Chapter 15

1.7K 33 0
                                    


***

Lenadro's POV

"Sir, saan mo siya nakilala?"

Agad na tanong ni Maureen. Why do I feel like I am being investigated. Ang dami-dami niyang tanong about kay Caline. Pero ako naman, parang robot na sagot ng sagot. Maybe because, this is our first time talking like this. Talking about my personal life. Na parang uhaw akong may mapaglabasan ng sayang nararamdaman ko ngayon.

"You know what. Pakiramdam ko talaga buhay ako. Mula ng makilala ko siya!" Proud kong sabi.

"Nako, Sir. Iba na iyan ha. Mahal mo na?" Napatigil ako sa tanong niya.

"I'll know it for sure. But now. Gusto ko lang mag-enjoy at mas makilala siya" nakangiti kong sagot.

"Iba ka na talaga, Sir. Binabago ka niya talaga!" Parang may pait sa tono niyang iyon pero baka guni-guni ko lang naman.

"Binabago niya ako. To be a better person!"

"But you are a good person!" Napakunot siya bigla. Na parang hindi sang ayon.

"I'm not, Maureen!" Pag-iinsist ko.

"You are. You just don't know how to express it." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Maybe she's right. But I just know that I'm not a good person. I'm a pervert and a sex addict. That is what I am.

Huminto na ako sa pakikipagtalo sa kaniya. Tumutok na lang ako sa ginagawa ko. Before lunch naman ay agad kaming pumunta sa site namin sa Quezon City. Isang apartment style. Malapit lang kase sa isang school ang lugar kaya plano nilang magpatayo ng apartment building.

Ten floors lang naman pero sobrang lawak ng floor plan. Kaya masasabi kong, big project na rin ito. Hundred millions ang budget dito at metikuluso ang ang may-ari. Masyadong maarte, pero ayos lang 'yon kase we can handle.

Gaya ng dati ay naiwan si Maureen sa office ng Safety Engineer. Mukhang iba ang tinginan nila bago ako lumabas. Malamang may nangyayari ng kakaiba sa loob ng office na iyon.

"Mr. Leandro. It's a pleasure to see you here." Agad na bati sa akin ng Project in Charge.

"Really?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. Napayuko naman siya bigla sa kaba.

"S-Sorry ,Kuya Leandro." Nahihiya niyang pagtawag. Napahinga ako ng malalim. I awkwardly pat his shoulder. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Tour me around the site!" Sabi ko bago umalis. Nagmamadali naman siyang tumakbo palapit sa akin. Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa mga labi niya.

"Luther, what happened here?" Tanong ko agad ng makarating sa fourth floor. Ang dami kaseng tambak.

"A-Ano kase. Sorry kuya. Hindi pa nalinis kahapon kase uwian na." Kinakabahan siya sa presensya ko. He's Luther. My younger brother. Hindi kami masyadong nagpapansinan. Hindi kami close. Paborito kase siya ni Dad and Mom. I distance myself from him. Noong bata kase kami ay palagi akong napapagalitan kapag nag-aaway kami. Hanggang sa lumaki kaming malayo sa isa't-isa. And ngayon nga, takot siya sa akin. Pero bukod doon, may iba pang dahilan.

"It's okay. Sa susunod, ayaw ko ng mauulit 'to ha?" mahinahin kong sabi. Napalingon siya sa akin na parang namamangha.

"K-Kuya."

"Cleanliness is our priority. For safety, dapat alam mo iyan. Sa site, delikado ang mga excess at nagkalat na bakal."

Napangiti naman siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Why?" Tanong ko.

"Your being a kuya, today! " Nahihiya niyang tugon. Natutop naman ako sa kinatatayuan ko. Am I? Bakit, hindi ba dati? Napakuyom ako.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon