Chapter 28

1.6K 25 1
                                    


***

Caline's POV

Ilang linggo na ang nakalipas. Ang bilis ng araw. Napapadalas na ata ang pagpunta ko sa condo ni Leandro. Sa totoo lang ay isa lang ang dahilan kung bakit ko siya binibisita lagi. At iyon ay para lutuan siya ng makakain.

Nabanggit niya kase na bukod sa pandecoco na binibili niya sa bakery eh wala na siyang ibang kinakain sa gabi. Kaya naisip kong ipagluto siya lagi.

Kaso nagiging double purpose eh. Hindi lang kase ang mga niluluto ko ang kinakain niya, pati ako. Huhu.

Binigay niya na sa akin ang susi ng condo niya para kapag nauna ako ay makakapasok ako agad.

Sa katunayan nga ay narito na ako ngayon sa loob at naghihiwa ng mga gagamitin ko sa pagluluto ng menudo. Okay na ang mga patatas at carrots. Kaya sinunod ko na ang mga karne.

Hindi ko rin matiis na tignang walang laman ang ref niya kaya nag grocery ako kanina kahit papaano. Sinasayang niya talaga ang kuryente.

Eh kase, nakita ko 'yung bill niya na dumating nung isang araw. Humigit kumulang dalawampung libong piso. Sino namang hindi manghihinayang sa ganoon. Oo mayaman siya pero hindi siya dapat nag aaksaya ng kuryente. Lalo at ang iba ay nawawalan ng supply. Nalaman ko rin kase na minsan ay hinahayaan niya lang bukas ang aircon kahit wala siya. Ano 'yon? Multo ang makikinabang?

Sinimulan ko na ang pagluluto. Siyempre punong puno ng pagmamahal ang mga niluluto ko ano. Para kay Leandro kase. At saka sabi nila, a way to a man's heart is through his stomach.

Nakakaenjoy nga siyang panoorin habang kumakain kase mukhang sarap na sarap siya sa mga niluluto ko.

Nailagay ko na ang lahat ng sahog. Hinahalo halo ko na ito at hinihintay na lang kumulo. Sana magustuhan niya. Napalingon naman ako ng marinig ang pagbukas ng pinto.

Ang aga niya naman ata. Napangiti ako ng maramdamang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Nasa office pa lang ako naamoy ko na iyang niluluto mo!" bulong niya kaya hinarap ko siya at pinalo sa braso.

"OA mo. Ano, nakaabot don?" sarkastiko kong sagot bago bumalik sa paghahalo. Natawa lang siya habang nakayakap. Naramdaman ko rin na pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Gutom na ako!" bulong niya uli.

Sakto dahil kumulo na ang menudo.

"Magbihis ka na muna. Luto na ito, ihahain ko na." utos ko sa kaniya at parang bata naman siyang sumunod. Ang lalaking iyon.

Sinimulan ko na ang paghahain. Sumandok ako ng kanin namin at naglagay sa mangkok ng ulam.

Lumabas na siya sa kwarto at dumiretso sa ref para uminom pero nagulat siya ng buksan.

"Caline, ikaw gumawa nito?" nakangiti niyang tanong. Nagkalaman na kase kahit papaano.

"Hindi, 'yung multo!" pang aasar ko. Sinimangutan niya ako bago tumakbo sa akin at pupugin ako ng halik.

"Pilosopo ka talaga!" gigil niya. Natawa na lang ako. Pumwesto na siya agad habang mukhang takam na takam. Nakatitig lang siya sa plato niyang walang laman pagkatapos ay tumingin sa akin na parang nangungusap.

"Spoiled!" singhal ko. Natawa na lang siya. Agad ko ng nilagyan ng kanin ang plato niya at nakita kong napangiti siya.  Sinunod ko ang ulam. Pagkatapos ay pinanood ko siya sa unang subo. Siyempre merong konting kaba.

"Anong lasa?" tanong ko. Ninamnam niya ng mabuti habang seryoso. Hanggang ngumiti siya at magthumbs up.

"Sobrang sarap!" sabi niya. Napangiti naman ako. Buti na lang.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon