Chapter 38

1.5K 32 12
                                    


***

6 years later...

Caline's POV

"Mommy ,Mommy!"

Nagmadali ako agad bumaba ng hagdan para lang maabutan ang isang bulinggit na punong puno ng icing sa mukha.

"Jusko, Leana! Di'ba tinuruan ka na ni Mommy kung paano kumain ng cake ng maayos?" agad akong lumapit sa kaniya para punasan siya sa bibig. Abot hanggang tenga ang chocolate icing eh. Napakakulit talagang bata.

"Sorry, Mommy. Huhu." nataranta naman ako agad dahil teary eyed agad siya.

"Baby, don't cry. Hindi naman galit si Mommy eh. Tahan na baby" hinamas himas ko ang buhok niya habang pinupunasan.

Humihikbi na siya kaya naman kiniliti ko siya sa tagiliran.

"Ahhh. Mommy! Okay po ,I won't cry na." napangiti ako sa sinabi niya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago yakapin ng mahigpit.

"Okay, baby! Let's go malelate ka na sa school mo!" paalala ko. Agad naman siyang kumalas sa pagkayakap ko at agad tumakbo sa bag niya at isinakbat ito. Humarap siya sa akin ng matuwid.

"Mommy , let's go!" excited niyang aya sabay takbo palabas. Napatakbo din ako agad. Ang kulit niya talaga.

Hay. Ang bilis ng panahon. Limang taon na siya. Ang aking anghel. Ang pinakamamahal ko sa lahat. Ang buhay ko. Ang aking Leana.

Parang kailan lang yung panahon na iyon. Sobrang bilis dumaan ng taon at araw. Isa na akong nurse at nagtayo ng isang maliit na clinic sa tapat ng school ni Leana. Para palagi ko siyang mababantayan.

"DADA!!" natauhan ako ng sumigaw si Leana.

"Halika na Bebe. Iwan na natin si Mommy mo. Dali!" napaismid na lang ako sa inasta niya.

"Kapal ng mukha mo Jerome ha. Subukan mo akong iwan. Humanda ka sa akin!" sigaw ko.

"Ay. Hindi pa sanay maiwan?" nakataas kilay niyang balik. Nahinto ako saglit. Fyi, ako ang nang iwan. Pero ginawa ko iyon dahil alam kong doon din naman ang hantong namin. Ang maiwan ako sa ere. Kaya bago pa man dumating sa puntong iyon ay inunahan ko na.

"Bastos ng bunganga mo, ano!" sigaw ko.

"MALELATE NA AKO!" Ang taas ng boses nung bata.

"Heto na nga po, sasakay na. Hindi na mabiro eh. Sorry na." napamadali akong sumakay sa kotse ni Jerome.

"Nako, nako. Ginagalit mo pa si Bebe eh." natatawa niyang sabi kaya inirapan ko na lang siya.

Pinaandar niya na ang kotse at hinatid niya na si Leana sa school. Pagkatapos ay sumama siya papuntang clinic.

"Hoy, tulungan mo nga muna ako magbuhat ng mga gamit. Dumating na yung deliveries ng med kits eh." bulyaw ko sa kaniya. Papasyal pasyal lang kase sa loob na akala mo eh bisita. Like hello. Siya pa kaya ang nagdecorate ng clinic ko. He's a interior designer. Sosyalin. Di mareach.

"Wow. Ganyan na ba ngayon ang humihingi ng favor?"

"That's a command not a favor!" sagot ko while nakataas ang kilay. Hindi naman siya natinag dahil nakipagtaasan siya ng kilay sa akin. Matagal kaming nagtitigan hanggang magtaas siya ng kamay.

"Okay fine. You won!" pagsuko niya sabay nguso. Natawa ako. Oo gwapo siya. Pero mukha siyang aso minsan lalo pag nakasimangot.

Magtanghali kaming nag aayos ng gamit sa clinic. Nagsara muna ako sa umaga para dito. Almost twelve noon na ng matapos kami.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon