Chapter 5

2.3K 36 0
                                    


***

Leandro's POV

Hindi ko na alam kung paano ko nalusutan ang tanong niya. Sabi ko na lang ,wala. Naniwala ata kase napatango na lang si Caline. Mabuti na rin at nasa loob na noon si Beks at Mamalou kaya hindi nila narinig. Walang witness. Pero naweweirduhan ako sa pangalang Mamalou at Beks. Kase kapag binanggit ko iyon. Magmumukha akong bakla, hindi ba? Weird.

"Ah. Caline, pwedeng makitawag sa telepono ninyo?" Tanong ko. Kailangan ko ng makauwi eh. Nanlalagkit pa rin ako sa sarili ko.

"Halika. Oh!" Dinala niya ako sa tabi ng istante ng mga tinapay kung saan nakadikit ang isang landline ng telepono. Nagulat pa ako kase inabutan niya ako ng limang piso.

"Para saan ito?" Tanong ko. Pambili ba ng tinapay?

"Ano ka ba, Leandro. Para ka namang walang kaalam alam eh. Gagamitin mo iyan para makatawag ka!" Sabi niya. F*ck. Hindi ko pala talaga kakayanin ang maging mahirap. Ano ba naman. Kanina yung tubig ang may bayad. Pati ba naman ang tawag sa telepono, meron din?

"Pero, hindi ba. Nagtitipid kayo? Maglalakad na lang ako. Itabi mo na ang pera mo!" Pinipilit kong ibalik sa kaniya yung pera pero tumanggi siya.

"Nako, konti nga lang ito kumpara sa tinulong mo eh. Teka nga, mayaman ka ba? Kase nakita ko, nakakotse ka noon eh!" Kinabahan naman ako. Bakit ba ganon lagi ang tono niya pag binabanggit ang salitang mayaman. Nag-isip na naman ako ng kaga*g*hang kasinungalingan. Ewan kung gagana.

"Driver ako nung matandang gurang na inaway mo. Nakonsensya kaya pinatubos ka. Yung kotse, sa kaniya 'yon." Paliwanag ko. Natawa siya bigla. Ang cute niya pala? Cute lang ha, but she's still not my type.

"Ikaw ha. Backstabber ka. Amo mo iyon eh, tapos sinasabihan mo ng gurang. Pero kung ganon, may trabaho ka ngayon? Baka mapagalitan ka!" Sagot niya. Ayos, bumenta na naman ang pagsisinungaling ko.

Sasagot pa ako pero hinulog niya na agad ang limang piso. Wala na rin akong nagawa.

"Sige na. Pasok na muna ako sa loob." Sabi niya pa bago pumasok. Sinimulan ko na ang pagkontak kay Maureen.

"Hello!" Mataray nitong tono. Maldita talaga ang babaeng ito.

"Maureen!" Casual kong sagot. Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagkataranta niya.

"Sir Leandro? Ikaw ba iyan? Sir!" Biglang umiba ang tono niya.

"Oo. Sunduin mo na ako agad dito sa.." Napahinto ako saglit.

"Caline, saan may malapit na bus station dito?" Nilayo ko ang telepono para magtanong kay Caline.

"Sa labasan. Camella station!" Tugon niya.

"Salamat!"

"Camella station!" Balik ko kay Maureen.

"What? Anong ginagawa mo sa lugar na iyan?" tanong niya. Naiinis na naman ako. Napakarami niyang tanong eh secretary ko lang naman siya.

"SUSUNDUIN MO BA AKO O HINDI?" sigaw ko sa kabilang linya. Nagulat naman silang tatlo sa loob kaya napayuko ako ng konti. Bwiset kase na Marueen ito dami pang satsat.

"Opo, papunta na Sir. Sorry po!" Pagkasabi niya noon ay binaba ko na agad. Nagpapakalma na lang ako ng sarili bago umalis.

"Aalis na po ako!" Pinilit kong pasingkitin ang mata ko sa pagngiti. Tumalikod na ako agad para lumakad.

"Saglit. Leandro!" Napahinto naman ako bago lumingon.

"Yes?" Si Caline pala. Lumapit siya sa akin at may iniabot na plastik.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon