Chapter 30 (Part 1)

822K 9.9K 1.7K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

 Nakasimangot na mukha ni KJ ang bumungad sa akin.

"O bakit?" Tanong ko na lang. Nakayapos pa rin siya sa akin, pero nakakamatay ang tingin niya.

Napasinghap ako ng makita ko ang itsura niya. Malalim ang mga mata niya, halatang-halata ang eyebags.

"Buti natanong mo. Salamat ha?" He said sarcastically.

"For what?" Naguguluminahan kong tanong.

"Magdamag lang naman akong gising."

"Huh? Bakit hindi ka natulog?"

"Sa palagay mo makakatulog ako? Eh tatlong beses akong nalaglag sa kama, limang beses mo akong nasuntok sa tagiliran, tatlong beses nasampal sa mukha, at dalawang beses sinabunutan? Oh. Sinakal mo rin pala ako at ilang beses dinaganan. Sa palagay mo, makakatulog ako?" Nanggigigil na sabi nito.

Ay! Hehehehehe. Oo nga pala, malikot akong matulog. Napasarap kasi ako ng tulog dahil sa panahon eh. Ayan tuloy. Kawawa naman si KJ. Mukha siyang zombie na ewan. Nakakatawa.

"Pfft." Napahawak ako sa bibig ko.

"What?" Nanlalaki ang mga matang sabi nito.

"Pwahahahahahahaha." Bigla na lang ako napabunghalit ng tawa. Grabe. Hindi ko na kasi talaga keri pigilin ang tawa ko. Kung makikita niyo lang kasi si KJ, mukha siyang zombie talaga. 

"What's funny?" Seryosong tanong nito.

"You." I laughed aloud.

Nakatingin lang ito sa akin ng seryoso, halatang pinipigil ang galit.

"Mukha kang ginahasa ng sampung kalabaw." Bwahahahahaha. Hawak ko na talaga ang tiyan ko kakatawa. Maluha-luha na rin ako sa sobrang galak. 

"E kung ikaw kaya ang gahasain ko?" Seryoso pa ring sabi nito.

Bigla namang nabitin sa ere ang tawa ko.

"Ehem." I composed myself. "Sorry." Naupo na ako sa kama at nag-inat.

Tiningnan ko si KJ. Nakahiga pa rin siya sa kama at parang walang balak umalis doon.

"Hoy. Bangon na. Gawa ka na breakfast." Kinulbit-kulbit ko pa ito.

"Wow. Ang ganda ng bati mo ha? Wala man lang good morning or kiss man lang. Talagang breakfast agad?" He said sarcastically.

Anong kiss ang pinagsasasabi nito?

"Kis-kiss mo nguso mo sa pader. Bangon na." Nauna na akong bumangon at nagsuot ng tsinelas.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon