***
Leandro's POV
Ang tahimik. Ang lamig.
Tangina.
Narito kami sa labas ni Caline. Pasipa sipa lang ako ng graba sa baba habang nakatungo. Siya naman ay nakatingala sa itaas.
"Anong ibig sabihin nito, Leandro?" Napatingin ako sa kaniya. Ang kalmado niya pero nakatingin pa rin siya sa itaas. Alam ko na ang ibig sabihin niya.
"I'm sorry!" The actual f*ck! The great Leandro said sorry again. Just like that. Pero hinarap niya ako sa sinabi ko.
"Hoy. Bakit ka nagsorry. Tinatanong ko lang kung anong ibig sabihin nito eh!" Natatawa niyang sagot. Napaatras ang kilay ko habang tinititigan siya.
"Hindi ka na galit sa akin?" Tanong ko. Napansin ko naman ang pag-iwas niya ng tingin. Galit pa ata, nakalimutan lang.
"Sa totoo lang, matagal na kitang kilala!" Napatingin siyang muli sa akin sa gulat.
"Ha? Paano?" Ang cute niya palang magulat. Snap it. Sasabihin ko na, tutal nahuli na rin naman ako. Wala ng dahilan para magsinungaling pa.
"Nakikita na kita dati pa sa tapat ng condo ko. Palagi mong dinadalhan ng tinapay sila Jepoy. " panimula ko. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.
"You caught my attention kaya naman palagi na kitang inaabangan sa terrace. Until one time, yung incident sa garden." Tumango lang siya at interesadong interesado. Natawa tuloy ako sa reaction niya.
"Yung nakaaway mo. Unle ko iyon. Si Uncle Remy!"
"Ibig sabihin, ikaw ang nag-utos sa kaniya na ipagamot si Jepoy?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"Tapos ayon. Dumiretso na, galing akong club noon tapos may nakaengkwentro akong mga magnanakaw at napuruhan ako. Pag gising ko nasa inyo na ako. Hindi ko alam kung bakit tayo palaging pinagtatagpo. I guess we're meant to be!" Napaubo naman siya bigla.
Tangina. Anong pinagsasabi ko?
"F*ck!" Napamura ako bigla. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
"Eh sila Jepoy, paano umabot sa punto na bibigyan mo sila ng bahay at kukupkupin?" Tanong niya naman. Napahinga ako ng malalim.
"Dahil sa pandecoco!" Nahihiya kong sagot. Kase totoo naman.
"Ano? Bakit pandecoco?" Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng reaksyon niya. Napaka weird ko kaseng tao. Nabudol ako dahil lang sa isang tinapay na ang palaman ay niyog. Nahihiya tuloy akong tumungo.
"Ang totoo kase niyan. Lahat ng binibigay mo sa kanila. Sa akin napupunta!"
"ANO?!" Gago, napaatras ako ng konti sa gulat. Bakit ba paiba iba siya ng ekspresyon niya. Napalunok tuloy ako sa kaba.
Kinuwento ko na lang sa kaniya lahat. Wala na rin naman akong choice eh. Nakakahiya man, pero inamin ko na rin kung gaano ako ka obsess sa pandecocong dinadala niya. Basta makakita ako ng red dot. Pandecoco na agad ang pumapasok sa utak ko.
"Sino ba kaseng panadero niyo?" Naitanong ko rin sa wakas. Muntik ko pang makalimutan eh. Nagulat pa ako noong magwahi siya ng buhok. Ang cute niya nung ginawa niya 'yon.
"Wala ng iba, kung hindi ako!" Napanganga ako.
"Ikaw?" Paniniguro ko.
"Oo, hayaan mo. Dadalhan na lang kita lagi. Pandecoco lang pala katapat mo eh!" Napangiti ako bigla.
"Ibig sabihin, makikita kita lagi?" Tanong ko agad. Malinaw ang sinabi niya na dadalhan niya ako lagi.
"Ha?" Parang natauhan siya bigla eh. Pero naguluhan na rin ako.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
