Chapter 22

2K 33 1
                                        


***

Caline's POV

Araw araw na lang sunday. Wahh.

Nakakainis talaga si Leandro, gabi gabing pumupunta sa bakery para bumili ng pandecoco. Hinihintay niya na rin na magsara kami para makasama ako ng konting oras. Naglalakad kami ngayon papunta sa kotse niya. Wala naman na kaming pwede pang gawin eh. Gabi na at maaga ang pasok niya bukas. Ayokong gumawa ng mga bagay na maaaring maging dahilan ng pag absent niya o pagkalate man lang sa work.

Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginagawa ko eh? Alam kong dadating ang araw na may makakaalam ng tungkol sa amin. At hindi pa ako handa sa araw na iyon. Alam ko naman ang magiging imahe ko sa mga mata nila pag nagkataon eh. Gold digger, mukhang pera, mangkukulam ,malandi. Lahat na. Ayoko munang isipin ang ang iyon. Dahil sa ngayon ay ayoko munang mawalay sa kaniya.

"Kumusta ang work?" tanong ko. Malapit na kami sa parking lot.

"Okay lang. Minadali ko para makita ka agad." sabi niya. Oo kinikilig ako sa mga ganon niyang banat pero hindi ko maiwasang  malungkot.

"Oh. Anong problema, Caline?" napansin niya kase ang pag iba ng ekspresyon ko.

"Leandro, promise me one thing." sabi ko.

"ha? Sige , ano 'yon?"

"Do your work properly. Alam kong gusto mo ang ginagawa mo at ayokong makaapekto doon. I felt bad sa tuwing naisasantabi mo ang trabaho mo nang dahil sa akin. Pakiramdam ko kase, bad influence ako sa iyo." paliwanag ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. Nag-alala agad siya sa akin. Pinagbuksan niya ako agad ng pinto ng kotse niya. Pumasok ako at nagmadali siyang pumasok sa kabila.

"Hey. Don't feel bad. Sorry, okay? Namimiss lang kase kita all the time." napabuntong hininga siya.

"You will never be a bad influence to me, Caline. At para patunayan iyon, nangangako ako. I'll do my work properly. Just like before. Promise." nakahawak siya sa kamay ko. Dahan dahan ko siyang hinarap.

"Okay!" nakangiti kong sagot. Napangiti rin siya. Isinuntok ko sa dibdib niya 'yung mga pandecoco. Alam ko na kase ang hahantungan ng mga tingin niya eh. Haha. Napanguso na lang siya sa inasal ko.

"Feed me, baby!" sabi niya. Muntik na akong mapabuga sa harap niya. Bakit ba lahat ng sinasabi niya parang may malisya? Inismidan ko nga bago kumuha ng isang pandecoco at isalampak sa bibig niya.

"Eat!" sabi ko. Natawa naman siya. Umayos na siya ng pwesto at nag enjoy sa pagkain ng pandecoco. Minasdan ko lang siya. Ilang beses ko ng natikman ang pandecoco pero hindi ko makuha ang ekspresyon niya. Na parang ang kinakain niya ngayon ang pinakamasarap sa lahat. Natakam din tuloy ako.

Kaya kumuha ako ng isa sa plastik. Pero bago ko pa palang ito isusubo ay inagaw niya na.

"Akin lahat 'to 'no!" parang bata siya umasta.

"Damot mo. Patikim lang eh." angal ko. Sampung piraso kaya ang dala niya.

"Ayoko nga, akin lang 'to." inagaw niya na talaga ang pandecoco sa kamay ko. Ang damot.

"Patikim lang sabi." nagcross arms na ako. Ewan ko rin kung bakit ko siya pinapatulan.

"Gusto mong tikman?" tanong niya.

"Aba oo. Paulit-ulit lan.." hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niya akong siilin ng halik. Ang aggressive ng halik na iyon. Wala akong nagawa ng ipilit niya ibuka ang labi ka at pasukin ng dila niya iyon. Halos limang segundo niyang inangkin ang labi ko pero hindi ako nakagalaw. Napalunok ako ng bumalik na siya sa pwesto niya.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon