Copyright © ScribblerMia, 2012
Grabe talaga. Sana man lang sinabi nina Mama na hindi pala kaaya-aya ang itsura ko kagabi. Nakakahiya talaga. Sa dinami-dami pa naman kasi ng makakakita, bakit siya pa? E, grabehan mang-asar ang mokong na iyon.
"I'm going, Ma," I said grimly. I kissed my Mama’s cheek. Tumakbo ako at nang malapit na ako sa gate ay narinig ko ang tawag ni Mama.
Napapreno ako at dali-daling napaharap kay Mama.
"Nakalimutan kong sabihin na sabay na pala kayong papasok ni Karl,” nakangiti nitong sabi habang may hawak na paso.
“W-what?”
Mama grinned. "Hindi namin nasabi sa'yo kagabi kasi nasa kwarto ka na. Nag-usap na kami about it. Payag naman si Karl. After all, wala kang sasakyan, si Karl meron. Hindi ka na mahihirapan mag-commute. At saka kababata mo naman siya. So we thought that it's safe for you to go with him every day." Dire-diretsong sabi ng Mama ko.
My eyes popped out of their sockets. My jaw dropped.
Aba, at ayaw akong bigyan ng pagkakataon para magsalita? She was using that tone again, that tone, which means “There’s nothing you can do but to follow my order.”
Nang makabawi ako sa pagkabigla ay napapadyak ako sa inis. "Pero, Ma. May kotse naman tayo, 'di ba?"
"Bakid, Oleya Astrid, marunong kang magdrive?" She retorted.
At doon natapos ang usapan namin.
Masama ang loob na binuksan ko ang gate namin at pabagsak na sinarado ito. Nakanguso akong naghihintay sa tapat ng gate.
Nakakainis na talaga. Kasalanan ko ito, e. Dapat noon pa nag-aral na akong mag-drive. Ayan, tuloy, pagminamalas ka nga naman. Kung bakit kasi ang tamad-tamad ko noong pinipilit nila akong i-enrol sa driving school.
I was cut off from my thoughts when a car stopped in front of me.
Mula sa driver's seat ay inabot niya ang pintuan para buksan ito, without even looking at me, without any reactions at all. As usual, that infamous poker face welcomed me.
Walang imik na pumasok na lang ako sa kotse.
Bigla naman niyang pinaharurot ito.
--
Tahimik lang kami sa byahe. Walang gustong magsalita.
Ang awkward naman. Hindi ako sanay ng ganito na hindi mapakali sa byahe.
Pagnagko-commute lang ako, nakatingin ako sa tanawin. Minsan, nagmamasid-masid sa mga kapwa pasahero. Nagpapacute pag may pasaherong gwapo, naiinis sa mga PDA na magkasintahan sa jeep, o nakikipaglaro sa mga batang nakakalong sa mga magulang nila.
Pero iba ngayon, e. Dahil iisa lang tao ang kasama ko. 'Di bale sa jeep, e, hindi ko kilala ang mga kasabay ko. Pero sa kotseng ito, hindi ko lang siya kilala, kababata at kaaway ko pa.
"You don't have to give me that annoyed face, you know," he said seriously, pulling me away from my thoughts.
Nabigla ako sa sinabi niya. I didn’t notice that I was staring at him while I was drowning in my own thoughts. This was the first time he talked since I went inside his car. Take note, he was the one who broke the silence. Ano’ng meron? Bago ito, ha.
"What are you talking about?" I shot back.
"You’re spacing out, and it seems that you're thinking of me." He gave me that arrogant smile again. He emphasized the word “me.”
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum