Chapter 33

1.6K 33 1
                                    


***

Caline's POV

"Ate Caline, Ate Caline!"

Agad na salubong sa akin ni Kat-Kat at Den Den. Habang nakaabang na din si Jepoy sa labas ng pinto at nakangiti. Binigyan ko rin sila ng matamis na ngiti kahit na medyo mabigat ang pakiramdam ko.

"Sinisira mo ang buhay ng anak ko!" bigla kong narinig ang boses ng mama ni Leandro habang sinasabi iyon.

"Ate Caline, okay ka lang?" natauhan ako ng hawakan ako sa kamay ni  Kat-Kat.

"Ahh oo naman. Pasok na tayo dahil marami akong pasalubong sa inyo." pagbubuhay ko sa kalooban nila at sa sarili ko.

"Yehey!"

Pinagmasdan ko lang sila doon habang masayang nagpapakitaan ng mga natanggap nilang pasalubong mula sa akin. Ang cute talaga nilang tatlo.

Nagkwento din sila tungkol sa pag-aaral nila. Nalaman ko na isa pala sa honor candidate si Jepoy. Napapansin daw siya ng guro niya dahil sa husay niya sa mathematics. Mukhang susunod siya sa yapak ni Leandro ah. Si Den Den naman ay nag-aadjust pa rin at pinipilit sumabay sa mga kaklase nila habang si Kat-Kat ay napili daw na muse ng section nila.

Nakakatuwa lang na malaman ang lahat ng pagbabagong ito sa kanila. Naalala ko noong palaboy laboy lang sila noon. Sinong mag aakalang tutulungan sila ni Leandro ng ganito.

Iniwan ko lang muna sila saglit doon upang mamalengke ng hapunan namin. Balak kong dito muna saglit para magpalipas oras habang nagpapakalma at nag iisip. Inisip kong mabuti ang pinag usapan namin ng mama ni Leandro.

Totoo nga ang sinabi niyang napaka istrikto ng mama niya. Nakakatakot makipag usap sa kaniya at ang tapang ng mukha niya. Para talaga siyang kontrabida sa isang palabas. Hindi nga lang ganoon kasama ang ugali pero enough na ang ginawa niya kanina para mabothered ako.

"Maaari ngang nagamot mo ang pagiging sex addict niya. Pero binigyan mo siya ng panibagong addiction." sabi ng mama niya kaninang umaga. Medyo naguluhan ako. Bagong addiction? Kaya itinanong ko iyon sa kaniya.

"Don't you noticed that he's addicted to you?"

Medyo natameme ako ng mga oras na iyon? Napakuyom ang mga kamao ko. He's addicted to me? Is it bad? Because if that is the case then I am also addicted to him. Na parang gusto ko na lang dumikit sa kaniya palagi.

Pinipilit kong isipin ang mga bagay na iyon ngunit naisip ko na maybe I'm not that addicted like him. Kaya kong pigilan ang sarili ko. Pero siya kase ay hindi.

Hindi ako tulad niya na kayang isakripisyo ang lahat para sa akin. Everything like literally. Ngayon ay naintindihan ko na. Lahat ng ito ay dahil sa akin. Nagiging maluwag na siya sa trabaho niya at nakakalimutan na ang kahalagahan nito kaya nangyari ang ganito. Gaya ng sabi niya ay mahigpit ang seguridad ng company yet nangyari pa rin ang ganito.

It's because he's spending too much time with me. Wala na siyang pakialam sa iba maliban sa akin. Nabulag ako sa ganon dahil gusto ko rin naman. Pero ngayong narealize ko na ang lahat, sa tingin ko ay naging makasarili ako. Hindi ito mangyayari kung sa una pa lang ay pinangaralan ko na siya. Alam kong pinangaralan ko siya pero kulang pa rin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw sa akin ng mama ni Leandro. Gusto niya ng makipaghiwalay ako dito pero. Pero kase. Mahal ko si Leandro. Mahal na mahal ko siya.

And maybe I can still fix this. To fix him.  And our relationship. Kaya ako nandito ngayon para magmuni muni at pag-isipan ang dapat kong gawin. Ayokong gumawa ng padalos dalos na desisyon.

"I'll give you one month para umalis sa buhay ng anak ko!" iyon ang mga huling katagang iniwan sa akin ng mama niya bago umalis sa condo.

Hindi ko maiwasang maluha. Bakit ganon. Bago pa lang namumukadkad ang pag-iibigan namin. Bakit kami sinusubok ng ganito?

Nilutuan ko ng adobo ang mga bata. Alam kong namiss nila ang luto ko kaya siguradong gaganahan silang kumain. Siniguro kong masarap. Gabi na at handa na ang lahat. Nagtatalon pa sila sa saya ng makarating sa hapag.

Sisimulan na sana ni Jepoy ang pagdadasal ng biglang may kumatok sa pinto.

"Ako na!" sabi ko sa kanila. Tinuloy lang nila ang pagkain habang nagmamadali akong buksan ang pinto.

"Bakit naman hindi niyo ako sinabihan na dito kayo maghahapunan? Ang daya niyo naman!"

Bumungad sa akin ang halatang pagod na pagod na si Leandro pero napakalawak ng ngiti.

"Kuya!" sigaw ng mga bata. Tinaas niya ang dala niyang softdrinks habang nakatawa. Tinitigan ko lang siya.

Kaya ko ba talaga? Kaya ko ba talagang iwan at talikuran ang lalaking pinakamamahal ko? Kaya ba kitang iwan, Leandro?

Napansin niya ang pagtitig ko kaya napabaling sa akin ang atensyon niya.

"Love, may problema ba?" tanong niya. His eyes, his nose, lips, face. Lahat lahat. Kaya ko ba talagang igive up ang lahat ng iyon? Napakuyom ako ng kamao bago pumikit ng madiin.

Hindi ko kaya. At ayoko!

Bigla ko siyang sinunggaban ng napakahigpit na yakap. Muntik pa kaming matumba, mabuti na lang at nakaalalay siya agad.

"Love, miss na miss mo naman ako agad." natatawa niyang sambit. Mas hinigpitan ko lang ang yakap sa kaniya. Pagsubok lang ito. Kayang kaya naman itong malagpasan ng magkasama.

Tinulungan ko na siya sa dalang softdrinks. Nauna na ako sa mesa habang nagtatanggal siya ng sapatos.

Nawala na ang lahat ng mabibigat kong isipin. Naniniwala akong kaya namin itong lagpasan.

Napakasaya ko ngayon. Kasama ko silang maghapunan dito. Kulang na nga lang eh si Moma at Beks. Kung hindi, eh di ako na sana ang pinakamasaya ngayon.

Matapos kumain ay hinayaan ko lang silang magharutan doon sa sala habang ako naman ay busy sa pagliligpit.

Alam kong miss na miss din nila si Leandro dahil matagal na rin ang huli naming dalaw dito kaya naman natutuwa akong makita na sumasabay si Leandro sa energy ng napakakukulit na mga batang ito.

"Ate Caline, Kuya Leandro. Dito na lang po kayo matulog, please." nagulat pa ako sa pakiusap na iyon ni Kat-Kat.

"Naku, pasensya na. Kailangang magpahinga ng maayos ng Kuya Leandro niyo. Masyadong malayo kami sa condo eh." tugon ko. Napakarami kase niyang gagawin. Pero nagulat ako ng hawakan ni Leandro ang kamay ko.

"Okay lang Love. Gumising na lang tayo ng maaga. Minsan lang naman sila humiling." nakagiting sabi niya. Hindi ko alam pero napangiti ako. Maging ang mga bata. Malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya ang dating walang pakialam na Leandro.

Nagsama sama sa kabilang kwarto ang tatlo. Meron kaseng double deck doon. Si Jepoy at Den Den sa baba habang sa taas naman si Kat-Kat.

Kami naman ang nasa kabila. Himbing na agad si Leandro. Pagod na pagod siya.

Hindi ako mawawala Leandro. Pangako iyon.

Pagkatpos kong bigkasin ang pangako kong iyon ay saka ko siya hinalikan sa kaniyang labi.

"Good night, Love."

***

A/N: Guys! I'm having a hard time writing. Maybe I've been experiencing a writers block. Kaya nagiging ganito katagal ang update. Sorry. Gusto kong magpahinga muna pero hindi ko gagawin. Susulat pa rin ako kahit paunti unti sa isang araw. Sorry at sana nandiyan parin kayo kahit slow update. Sorry talaga.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon