***
Caline's POV
Natapos ang araw na walang nangyari. Wala akong nasabi sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin. Paano ba?
Napagtanto ko pa na bukod sa mga kapintasan niya ay hindi maipagkakailang mabuti siyang tao. Marami siyang mga ginagawang magpapamangha sa iyo. At dahil doon, mas lalo ko siyang nagugustuhan.
Hindi ko na muna siya kinulit nitong mga nakaraang araw. Balak niya kase ulit sanang mag absent eh. Pinagalitan ko na siya. He is the CEO. Napakalaking responsibilidad iyon at hindi ko hahayaang makahadlang ako sa company niya.
Ngayon ay pinag-iisipan kong mabuti kung paano ko siya kakausapin ulit. Siguro sa linggo na lang para mas maayos. Nagfocus na lang ako sa bakery. Kailangan ko kaseng bumawi. Ilang araw din akong hindi nakatulong.
Lumabas na ako dahil tapos naman na. Tumambay na lang ako sa labas para magtinda.
"Isang tray ng Pandecoco, please." nanlaki ang mga mata ko.
"Leandro! Bakit nandito ka na naman?" napakakulit niya. Ano bang ginagawa niya dito. Oras ng trabaho eh.
"Tinapos ko na po lahat. Saka namiss kita eh." sabi niya. Bwiset talaga siya.
"Date tayo!" dagdag niya pa.
"Nakita mong nagtatrabaho ako dito!" angal ko sa kaniya kahit na gusto ko. Nakakahiya kila Moma eh.
"Kami na ang bahala dito. Sige na Caline." Nakangiting sigaw ni Moma sa likod.
"O-Okay po." nahihiya talaga ako. Tumakbo na ako agad kay Moma para yumakap at magpaalam. Pumunta na ako kay Leandro na nakapolo lang. Halatang galing sa work.
"Saan ba kase tayo pupunta?" kunwari padabog kong tanong. Buti na lang may naitabi akong dress dahil kung hindi eh magmumukha akong tanga sa outfit niya.
"Ganda naman!" papuri niya kaya hinampas ko agad. Napaka bolero.
"Hehe. Halika na!" hinila niya na ako sa kamay.
"Saan nga kase tayo pupunta?" bakit ba ayaw niyang sagutin.
"Sa langit!" finally sumagot din. Pero ano daw? Kusa akong nagpabigat para huminto siya sa paghila sa akin.
"literal na langit kase." mas naguluhan ako eh. Hindi na lang ako umimik. Pero parang gusto ko rin makarating sa langit. Char.
Hinayaan ko lang siya sa mga pinagsasasabi niya sa kotse. Kinakabahan ako. Anong langit ba kase ang pupuntahan namin. Handa na ba ako? Nakakaasar.
Kaso natulala ako ng makarating sa sinasabi niyang lugar.
"O hindi ba? Literal na langit ang pupuntahan natin." nakangiti niyang sambit. Napalunok naman ako. Bakit kami narito sa rooftop at may helicopter na nakaready ng lumipad?
"Huwag mong sabibing.." hindi ko na naituloy ng sumingit siya at hinila ako palapit doon.
"Oo, halika na. Excited na akong ipakita sa iyo ang mundo!" exciting nga 'yon. Pero huminto talaga ako.
"Natatakot akong sumakay diyan!" nakagat ko ang pang ibaba kong labi habang nakaturo sa helicopter. Pero hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko.
"Don't worry. I won't let go of this hand." paniniguro niya. Hindi ko alam pero napapayag niya ako. Medyo nanginginig ako sa kaba. Paano kung magkaproblema sa ere? Paano kung masira ang elesi? Paano kung may bumaril sa amin. Paano kung sumabog ang sinasakyan naming ito. Teka, asan ba 'yung parachute? Nag ooverthink na ako sa kaba eh.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
