***Caline's POV
I rushed to his condo and immediately opened the television. Hindi na ako nakapagpasamalamat ng maayos kay John sa paghatid.
May kung anong mabigat sa dibdib ko. At lalo itong nadagdagan ng mapanood ang mga balita. Ayon sa report ay isang mid-rise building ang napinsala matapos matamaan ng crane ang pader na precast. At ito ay kalalagay pa lang. Tatlong palapag ang nasira at bumagsak.
Isang napakalaking balita nito lalo at isang tao ang namatay matapos mabagsakan ng bloke ng kongkretong semento.
Napatakip ako sa bibig ko. May namatay, walo ang nasa hospital para magpagaling ngunit tatlo sa kanila ang kritikal.
Naging maugong ang Tiger Empire dahil sa napakalaking iskandalo at aksidenteng ito. Sinisisi ng mga tao ang driver ng crane na ayon sa ulat ay nakainom. Sa ngayon ay under investigation pa rin ang insidente.
Pero hindi maiwasang madawit si Leandro sa problemang ito dahil siya ang CEO ng kumpanya. Ngayon ay nakaflash ang mukha niya sa TV. Ito yung eksena kanina bago ako iuwi ni John.
"Totoo po bang nagawa niyo pang magbakasyon matapos gumuho ang building na company mo mismo ang general contractor?"
Nakita ko sa mga mata niya ang matinding pagkabahala. Pero ang tingin sa kaniya ng mga reporter ay masyadong matalim. Na para bang sinisisi siya sa nangyari.
"Magkakaroon po kami ng press conference para sa issue na ito. Sa ngayon, wala muna ako sasabihin." diretsa niyang sagot bago lumakad ng dire diretso palabas ng building kahit na hinahabol siya ng mga cameraman at reporters.
Nanlumo ako sa nangyari. Nagsearch din ako sa internet at lahat ng iyon ay pinapalabas na kapabayaan ng kumpanya ang dahilan ng malagim na aksidenteng ito. Naging laman din ng mga pages at articles si Leandro.
Ano bang nangyayari. Napansin ko na para siyang balisa bago pa lang kami pumuntang Boracay. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit nagsinungaling siya? Mukha siyang masigla kaya akala ko ay walang problema.
Pero sa kabila ng lahat ng pagtatanong ko kung okay lang siya ay pinili niya pa rin ang magsinungaling sa akin. Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko sa puso ko.
Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan?
Dumaan ang hapon at gabi. Hindi pa rin siya dumadating. Wala ring text or tawag. Nag-aalala na ako sa kaniya. Sa mga ganitong pagkakataon eh hindi niya manlang ako masabihan.
Sumandal lang ako sa sofa upang mag isip isip at magmuni muni. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Love, sa bed ka na matulog. Halika na." nagising ako sa bulong na iyon at sa halik niya. Napamulat ako at nakita siyang mukhang pagod na pagod. Napabangon ako agad ng makita siya. Alas dos na ng madaling araw.
"Nandito ka na pala." sabi ko sabay lakad patungong kwarto namin. Agad naman siyang napasunod sa akin.
"Hey, Love." tawag niya pero diretso lang ako. Ang sama ng loob ko sa kaniya.
Niyakap niya ako mula sa likod ng hindi ko siya pansinin. Agad ko naman iyong kinalas.
"Inaantok pa ako." sabi ko bago tumungo sa kama. Hindi naman na siya nagpilit pa. Pinilit kong ipikit ang mata ko kahit nagising na talaga ang diwa ko.
"We'll talk later." yun lang ang narinig kong sambit niya bago dumiretso sa CR. Pinakiramdaman ko lang siya doon hanggang marinig ang paglagaslas ng tubig. Nagshower ata siya. Saglit lang iyon at narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Ilang minuto lang din at humiga na siya sa kama. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya kase nakatagilid ako.
Maya maya din ay naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Siguradong pinagmamasdan niya ako habang natutulog. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago magsalita.
"I'm sorry."
Pagkatapos noon ay humiga na siya ng tuluyan at nakayakap na natulog sa tabi ko.
He is sorry. Alam niya sigurong nagtatampo ako. Siguro tama lang na mag-usap kami bukas. Kaya ipinagsawalang bahala ko na ang lahat at umidlip na ulit.
Gumising na ako ulit ng 5:00 am para ipaghanda siya ng almusal. Sa panahon ngayon ay siguradong busy siya at maagang papasok. Nakaready na ang coffee niya. Aantayin ko na lang siyang bumangon bago lagyan ng mainit na tubig.
Saglit lang din at bumangon na siya.
"Love" yun agad ang tawag niya ng makita ako. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi at takot. Pero para saan ang takot? Kaya lumapit ako sa kaniya. Hinimas ko ang pisngi niya.
"I'm sorry, hindi ko sinabi sa iyo." malungkot niyang panimula. Tinitigan ko muna siya bago ngumiti at halikan siya sa pisngi.
"It's okay. Magkape ka na." yun lang ang sinagot ko bago siya hilahin sa mesa.
Doon na rin siya kumuha ng pagkakataon para sabihin sa akin ang dahilan niya.
Sabi niya. Mukhang sinabotahe sila ng isang empleyado. Mahigpit kase ang seguridad nila na bawal na bawal ang lasing sa site. Kaya nagulat sila ng malamang lasing nga ang driver ng crane. Wala pang malinaw na ebidensya pero iyon daw ang hinahanap niya. Hindi niya sinabi sa akin dahil akala niya eh masosolve na nila agad ang totoo pag-uwi namin galing Boracay. Pero ito na ang nangyari. Lumaki na siya ng sobra at company niya ang nalalagay sa masama.
"Hindi mo dapat tinatago sa akin ang mga ganito. Di'ba we promised. Na maliit o malaking issue. Kailangang sabihin sa isa't-isa?" pagpapaalala ko sa kaniya. Hinawakan niya agad ang kamay ko para humingi muli ng tawad.
"Sorry, Love. No secrets na talaga" tumango na lang ako bilang sagot.
Nang matapos siyang magkape ay naligo na siya. Hinanda ko na rin ang isusuot niya sa pagpasok.
Maaga siyang umalis di gaya ng dati. Seryoso talaga ang problema.
Kumilos na rin ako para naman puntahan sila Jepoy. Ibibigay ko na ang mga pasalubong ko sa kanila. Siguradong magugustuhan nila ang mga ito.
Naligo na ako at nag almusal. Naglinis lang din saglit para maayos ang condo. Casual na damit lang. Nag aayos na ako ng bag ko ng may magdoorbell.
Ha? Sino kaya iyon. Ito ang unang pagkakataon na may nagdoorbell dito. Nagmamadali akong tumakbo sa tapat ng pinto. Nagulat pa ako ng pagbukas ay isang medyo may edad ng babae ang bumulaga. May edad na siya pero sa pananamit at make up niya ay nagmumukha siyang bata. Medyo intimidating lang kase ang tapang ng mukha niya.
"Ikaw ba si Caline?" walang emosyon niyang tanong na ikinakaba ko. Kilala niya ako. Pero hindi ko siya kilala.
"O-Opo ako po. Sino po sila?" tanong ko din. Nakakatakot siyang tumingin. Parang iniscan niya ako mula ulo hanggang paa.
"I'm Imelda, Leandro's mother."
Halos malunok ko na lahat ng laway ko sa sinabi na. Ano daw? Siya ang mother ni Leandro? Ang sabi ni Leandro ay strict daw ang mama niya hindi ba? At mukhang totoo niya. Halos lumabas na ang puso ko sa kaba dahil sa sunod niyang sinabi.
"We need to talk."
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...