Chapter 27 (Part 1)

820K 10.3K 2.3K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012

"O? Ano’ng nakakatawa at nakangiti ka?" Masungit na sabi ni KJ pagkapasok ng bahay.

 Ano nga ba? Halata bang kinikilig pa rin ako?

 Kainis naman o. Move-on stage na nga ako dapat 'di ba? Para ngumiti lang si Harold eh, hindi na agad ako mapakali. Para lang pinat niya ako sa shoulder, makareact naman ako. 

E paano? Hindi ko naman kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko eh. Hay.

Paano ka naman kasi makakamove-on pagganyang parang pinaglalaruan ka ng tadhana?

Sabi nila ang daming nagiging tanga sa pag-ibig. Tama nga yata sila. Tanga kasi ako eh. Umaasa pa ba ako? Grabe. Hindi ako nadadala.

Ako na yata ang pinakatangang tao. Lahat ng sinabi ko, kinakain ko sa huli.

Kaya maraming nababaliw sa pag-ibig, nagpapakatanga, nagpapakamatay.

Ilang beses ko mang sabihing ayoko na, ilang beses ko man gustong makalimutan, tuwing nandiyan na siya sa harapan ko, nawawala na ako sa sarili. Blangko na ang utak ko.

 Bakit ganoon? Hindi ko magawa ang dinidikta ng utak ko.

 Kasi sa huli...puso at puso ko pa rin ang nasusunod at pinapakinggan ko. Stupid heart. Stupid love.

"Hoy," untag ni KJ.

"Wala ka na doon? Masamang kiligin?" Mataray kong sagot. Dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV.

 Hindi ko siya inintindi. Hinayaan ko lang siya na nakatayo malapit sa sofa na kinauupuan ko.

 Nakatingin lang si KJ sa akin. Alam ko dahil kita ko siya sa peripheral vision ko.

 Lumipas ang limang minuto. Nakatayo pa rin siya sa tabihan ko.

 Hindi ko na natiis. Nakakailang eh.

"What?" I asked innocently.

 "Ayan ka na naman sa katangahan mo na iyan." Nanggigigil na sabi nito.

"What?! Sino'ng tanga?" I shouted.

 "Ikaw!"

"Bakit ako naging tanga?"

 "Umaasa ka pa rin diyan sa Harold na iyan eh!"

 "Sino'ng umaasa? Hindi noh." Mahina kong sabi.

"Damn! Are you that fucking stupid? Can't you see he's only fooling you? Wake up!" He shouted.

 "Wow! Did I ask your opinion? Who are you to say things like that?" I heaved a frustrated sigh. Ano na namang inaakto nito?

Tumayo ako at hinarap ko siya. "Hoy, hindi porke't nagpapanggap kang bf ko sa harap niya eh may karapatan ka ng umasta ng ganyan sa akin na parang totoong boyfriend kita!" Dinuro ko pa ito sa dibdib.

Natahimik siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. I continued. "Tayo ba? Ano ba kita? Bakit masyado kang OA magreact? Ano'ng problema mo sa akin ha? Eh ano naman kung tanga ako pagdating sa kanya? May magagawa ka?" Sunod-sunod kong tanong.

 He was shocked at first, but it was just for a moment. Later on, he gave me a cold look.

"Oh yeah. Oo nga naman. I am not your boyfriend for real. What am I then? Oh. Let me guess. A rebound? Nah. Rescuer? Yeah. That sounds better than a rebound. Iyon lang naman ang papel ko sa buhay mo dati pa. Tagapagtanggol mo. Tagapagtanggol mo lang ako. So ano nga ba ang karapatan kong pagsalitaan ka? Sino nga ba ako? Hamak na classmate at kapitbahay mo lang," seryosong pahayag ni KJ.

Tumalikod ito, kuyom ang kamao.

 "Tangina, Astrid. Bato ka ba?" Mahina niyang sabi.

 And he walked out.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon