Chapter 4

1M 13.4K 2.9K
                                    



Copyright © ScribblerMia, 2012

Natapos ang buong araw ng klase ko. Hindi ko rin nakita si Karl Jonathan.

Nasaan na kaya iyon? Hay naku. Bahala siya. At least, tahimik ang maghapon ko. Dalawang subjects ko lang pala siya kaklase ngayong araw. Okay na rin dahil hindi ko makakasama buong maghapon ang bwisit na iyon.

"Let's go home." Yaya ni Cess.

"Go ahead, guys. Dadaan pa ako sa library. Papa-validate ko pa ID ko, e." Nakasimangot na sabi ko.

"Sure ka?" Tanong ni Kaye.

"Uuwi rin naman ako ng maaga. Pa-validate lang then gorabelles na. Una na kayo." I gave them a reassuring smile.

"Okay, then. See you." Sabay nilang sabi sabay halik sa pisngi ko.

Kinuha ko na ang bag ko at tumungo sa library. Binuksan ko na rin ang carnation pink na payong ko.

Napahugot ako ng malalim na hiningi. Mahaba-habang lakaran na naman ito. Naisip ba ng paaralang ito na bukod sa mahihirap na ang mga subjects ay pahirap rin ang pagpunta sa mga buildings? Ang init init pa naman. Kakatapos lang ng summer pero ang init pa rin. Ano ba iyan?

"What the hell!" I screamed. Napatigil ako sa paglalakad at napahawak ng mahigpit sa payong ko.

"Hey, hey, hey. Napaka unlady-like naman," a familiar voice exclaimed.

I turned around only to see that irritating face again.

"What do you want again this time?" I shouted.

"Kalma lang." Taas ang dalawang kamay na sabi niya, nakangisi pa.

"Bakit ka ba nangbubunggo? Ang lawak lawak ng daan, pare, nagsusumiksik ka pa? Laki-laki mong tao! Bwisit! Nananadya ka ba ha?" Dire-diretsong sabi ko. Muntik na kasing tumilapon ang bag at payong ko.

Kumunot ang noo nito. "Mainit na nga ang panahon, mainit din ang ulo mo. Problema mo ba ha?" Naiinis na rin na sabi nito.

"Pwede ba? Lubayan mo nga ako! Nakakairita na ang pagsunod-sunod mo!"

"Excuse me, but who's following you?"

"Sino pa nga ba?"

"If you are referring to me, I'm afraid you're definitely wrong. I don't have time to follow you." He emphasized the word "you."

"Then, why are you here?" I asked sarcastically.

"Pagmamay-ari mo ba ang library? Wow ha!" He feigned a shock.

Ayan na naman ang alta presyon ko. Nakakainis talaga.

Tinitigan ko siya ng masama. At sa pagtitig ko, napansin ko ang mamula-mulang mukha nito. Siguro dahil sa sobrang init ng panahon. Wala kasi itong dalang payong. Nakakaawa dahil hindi nga pala alam ng lalaki na ito na ang una sa listahan ng mga dapat hindi kalimutang dalhin sa school na ito ay payong. Oh well, papel, buti nga. Sana mangitim siya at pumanget! Nakakairita kasi siya.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Gwapo talaga ang mokong. His nose, his eyes, his lips, his---

I suddenly heard him chuckle.

"Ano'ng nakakatawa, lalaki?" I glared at him.

"Uhm, 'wag ka masyadong pahalata na crush mo ako, ha? Kakaturn-off, e." He smirked. Pagkatapos ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo.

Nakatitig lang ako sa papalayong lalaki.

What did he say? Crush ko siya? Iba rin talaga ang delubyong dala niya. Ang problema talaga ng karamihan sa mga lalaki ay kayabangan. Pagtinititigan ba ng babae ang lalaki, crush na agad? Hindi ba pwedeng napapangitan lang? Or naga-gwapuhan? Or may mali lang sa mukha nila?

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon