***
Caline's POV
"Love, Boracay tayo." agad na sabi ni Leandro. Nasa couch kase kami habang nanonood ng TV at ako ay nakahiga sa hita niya at hinihinas ang buhok ko.
"Love, hindi ba at nagpalawan na tayo last week? Nung nakaraan pa, Cebu naman. Tapos nung isang isa pa ay sa Baguio. Tapos.." tinakpan niya ng kamay ang bibig ko.
"Shhhh" sabi niya na natatawa. Kaya bumangon ako.
"Leandro. Alam mo namang gusto ko ang mga pinupuntahan natin eh. Pero napapansin ko kase na parang nagiging problemado ka. Lalo pagdating sa work mo. Naisip ko na baka nakakaapekto ang madalas nating pagtravel dahil doon." paliwanag ko. Kase naman lagi ko siyang naririnig na may kaaway sa cellphone lalo pag nagigising ako ng madaling araw.
Muli niya akong pinahiga sa binti ko.
"No. Alam mo bang ang mga travel natin ang pahinga ko? Nakakatakas ako sa problema kapag lumalabas tayo kaya huwag kang mag alala ,please." sambit niya. Kita ko ang pagkaseryoso niya sa sinabi.
"Sigurado ka ba? Ayoko lang na napapabayaan mo ang trabaho mo dahil sa akin."
"Hindi ko napapabayaan ang trabaho, okay? So okay na ha. Magpapabook na ako ng flight natin sa sabado ng gabi tapos magpapareserved na rin ako ng room sa hotel." masayang pagbabalita niya. Nakangiti ko na lang siyang pinanood.
Napatingin ako sa TV ng magkaroon ng News Report.
"Good evening, Philippines. Isang malaking gusali sa Pasig, bumagsak.
Ayon sa mga nakasaksi, natamaan ang kalalagay pa lamang na precast ng crane na ginagamit nila. Ayon naman sa tagapagsalita ng company.." napabaling ako kay Leandro ng bigla niyang patayin.
"Nakakarindi, hindi ako makapag focus sa pagpapareserved. Ay teka, tignan mo ito. Alin mas gusto mo sa dalawa?" agad niyang kuha sa atensyon ko sabay pakita ng laptop na ginagamit niya. Nagdadalawang isip pa ako noong una dahil para kaseng pamilyar sa akin ang logo noong company na pinakita sa TV kanina. Pero mukha namang wala talagang problema si Leandro kaya tinulungan ko na siyang mamili.
"Ito na lang. Mukhang maganda tapos mura lang." suhestiyon ko. Mga kubo style lang siya pero mukhang maganda talaga.
"Okay po, Love." sabi niya at sinimulan na ang pagpapareserved.
Pagkatapos noon ay nagluto na rin ako ng pagkain namin sa hapunan. Tinulungan niya rin naman ako sa pagluluto.
Kinabukasan ay abala na ako agad sa pag aayos ng mga dadalahin namin. Mamayang gabi na kase ang flight. Maaga siyang pumasok dahil may emergency meeting daw. Kaya ako na ang mag aayos ng lahat. Isang araw lang naman kami sa Boracay kaya konti lang ang dinala ko.
Naglinis na rin ako ng buong condo para pagbalik namin eh maganda at malinis.
Dumiretso na lang ako sa bakery pagkatapos para tumulong kila Moma at para magpaalam. Pero hindi nagtagal at nagpaalam na rin ako agad dahil usapan namin ni Leandro na antayin ko siya sa condo ng 4:00 pm kaya nauna na ako at hinanda ang mga bags.
Nasa lobby na ako at nag aantay sa pagdating niya kaso mag aalas cinco na siya dumating. Mukha siyang tensyunado.
"Anong problema?" tanong ko agad. Pero ngumiti siya.
"Wala, traffic. Sorry ha. Tara na?" binuhat niya na ang mga bag at dumiretso sa kotse niya. Pinunasan ko siya ng pawis habang nagmamaneho siya. Medyo tahimik siya ngayon.
"Okay ka lang ba?" tanong ko ulit.
"Oo naman. Napagod lang ako sa work. Haha." bakit ganoon. Parang may hindi siya sinasabi.
"Alam mong masasabihan mo ako ng lahat, Love." dagdag ko pa.
"Alam ko, Love. Salamat"
Umayos na ako ng pwesto sa upuan at sumabay na lang sa daloy ng trapiko. Pagdating namin sa airport ay nanlumo kami agad. Kakaalis lang ng eroplano na sasakyan sana namin. Sayang ang tickets.
Akala ko uuwi na kami pero Umiba kami ng daan. Teka parang pamilyar sa akin ang dinadaanan niya.
"Leandro, don't tell me." singhal ko.
"Kaya mo naman na 'diba? Pero don't worry, pwede mo naman ako yakapin buong biyahe." sabi niya.
"Sabi mo iyan ha!" pakikisama ko sa gusto niyang laro.
"Okay!" masigla niyang sabi na may pasuntok pa sa hangin. Natawa na lang ako.
Ilang saglit pa at nakarating na kami sa hellipad sa may rooftop. Heto na ang feeling na iyon. Ang kaba. Pero haharapin ko na dahil narito na ako.
Hindi ko nasunod ang sinabi ni Leandro na yumakap sa kaniya kase nag enjoy ako sa view. Ang ganda kase eh. Kapag nasa taas ka eh ang peaceful. Parang walang problema sa ibaba. Ang sarap sa pakiramdam.
Nakasimangot naman si Leandro. Tinawanan ko lang siya. Nang makarating sa resort ay agad kong inayos ang mga gamit namin. Grabe ang ganda ng loob. Masyadong magarbo. Ito talaga ang kahulugan ng don't judge the book by its cover. Ang modern ng loob kahit bahay kubo ang labas. Gusto ko pa sanang mag aliw sa dagat kaso gabi na ng dumating kami kaya naman kumain na lang muna kami.
Pagkatapos noon ay inaya niya akong pumunta sa isang crowded na lugar.
"Anong gagawin natin?" tanong ko naman. Napansin ko kase na excited siya.
"May fiesta dito ngayon." masaya niyang pagbabalita.
"Ano?" ako naman eh nagulat. Seryoso? Alam ko kase na masaya ang mga fiesta dito. Kaya naman ako na ang humila kay Leandro.
At namangha sa nadatnan namin doon.
"Wow!" ang daming ilaw na iba't iba. May mahaba din na mesa doon na nakalatag sa isang kalye at punong puno ng makakain.
"Kaya mo pa bang kumain?" tanong niya. Kase kakakain lang namin.
"Dapat sinabi mo agad para dito na lang tayo kumain." asar kong sagot na kinatawa niya.
"Nakalimutan ko rin eh!" napakamot siya sa batok.
"Pero kaya ko pa naman. Masaya ang boodle fight kaya let's go!" natawa na lang siya bago magpahila sa akin.
Grabe naman. Ang sarap makikain kasabay ang mga random persons. Medyo may naging kaibigan din kami. Kase lahat friendly.
Pagkatapos noon ay nanood kami ng amateur contest. Saglit lang iyon kase nabored si Leandro. Hay naku, ang gagaling pa naman ng mga kasali.
Ang dami naming nagawa ni Leandro buong gabi, ang saya. May nakita pa kaming event sa dagat. Grabe napakaswerte naman namin.
"Nag-enjoy ka ba, Love?" tanong niya agad ng makarating kami sa room namin. Gaya nga ng sabi ko. Bahay kubo ito kaya hiwa hiwalay ang mga cottages slash room na rin.
"Oo naman, Love. Sobra, grabe ngayon lang ako nakaexperience ng ganito kasayang fiesta. Tapos gabi pa, siguradong mas masaya kaninang umaga." sagot ko na tuwang tuwa.
"Oo, kase may mga sayaw tapos parada. Sayang ano?" sabi niya.
"Ayos lang naman. Atleast hindi ba, nakaabot tayo ng gabi." sagot ko.
"Hayaan mo. Next time, pupuntahan naman natin ay ang mga festivals sa buong bansa. Like sinulog, ati atihan at iba pa." naexcite naman ako sa mga pinagsasabi niya.
"Talaga? Promise iyan ha."
"Oo naman." sagot ni Leandro.
Pagkatapos ay hinila niya ako pahiga sa kama.
"Pero sa ngayon, sa langit na muna kita dadalhin." sabi niya sabay halik sa leeg ko.
"Kyah!" nakiliti kase ako.
Bwiset ka talaga Leandro. Wala kang pinipiling oras at lugar.
Pero sige na nga. Go na. Haha
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
