Copyright © ScribblerMia, 2012
On our way, nobody spoke. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana pero paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa katabi ko. Takang-taka talaga ako sa inaakto nito. For six years, he ignored me. But then, what’s this? Bakit bigla-bigla niya na lang akong pinasakay sa priceless car niya? What's the matter with him? Was he sick or something?
“Stop staring," he said without smiling.
My eyes widened. “What the!”
“I said stop staring.”
Uminit bigla ang mga pisngi ko. “Ha?!”
“Ganyan ka ba talaga, ha? Kailan ka pa nabingi?” Saglit itong sumulyap sa akin bago muling binaling ang atensyon sa daan.
“You dope! I'm not deaf!” I shouted.
“Tss." Umiling-iling pa ito.
“Aba't!” Sobra na ito, ah. Ano’ng karapatan nitong umakto nang ganito bigla-bigla?
Tumingin ito at tumawa ng nakakaloko. “Hanggang ngayon ba naman, Astrid, crush mo pa rin ako?”
What did he just say? Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya dahilan upang mamula ako ako ngayon sa galit. Mahigpit kong niyapos ang bag kong nakapatong sa mga hita ko. Gustong-gusto kong saktan ang lalaking ito.
He glanced at me and smirked, showing his dimpled cheek.
For the second time, my eyes widened. Bakit tila bumilis ang tibok ng puso ko sa ngiti nito kahit pa sabihing ngiting-aso? Hay naku. Kahit saang anggulo, gwapo talaga ang loko. However, I chose to ignore the admiration I suddenly felt a while ago.
“Hoy! Ang kapal naman ata ng mukha mo? Ano'ng pinagsasabi mo diyan, ha? At saka bakit mo ba ako pinasakay dito sa kotse mo?” Inikot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang kabuuan ng sasakyan bago muling binaling sa kanya ang paningin ko. “Nagpahatid ba ako ha? Did Mom hire you to be my personal driver?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Tiningnan ako nito ng masama. “Can't you tone down your voice? Ang sakit sa tainga, e.” Ginamit pa nito ang kanyang hinliliit para ipasok sa kanyang tainga at kunwa’y may tinanggal dito.
Humalukipkip naman ako. “At ako pa ngayon ang masakit sa tainga? E, ikaw? Masakit ka sa ulo!”
“Ano ba'ng problema mo?” He glared.
“Ano rin ba'ng problema mo?” I shot back.
“Look, nagmagandang-loob na nga akong isakay ka papunta sa school tapos ganyan pa ang trato mo sa akin? Is that the way to pay gratitude?”
“Hoy! FYI, hindi ko sinabing ihatid mo ako. Kusa ka diyang biglang sumulpot at nag-horn ng malakas then sinigawan ako para pasakayin sa gintong kotse mo. I mean, why? Six years mo akong hindi pinapansin then suddenly you're acting like that as if nothing happened?”
Natigilan ako. Oh no. Napahawak ako bigla sa bibig ko. Ano ba'ng mga sinabi ko?
Hindi na siya umimik. Halatang natigilan din. Pinagpatuloy na lang niya ang pagmamaneho.
What the hell did you say, Astrid? Argh, a small voice from my head said.
Hindi na lang ako nagsalita sa buong byahe. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin sa bintana.
--
Maya-maya lang ay natanaw ko na ang UPLB gate.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum