Copyright © ScribblerMia, 2012
"Harold?!" OMG! Oh nose! Akala ko joke, hindi pala.
"Hi. Dito ka rin nakatira?" He smiled. Lumapit siya sa akin.
Was this a joke? Of all jokes, ito ang nakakatawa. And wait, he’s asking if I live here? Parang hindi naman niya alam na dito ang Barangay ko.
Humakbang ito palapit.
At ngayong nasa harapan ko na siya, panic mode na ba?
Nanginig ako bigla. KJ?! Nasaan ka? Pesteng ito! Kung kailan ko siya kailangan na sumingit o umepal, saka naman siya wala. Saan kaya naglalagalag ang kaluluwa noon?
“Astrid?” Untag ni Harold.
Bigla akong namula. Sunod-sunod akong napatango. "Yeah. Actually, ang katabi niyong bahay ang bahay naming," nahihiya kong sabi.
"Cool." He smiled again. Nakapambahay lang ito na itim na shirt at shorts. Humalukipkip ito at tila natutuwang pinagmamasdan ako.
'Wag ka sabing ngingiti nang ganyan, Harold. Kinikilig ako.
"Kayo pala ang bagong lipat," I said matter-of-factly. Pinilit kong maging kalmado kahit hindi na magkandamayaw ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito.
He bit his lower lip before he spoke. "Kahapon lang. Kaso hindi pa tapos maghakot ng gamit. We still have some things left in our old house."
I nodded. Mahigpit akong napakapit sa dala kong langis. "Taga San Benito kayo before, right? What brings your family here?"
Sobrang takang-taka talaga ako. Sila pala ang nakabili ng bahay nina Mrs. Donato. Nag-migrate na kasi ang buong family nina Mrs. Donato sa Canada. Bale one month na rin na walang nakatira diyan sa katabing bahay namin, maliban sa caretaker na nandiyan tuwing umaga.
"Yup. Kami ang bumili nito. My Dad is a good friend of the house owners. Nabili nang mas mura. Kaya okay na rin." Tumingin ito sa bahay saglit. "The house looks good anyway, and the neighbors are very friendly. Idagdag pa na kapitbahay pa pala kita." He gave me a suave smile.
Naggalawan yata lahat ng buto ko sa katawan. Ganito pala ang pakiramdam na kiligin muli kay Harold after so many years.
Magkakakapitbahay kami ngayon nina KJ. Napapaggitnaan ng bahay nina KJ at Harold ang bahay namin. It's a small world after all.
"Nasaan ang parents mo? Nandiyan ba sila?" Tumingin siya sa bahay namin.
"Ah. Wala, eh. Bale nagbakasyon sila sa States. One month sila doon. Miss ko na nga sila." I sighed.
He patted my shoulder. "They are missing you, too. That’s for sure.” Tinanggal nito ang kamay na nakahawak sa balikat ko bago muling ngumiti. “Bakit ba kasi hindi ka sumama?"
Kahit nagulat ako sa ginawa niya ay hindi ko lang pinahalata. "E, kasi may pasok sa school. Kaya ayon. Sayang nga, e. Gusto ko rin talagang pumunta ng ibang bansa." I shrugged.
He laughed. "Ganoon ba? Next time na lang. May bakasyon pa naman. Don't worry." He winked.
OMG again. Kaunti na lang. Kaunti na lang talaga. Hihimatayin na ako sa kilig. Sana 'wag na itong matapos.
"Saan ka pala galing?" Harold asked, still smiling.
"Ah. Sa tindahan. Bumili ng—“
"Misis!"
Bigla akong nakaramdam ng mabigat sa balikat ko. I rolled my eyes when I saw an arm.
Bakit ngayon lang ito dumating? Kung kailan nag-eenjoy na ako sa usapan namin ng "kapitbahay" ko.
I gave him a dagger look.
Mas lalo lang hinigpitan ni KJ ang pagkakaakbay sa akin, parang nakayakap na.
"Uy, Pare." Bati ni Harold.
"Yow. What are you doing here, Pare?" Bati rin ni KJ. Medyo suya ang pagkakasabi niya sa “pare.”
"Kakalipat lang namin dito." Harold smiled. Sumulyap siya sa nakaakbay na kamay ni KJ sa akin. Talaga bang big deal ang pag-akbay ni KJ at lagi niyang tinitingnan?
"Kailan pa?" Tanong ni KJ.
Harold shrugged. "Kahapon lang."
"That's great," KJ said. Ngumiti ito ng tipid.
Pero bakit feeling ko ay ang plastic ng pagkakasabi ng KJ na ito?
"Siya nga pala, kung taga dito ka na, sali ka sa liga, ha? May liga sa sunod na buwan. Kaso puno na ang team namin kaya doon ka na sa kabilang team. Okay lang ba?" KJ leered.
Ano ako rito? Poste? Props? At saka liga? Meron na agad?
"Sure. That would be cool," mahinahong sagot naman ni Harold.
KJ smirked.
Alam ko ang smirk na iyan, e. Ayan na naman siya.
I looked at KJ, and he looked at me. Right then and there, I knew what he's thinking.
He gave me a mischievous smile. "Sige ha?” Tumingin ito kay Harold. “Uuwi na kami. Magluluto pa kasi si Astrid ng ulam namin, e. 'Di ba, Misis?" Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng nang-aasar na ngiti.
Naughtiness strikes again, KJ!
"M-magkasama kayo sa iisang bahay?" Hindi makapaniwalang tanong ni Harold.
Sasagot na sana ako nang biglang sumagot naman ang KJ na ito.
"Yes." He smirked. "Isang buwan kaming magkasama sa bahay namin. Our parents are in the US for a vacation. Kami muna ni Misis ang magkasama. 'Di ba ang saya-saya? Kami lang? Solo namin ang bahay? Hohoho." May halong pang-aasar na sabi nito kay Harold sabay tingin sa akin...at kindat.
I rolled my eyes. Kahit kailan talaga, Karl Jonathan. Ipis ka poreber.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum