Chapter 16

2.1K 30 0
                                        


***

Leandro's POV

"Ang ganda naman dito!"

Sa tono ng pagkakasabi niya ay masasabi kong masaya talaga siya. Kumiskislap ang mga mata niya sa dami ng mga bituing tinitingala niya ngayon sa kalangitan.

"Caline, halika dito. Ready na!" aya ko sa kaniya. Inayos ko ang likod ng kotse at nilatag ang isang blangket. Natawa naman siya.

"Prepared much?" sabi niya na natatawa. Paano kase, may pagkain na rin at inumin.

"Alam mo namang gagawin ko ang lahat, masuyo ka lang!" siyempre kailangan may kasamang banat.

"Korni mo!"

Tinabihan ko lang siya doon, humiga ako habang siya ay nanatiling nakaupo at nakatingin sa kalawakan.

"Ang ganda ng langit pag gabi hindi ba? Malas lang kase sa Manila, hindi kita ang mga bituin. Kaya dinala kita dito!" panimula ko. Ginawa kong unan ang mga braso ko.

"Bumyahe pa tayo ha. Sayang gas, pero salamat!" nakita ko ang pagsilip ng mga ngiti niya. Parang nanlambot ako.

Narito kami sa isang mataas na lugar sa Antipolo, kung saan kita ang ganda ng langit at mga bituin sa taas.

"Walang sayang Caline, kung para sa iyo. Walang masasayang!" seryoso kong sambit. Napalingon siya para harapin ko.

"Sabihin mo sa akin, Leandro. Bakit ako?" napabangon ako agad sa tanong niya.

"Na naman?" natatawa ko ring tanong. Siguro, simula noong sinabi kong gusto ko siya ay hindi na mabilang kung ilang beses niya ng itinanong iyan.

"Hindi mo pa rin ako pinagtitiwalaan 'no?" balik kong tanong.

"Hindi mo ako masisisi, Leandro. Marami akong kilalang mayaman. Lahat ng 'yon babaero at hindi seryoso." medyo malungkot ang pagkakasabi niya.

"Naiintindihan ko!" May pinanggagalingan naman talaga siya. Hindi ko siya pwedeng masamain sa isiping iyon dahil totoo naman. Never pa ako nagseryoso sa babae. Ngayon lang. Hay. Kung alam mo lang, Caline. Kung gaano ako kabaliw sa iyo. Kaya kong ipalit ang lahat, makasama ka lang. Pero siyempre, kahit na sabihin ko iyon sa kaniya ay alam kong hindi siya maniniwala.

"Alam mo, Caline. Hindi mo na kailangan magtanong ng paulit-ulit. Hayaan mo lang akong patunayan na totoo ang intensyon ko sa iyo. Na gusto kita!" medyo madilim kaya hindi ko alam kung anong naging reaction niya. Pero narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Naniniwala ka bang kapag namatay ka, magiging star ka?" tanong niya. Kaya kahit hindi ko aninag masyado ang mukha niya ay napalingon ako.

"Ha? Haha. Saan mo naman narinig iyan?"

"Huwag ka nga. Naniniwala ako eh." sabi niya kaya natawa ako ulit. Tanda na namin para maniwala sa mga ganiyan ha.

"Sus. O sige nga, bakit ka naniniwala?" ako naman ang nagtanong.

"Kailangan kong maniwala. Para mapanghawakan ko ang paniniwalang nariyan lang ni mama at papa na nakabantay sa akin." natutop ako sa sinabi niya.

"C-Caline." hindi ko alam bigla ang sasabihin. Parang napipi ako sa hindi malamang dahilan. Ginawa ko pa namang katatawanan ang sinabi niya.

"Patay na sila, Leandro. Patay na ang mga tunay kong magulang." hindi ko alam kung anong irereak sa mga ganitong sitwasyon.

"Sorry." paghingi ko agad ng tawad. Hiyang hiya ako.

"Ano ka ba. Okay lang iyon. Naniniwala ako na may dahilan ang lahat."

Hindi ko maiwasang matitigan siya. How could she. Ang tatag niya. Sa tono ng pananalita niya ay masasabi kong okay na talaga siya. Mas lalo ko siyang hinangaan.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon