TBND Special Chapter 4: A Series of Unfortunate and OA Events

182K 4.2K 767
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2015

A Series of Unfortunate and OA Events


"OMG! OMG! OMG! I need to calm myself," I chanted while trying to take deep breaths. Pinagpapawisan na ang mga kamay ko habang nakahawak sa magkabilang sandalan ng upuan. Sa itsura ko, mukha akong sasalang sa death penalty dahil sa pumumutla at walang humpay na pagpatak ng pawis sa noo ko. My heart beats like a drum. It was deafening. The ticking of the clock, the barking dogs a few meters outside the window, and the noises and footsteps outside the room—sobrang lakas nila sa pandinig ko. Para akong mabibingi. Ganito ba ang pakiramdam? Hindi ko alam kung matatae ako o maiihi pero parang pakiramdam ko ay umiikot ang sikmura ko. It feels like the judgment day when in fact, it's the big day.

Yes, it's the freaking big day—the big day, which most men and women in love are anticipating. Before this day, all I could feel was excitement. I had many expectations and fantasies. I wrote the lines that I would recite during the exchange of vows. I prepared the dress that I would wear. I searched for the perfect rings. I planned and facilitated the entourage, the reception, the church, the cake, the food, etc. To sum it up, I prepared the perfect fairy tale wedding that almost all women would want.

But now that it is actually happening, my mind suddenly went blank. My body suddenly froze. The excitement was replaced by nervousness, an intense nervousness.

Ikakasal na ako. Shit.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maiyak o tumalon sa tuwa. 

Tumayo ako at umikot-ikot sa loob ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang paligid. Ang pink kong kama. Ang mga teddy bears ko na nasa maliit na sofa at carpeted na sahig. Ang mga libro kong nagkalat. Ang mga picture frames na nakasabit sa dingding kung saan nandoon ang mga nakangiting larawan ko simula pagkabata kasama sina Mama at Papa, ang mga kaibigan ko, at si KJ.

Si KJ. Napangiti ako bigla nang makita ko ang nakasimangot niyang mukha sa picture habang may ice-cream sa magkabilang pisngi niya. Ako naman ay nakatingin sa kanya habang nakanganga kakatawa.

"Picture naman diyan, KJ." I elbowed him. We were seating on a bench at the Freedom Park in UPLB. Nagbabasa siya ng "The Brethren" ni John Grisham habang kumakain ako ng ice cream dahil sa matinding init. Kwento ako ng kwento sa kanya habang nagbabasa siya ng libro. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinasabi ko. Basta ako ay walang tigil ang bunganga kakakwento. Mauubos ko na yata ang isang gallon ng chocolate ice cream ay wala pa ring balak mamansin si KJ. Kinuha ko ang cellphone ko at nagchat na lang sa mga kaibigan ko.

Lumipas ang ilang minuto ay nagsawa na ako kakakain ng ice cream at hinayaan na lang itong matunaw. Tiningnan ko si KJ na seryoso pa rin sa pagbabasa at hindi gumagalaw sa pwesto niyang nakaupo ng dekwatro.

"Pogi naman nitong katabi ko na nagbabasa. Kuya, pwedeng malaman cellphone number mo?" Nakangisi kong tanong habang inaabot sa kanya ang cellphone ko.

Hindi si KJ sumagot. Pero napansin kong tumaas ang isang kilay nito.

"Suplado naman." Sumimangot ako.

Tahimik pa rin ang magaling na lalaki.

Tumaas ang isang kilay ko. "Siguro may girlfriend na ito. Siguro ubod ng ganda at sexy at talino at bait," nakangisi kong sabi sabay tawa ng malakas.

Tumikhim naman si KJ. "Hindi rin," he said, almost bitterly.

I stopped laughing. Is he for real? Nagsalita nga siya, pero iyan pa ang sinabi niya. Binabastos ba nito ang pagiging dyosa ko? Uminit bigla ang ulo, kasabay ng napakainit na panahon. Tumirik ang mga mata ko kasabay ng pagtirik ng araw. Nahagip ng paningin ko ang ice cream na natunaw.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon