit. Napasimangot naman ako. Niready ko na kase ang breakfast niya. Kung mamaya pa siya babangon, edi lalamig na iyon. Ito rin ang unang gabi ko dito bilang asawa, char. Dito na ako titira simula ngayon. Kahapon lang kami naglipat ni Leandro. Sinakto naming linggo para wala siyang pasok at hindi hassle.
"Okay." nagtatampo kong sabi sa kaniya. Pagkatapos ay umupo sa kama at nagkross arms. Paano na iyong pagkain? Sayang.
Maya maya ay naramdaman kong gumalaw siya kaya napatingin ako. Kaso yung itsura niya parang paiyak na tapos nalugi. Kinusot niya ang mata bago bumangon at yumakap sa akin.
"Oo na po. Gising na po." sabi niya. Napangiti tuloy ako.
"Halika na, handa na ang breakfast mo!" masigla na ako ulit.
"Hindi magandang gawain ang late ka lagi pumapasok dahil unang una ay CEO ka at ikaw dapat ang ehemplo nila doon. Maliwanag ba?" pangangaral ko agad.
Tumango naman siya habang nakasimangot. "Napagod kase ako kagabi." sagot niya na nakanguso. So isisisi niya pa sa ginagawa namin sa gabi, ganon ba?
"Edi simula mamaya, bawal na ang love making tuwing gabi!" diretso kong intrado na ikinabuhay niya bigla. Napalitan agad ang tamad tamadan look niya sa pagiging energetic.
"Biro lang ano. Anong pagod, hindi ako pagod. Hay, ang sarap naman ng mga luto mo. Ano ang mga ito?" pag-iiba niya ng topic. Napailing na lang ako.
"Tocino at beef tapa. Never ka pa nakatikim ng ganiyan?" common breakfast lang kase iyan eh. Tumango naman siya.
"Seryoso? Eh anong breakfast niyong mayayaman?" tanong ko. Nakataas na ang kilay ko kase naman yung tocino at tapa. Hindi pa afford ng ibang ordinaryong tao. May mas hihigit pa ba doon?
"I usually don't eat breakfast. But before, when I was little. We had, ham and bacon." sagot niya. Napanganga naman ako. Seryoso? Eh sa pasko lang ako nakakatikim ng mga ganoon eh, minsan nga wala pa. Tapos siya, ginagawa niya lang breakfast? Iba talaga siya.
Pagkatapos kumain ay naligo na siya. Ako naman ay nagligpit ng kinainan.
Naabutan ko siya sa kwarto na naglalagay na ng necktie niya. Medyo nahihirapan siya kaya lumapit ako para agawin iyon sa kaniya at simulan siyang lagyan noon. Nakita ko namang napangiti siya. Uy, kinilig.
Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon.
"Bakit mo naman ako tinititigan ng ganiyan? Baka matunaw ako." natatawa kong sabi.
"Ngayon lang kase may nag alaga sa akin ng ganito." sabi niya kaya napaseryoso ako.
"Yung parents mo?" tanong ko.
"They were always busy. Bihira ko lang sila makasama noon." nalungkot naman ako ng konti para sa kaniya. Pinagpapagan ko ang coat niya at hinarap.
"Don't worry. Simula ngayon, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng pag-aalaga na namiss mo." nakangiti kong tugon. Pero nagulat ako ng siilin niya ako ng halik.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...