Copyright © ScribblerMia, 2012
It’s finally Saturday! I did a happy dance as I was busily going around inside my room.
Ano kaya ang magandang gawin? Mamasyal sa mall? Magbasa ng book? Magsulat ng tula? Kumanta sa videoke? Sumayaw?
Sa dami ng mga aktibidades na naiisip ko, hindi tuloy ako makapagdesisyon.
Makatapos ang ilang minutong pag-iikot at pag-iisp, naisipan kong mag-mall na lang.
I hurriedly went to the bathroom to take a bath. Then, I changed my clothes. Nag-shorts lang ako, sleeveless na puti, at chucks na pula. Kinuha ko na ang pink Jansport backpack ko na maliit.
"Ma, I'll be back after lunch." I told my Mom as I ran toward the gate.
"Wait, here is the list." Mama called after me.
Bago ko hawakan ang gate ay nilingon ko siya.
"For what?" Masama ang kutob ko rito.
"List of things to buy!" She smiled widely.
Naapakamot ako sa batok. Parasite talaga ang Mama ko. “Fine. Bye." I waved and went outside.
Dumiretso ako sa kanto para maghintay ng tricyle. Hindi rin naman nagtagal ay may tumigil sa tapat ko.
I smiled.
This is going to be a great day for me, I can feel it.
--
It took me 30 minutes to arrive at SM San Pablo City.
Pagkapasok ko ay iginala ko ang paningin ko sa paligid. Maraming tao pero karamihan ay mga bata at mga teenagers.
May concert ba? May mall tour? Ano kayang meron?
Nagkibit-balikat na lang ako bago nagikot-ikot ako sa mall.
Pumasok ako sa ilang shops ng damit at tumitingin-tingin. Nagsukat-sukat din ako ng mga shorts at t-shirts. Dumaan ako sa accessory shop at bumili ng bracelet na pink.
Nang mauhaw ay dumaan ako saglit sa Zagu para bumili ng Baby Z na chocolate. Dadaan sana ako sa bookstore pero hinarangan ako ng guard dahil bawal daw ang may inumin sa loob.
Nagpaikot-ikot ako na lang ako sa ikalawang palapag ng gusali. Napadaan ako sa Department Store. My eyes twinkled when I saw a big red signage.
50% Sale on selected items. I almost jumped in glee.
Dali-dali kong inubos ang Zagu at tinapon sa malapit na basurahan.
Pagkatapos ay mabilis akong pumasok sa tindahan para magtingin-tingin ng mga dress.
After a few minutes of searching, I found a cute purple dress. It was a fitted, triangle-cut bodice with spaghetti straps that crisscross an open back. The skirt was above the knee.
Buti na lang may P 2,000.00 akong naipon no’ng bakasyon. Nabili ko ang damit sa halagang P 1,500.00. Purita Mirasol kasi ako. Hindi naman kami mayaman, pero hindi rin naman kami hikahos. Sapat lang na nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-paaral ang mga magulang ko, at nabibigyan ako ng baon araw-araw. Pero sa mga luho gaya ng gadgets, mga damit, sapatos, at bag, pina-iipunan ko lahat ang mga iyon mula sa mga baon na natitira ko. Teacher kasi ang Mama ko sa isang pribadong paaralan habang accountant naman ang Papa ko sa munisipyo.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum