Chapter 25

1.7K 24 2
                                    


***

Caline's POV

"You're stunning baby!" agad na pasalubong sa akin ni Leandro ng sunduin niya ako sa condo. Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya.

"Ang ganda niya 'diba, Leandro? Ayaw pa maniwala sa amin. Hello, kami kaya ang nagtransform sa kaniya ng ganiyan ano." agad na bungad ni Moma, nakasunod kase sila sa pinto.

"Sobrang ganda po, Moma at Beks!" excited na sagot ni Leandro.

"Oh paano, ikaw na ang bahala sa prinsesa natin ha? Aasahan ka namin Leandro." bilin ni Beks.

"Oo naman po. Ako ang bahala kay Caline." kinilabutan naman ako sa kindat niya.

Nakasuot ako ngayon ng red gown na may slit na hanggang hita.  Medyo bukas din ang likurang bahagi. Nakapusod din sa itaas ang buhok ko habang nakasuot ng medium size na ring earings. Meron pa akong maliit na purse na ang nakalagay lang ay pangretouch at cellphone. Hindi ko alam kung paano nagkasya. Halos hindi ko makilala ang sarili ko kanina ng tumingin ako sa salamin. Ayoko lang aminin pero feeling ko ang ganda ko.

Hinanda na ni Leandro ang braso niya para hawakan ko iyon.

"Sige po, aalis na kami."

Tahimik lang ako habang nasa elevator kami. Kinakabahan na talaga ako eh. Haharap ako sa marami at mayayaman na tao. Pwede pa bang magback out? Narinig ko namang napasinghap si Leandro sa gilid. Pagtingin ko eh akala mo tigreng gustong mangagat.

"Anong tingin iyan?" tanong ko. I know, medyo seductive ang look ko ngayon pero sorry. Hard to get ako ngayon. Haha.

"Gusto ko ng matapos ang party!" sagot niya. Naguluhan naman ako.

"Ha? Hindi pa mga nagstart eh, gusto mo na agad matapos?" ang lakas din ng trip niya minsan. Pero nanlamig ako sa sinagot niya.

"Yeah, so that I can tear that clothes off your body. I'll eat you later, Caline. Promise"

Hindi ba? Nakakapanindig balahibo. Napaka manyak niya talaga eh no. Pero bakit parang naexcite ako, char.

"Manyak!"

Bumukas na ang elevator kaya nauna na ako sa kaniya. Hinabol niya naman ako agad at humilig sa akin habang naglalakad. Abnormal ba siya? Mukha siyang tanga sa ginagawa niya eh.

"Ayaw mo ba?" nakanguso siya. Ano ba namang tanong yan. Bulgaran? Siyempre gusto ko pero hindi ko sasabihin ano. Haha.

"Bwiset ka 'no? Nakita mong kabang kaba na nga ako dito tapos may gana ka pang maglibog!" sigaw ko. Ayan tuloy, dumagdag pa sa isipin ko ang after party. Waah.

"Kasalanan mo naman eh. Ganyan pa sinuot mo. Alam mo namang konting balat mo lang ang makita ko nalulunod na ako." natawa naman ako sa dahilan niya.

"Adik!" sagot ko.

"Sa'yo!" sagot din niya.

Gosh. Gasgas na gasgas na ha. Hindi ba siya kinikilabutan sa mga banat niya?

Sa buong byahe namin ay nakailang buntong hininga ata ako. Shocks. Lalo ng huminto ang kotse sa tapat ng isang napakalaking event hall.

Ang daming tao shocks. May red carpet pa at mga kumukuha ng pictures.

"Let's go?" aya niya habang nakalahad ang braso niya. Huminga ako ng malalim bago sumama sa kaniya.

Grabe nagliliwanag ang paligid sa dami ng ilaw. Sa entrance ay dalawang bantay agad ang sumalubong sa amin. Walang naging problema, makita pa lang nila si Leandro ay binuksan na agad nila ang pinto.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon