Chapter 3

1.1M 14.3K 1.7K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012

“Tell me you’re kidding.” Habol ko kay Karl pagkatapos ng unang klase namin sa NASC1. I know. A combination of Physics and Chemistry sucks bigtime. 

“You’re kidding.”

“Harhar. Funny. Ano nga ang ginagawa mo rito?” Nauubos na ang pasensyang tanong ko.

“Nag-aaral?” He asked innocently. Tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad na parang nagmamadali.

“Bakit dito?” Nanlalaki ang mga mata na tanong ko habang habol-habol pa rin siya.

“Bakit? Masama? Wala ba akong karapatan?” Napahinto naman ito bigla sa paglalakad at humarap sa akin.

Napatigil din ako sa paglalakad at tinaas ang dalawang kamay. Muntik na kaming magkabungguan. “It’s not that. I mean, 'di ba dapat sa Ateneo ka? Bakit lumipat ka rito?” Naguguluhang tanong ko.

“I got bored.”

“Iyon lang? You got bored?” Napapailing kong saad.

“You keep on asking me, pero 'di ka naman naniniwala. Pambihira ka rin, e, noh?” Asar na wika nito. Tinalikuran ako at naglakad na ulit papunta sa Humanities Building.

Aba, ang yabang naman. Akala mo kung sino. Palibhasa mayaman at…oh well, matalino. But who cares? He’s an asshole. Just because he got bored, e, lumipat na ng school? Poor Ateneo. Lahat kaya ng estudyante doon, e, gaya ni Karl? 'Wag naman sana.

I sighed. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Bahala siya. I still have classes to pay attention to. 

Nasa may tapat na ako ng pinto ng classroom para sa sunod kong klase nang bigla akong mapalingon sa kung sino’ng tumawag sa pangalan ko.

“Astrid! Yuhooo.” Kumakaway pa na bati nito.

Napangiti ako. “Hey! Mike, kamusta?” Sabay hampas ko sa balikat nito.

Mike smiled. “Okay naman. Ikaw ba? Two months din tayong hindi nagkita. Lalo kang gumanda, ah.” Tatawa-tawang sabi nito.

“Oo nga, e. At ikaw naman, lalong naging bolero.” Nagtawanan kami at saglit na nag-usap bago nagpaalam si Mike dahil may klase pa raw siya.

Pagpasok ko naman ng classroom ay laking gulat ko nang mamataan na naman si Karl na nakaupo sa hulihan. Don’t tell me he’s my classmate again for this class? Wow. Heaven must have loved me that much. 

Nang magtama ang paningin namin ay dali-dali akong umiwas para maghanap ng bakanteng silya. Sa malas ay tanging sa upuang katabi ni Karl lamang ang bakante. Ang galing lang talaga. 

"Peste! Dapat inagahan ko," I cursed under my breath. "Ano ba ‘yan, Lord? Naging bad po ba ako para parusahan Niyo ng ganito? I’m gonna die na."

Nakataas ang kilay na naupo ako sa tabi ni Karl. Inabala ko na lang ang sarili ko sa kunwa’y pag-aayos ng gamit sa bag.

“Sino ‘yon?” Untag ni Karl. He leaned.

Muntik na akong mapamura nang malakas sa pagkabigla. “What? Who?” Asik ko rito 

“Iyong kausap mo sa labas na ngiting-ngiti ka pa nga. Who is he?” His forehead creased.

“Pakialam mo ba?” Inirapan ko ito.

“Boyfriend mo ba iyon?” Pangungulit pa rin nito.

“Bakit ba? What do you care?” Hindi na ko ito pinansin at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa unahan. Sakto namang dating ng aming propesor kaya hindi na ulit ito nakapagtanong pa.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon