Copyright © ScribblerMia, 2012
"OA, sandali! Ang bilis mo namang tumakbo. Runner ka?” Tatawa-tawang sabi ni KJ habang hinahabol ako sa mabilis na paglalakad.
"Puta ka. Tigilan mo ako kaka-OA mo diyan kung ayaw mong pasabugin ko iyang mukha mo," sigaw ko rito sabay ismid habang naglalakad ng mabilis. OA? Binalasubas talaga ang pangalan ko?
Nang makahabol ito ay kinulbit ako nito. "Sino’ng pikon?" He gave me a devilish grin.
Hinampas ko ito sa balikat. "Takte ka. Tantanan mo ako kung ayaw mong manghiram ng mukha sa kabayo," sabay lahad ng hintuturo ko sa mukha niya.
“Aso iyon 'di ba?"
"Pake mo ba? E, sa gusto kong gamitin ang kabayo para maging kamukha mo si Vice Ganda, e." Ang corny ko na, nakakadiri talaga.
"Who the fuck is Vice Ganda?" Naguguluhang tanong nito.
Napapreno naman ako bigla. Uhh. Hindi niya kilala si Vice? Seriously?
Tumigil din ito sa paglalakd. "Ano? Who is that creature?" Lumapit si KJ at tiningnan ako ng seryoso.
"You seriously don't know him?" I asked in bewilderment. “Promise? Cross your heart? I hope you’ll die?”
He frowned.
A creepy smile was slowly forming my lips. "Iyong bakla sa Showtime,” sabi ko sabay lakad ulit papunta sa gate ng bahay nila.
Nang makarating ay binuksan ko ang gate at dali-daling binuksan ang pinto.
"Ano’ng Showtime?" Habol nito.
“Sa Channel 2," I answered lazily. Hindi ba ito nanonood ng TV?
“I don't watch local shows," he said, still confused.
"Weh? E, 'di ikaw na ang pasosyal. Dapat sa'yo itakwil ng Pilipinas. Sarili mong mga kababayan, hindi mo tinatangkilik ang palabas ng Pinoy,” sabi ko sabay upo sa sofa.
Inirapan lang ako nito, bagkus ay diretsong pumunta sa kusina.
Napailing na lang ako habang natatawa sa tinura nito. Sinandal ko ang ulo ko sa sofa. I yawned. “Kapagod naman. Makapagshower na. Gusto ko nang matulog at magpahinga.”
I stood and hurriedly went upstairs to take a shower.
--
Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako ng pantulog—manipis na sleeveless white blouse at 'short' shorts na pantulog. Kinuha ko muna ang laptop ko sa cabinet. Yes, I brought my laptop here. Hindi ko kayang mabuhay ng wala si lappy.
Naisipan kong mag-Facebook muna. I checked my notifications, confirmed the people I know, and ignored those strangers. Habang abala ako sa pagtingin ng mga Friend Requests ay napakunot-noo ako nang mamataan ang pamilyar na pangalan.
In-add ako ni KJ sa FB. Boooo.
Napahawak ako sa baba ko. Confirm? Ignore? Confirm? Ignore?
Napangiti ako bigla. Sige na nga. Kawawa naman, baka umiyak kaya tatanggapin ko na ang request niya.
Nagstatus muna ako. “Can't sleep.” Hindi naman kasi ako makatulog agad pag nasa ibang bahay, e. Namamahay ako.
A message suddenly popped up.
Karl: Hoy!
Astrid: Ano?!
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum