Chapter 5

989K 12.8K 1.4K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012

 Kainis! Bakit ako iniwan ng lalaking iyon?! Grabe lang ha! Nakakahiya!

Nagtawanan ang ibang pasahero nang makita nila ang ginawa ng mayabang at walang-puso na lalaking iyon. Gravity! Gusto kong magwala sa galit. Bastos siya.

Naglalakad na ako malapit sa may kanto ng bahay namin. Hindi pa rin maaalis sa isip ko ang ginawa ng mayabang na iyon. Nakakapanglambot. Parang pagod na pagod ako sa maghapon.

"Akala ko pa naman..." I sighed. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa backpack ko.

"O, nandito ka na pala?" Nakangiting bati ni Mama.

“Hindi, Ma. Kaluluwa ko lang ito,” I murmured.

Nakita ko ang Mama ko na nagdidilig ng mga halaman. Nagkibit-balikat lang ako habang nagpatuloy sa paglalakad.

"Oleya Astrid!" Mama shouted.

Lumingon lang ako ng walang gana.

"May nakakalimutan ka yata." Nakataas ang kilay na sabi ni Mama.

Huh? Saglit pa akong natigilan at nag-isip bago nakuha ang pinahihiwatig niya.

Lumapit ako kay Mama para magmano at humalik sa pisngi niya. Grabe naman. Nang dahil sa inis ko sa kumag na iyon, nakalimutan kong batiin ang Mama ko.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Papa sa sala na nanonood ng telebisyon at abala sa pagkain ng nilagang mais.

Wow. Nilagang mais? Paborito ko iyon, ah. Dali-dali akong lumapit kay Papa at naupo sa tabi niya.

"Pa, saan galing iyan?" Sabay kuha ng isang piraso. Medyo mainit pa ito, halatang bagong luto lamang.

"Sa kabilang bahay, dala nong gwapong anak ni Tita Elena mo." Nakangising sabi ni Papa.

 "Saang banda gwapo, Pa?" Naiinis na sabi ko. Bigla kong binitiwan ang nilagang mais at napasimagot. Binalik ko ito sa pinggan. Masakit, pero kailangan. Kailangan isalba ang pride.

Nawalan na ako ng gana. Oo, paborito ko ang nilagang mais. Pero nang marinig ko na galing sa lalaking iyon, parang gusto kong masuka kahit hindi ko pa natitikman ang nilagang mais na iyan.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga.

I closed my eyes. I was really tired.

It's been a long day. 

--

"Anak, wake up."

"Hmmm."

"Kakain na. Astrid, gising na."

"Hmmm. Five minutes, Ma." Kinapa ko ang unan sa tabi ko bago pinatong sa mukha ko.

"Isa. Hindi ka babangon?" I could sense a threat at the sound of my mother's voice. It's a sign for me to wake up.

Napakamot ako sa inis. 

"Okay, fine!" Bigla akong bumangon.   

Tiningnan ko ang orasan. 8:00 na pala. What? Seriously? Tatlong oras akong nakatulog? 

Lumabas na si Mama sa kwarto ko, pero tumigil ito malapit sa pinto at lumigon sa akin.

"Bumaba ka na diyan. At saka nga pala---"

Tumayo ako. "Ma, oo na. Sige na. Baba na po." Hindi ko na pinatapos si Mama sa sasabihin niya. Sinarado ko muna ang pinto at naghikab. Nag-inat din ako. Grabe, inaantok pa ako. 

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon