Chapter 8

913K 11.6K 1.2K
                                    

 

 Copyright © ScribblerMia, 2012

 

"No freaking way," I hissed.

"Oh yes freaking way." He smiled evilly.

Oh my God. That devilish smile. I knew he's up to something. 

"Ako ang nauna," bulalas ko. Dali-dali kong hinarang ang mga kamay ko sa lamesa. “Hindi ka pwedeng maupo dito!” 

Tiningnan ko ang paligid. Wala na ngang ibang upuan maliban dito sa table for two.

He scowled. "Pwede ba? Binayaran ko ang pagkain ko at ang serbisyo ng Jollibee. I guess I have to right to have convenience?" Naniningkit ang mga matang sabi niya. "It's either iipod ka or paliliparin ko ang pagkain mo." He gave me that warning tone and that warning look. 

I shivered. Nakaharang pa rin ang mga kamay ko sa lamesa. "N-nauna nga ako eh! M-maghanap ka ng ibang pwesto. If not, maghintay ka na may matapos tapos 'saka ka umupo doon.” Ngumuso ako “Huwag na rito! Taken na ang pwesto na ito." Natatarantang sabi ko habang nakatingala sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito, bitbit pa rin ang isang tray ng pagkain. "Listen to me and listen carefully,” he said seriously. Dahil nakatayo siya, yumuko siya para ilapit ang kanyang mukha sa mukha ko dahilan upang mapahawak ako ng mahigpit sa bag ko.

“I don’t give a fuck if you got here first. Dalawa ba ang katawan mo para umupo sa dalawang upuan, ha? 'Wag kang madamot! Isod." Nilapag niya ang tray sa mesa.

I sighed, defeated.

Wala akong nagawa. Makakasabay ko pa nga yata itong kumain. 

Agad namang naupo si yabang at kumain.

“Wow ha? PG? Try mo lang kumain ng sunod-sunod?” I ridiculed.

 He ignored me and continued to eat instead. Marami siyang pagkain na in-order. Dalawang extra rice, isang fried chicken, isang large French fries, isang chocolate Sundae, at isang burger.

"Mabulunan ka sana." I murmured. And guess what?

He coughed.

Here's my answered prayer. Thank you, Lord! Hallelujah! I grinned.

"Buti nga." I whispered again.

"Hey, you!” Patuloy pa rin ito sa pag-ubo habang nakatakip ang isang kamay sa bibig. “Y-you are not funny!" Sabi ni yabang pagkatapos uminom ng coke.

"Sinong nagsabi sa'yong nagpapatawa ako?"

"I heard your murmurs. You cursed me, you witch!" He glowered.

"What the heavens did you say? Witch? Do I look like a witch to you, huh?" Dinuro ko siya gamit ang tinidor. Sige, subukan niyang ulitin ang sinabi niya kung ayaw niyang tusukin ko ang ngala-ngala niya at higupin ang mga mata niya. Ewww. Medyo nandiri rin ako sa thoughts ko.

“Witch!" He gritted his teeth.

"Fuck you!"

"Witch!"

"Fuck you!" Nanggigigil na sabi ko.

"Hey mom, what is fuck you?" Narinig ko bigla ang tinig ng batang nasa likod ko.

Sabay kaming napalingo ni yabang sa bata.

"Oh my!" Natarantang bigla ang nanay no’ng bata. Lumingon siya sa amin. Seryoso niya kaming tiningnan. "Hija and Hijo, please don't say those words in public. Naririnig kayo ng mga bata. Besides, hindi siya magandang pakinggan, and I assume that you know that as well. Am I right?" Mahinahon pero may babalang sabi nito.

“Yes, Ma'am. Sorry," sabay naming tugon ni yabang habang nakayuko.

Pagkatapos humingi ng paumanhin ay nagkatinginan kami ng masama. Siguro ay mga sampung segundo ring walang kumukurap sa akin.

Maya-maya rin lang ay pinagpatuloy na namin ang pagkain, seryoso at walang emosyon na mababakas sa mga mukha namin.

Talk about luck. Great. Just great.

-- 

Pagkatapos kumain ay sabay kaming tumayo at umalis.

Inirapan ko siya at dumiretso na ako sa Supermarket.

Grabe naman kasi. Ang daming pinabibili sa akin ni Mama.

Tiningnan ko ang listahan ng bibilhin.

List to buy:

Soysauce

Patis

Vinegar

Sugar.

And the list went on.

Nakalimutan yata ng aking magaling na ina na mag-isa lang ako at commute pa ako, 'di ba? E, ang dami nitong pinabibili niya, e! Ano ba iyan!

Kinuha ko na ang cart at nagsimulang mamili.

Nakakapagod mag-grocery, lalo na pagmag-isa ka lang.

After 45 minutes of going around the area and looking for the things to buy, I fell in line.

Medyo mahaba ang pila sa mga counters dahil marahil weekend. Habang naghihintay sa pila ay hinanap ko ang cellphone ko sa bag na nakapatong sa cart. 

I checked my phone. I had three messages.

From Kaye:

Good morning, mga bakla! :D

From Cess:

Hoy, may assignment ba tayo?

From Mike:

Hey. Kamusta po? :) Namiss talaga kita.

Napangiti ako sa nabasa ko. Siyempre, dahil malandi ako, si Mike ang nireplayan ko. I started to type.

To Mike:

Okay lang ako. Namiss din kita. :)

I giggled after sending the message. Actually, naging crush ko si Mike noong first-year college kami. Bukod kasi sa matalino, ang cute cute at ang bait bait pa niya.

Tumunog na naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext.

From Mike:

What time are you free on Tuesday? :)

Naks. Was he asking me out? I smiled at the thought. I’ve known him for almost two years, and we’ve been good friends ever since.

To Mike:

12-1pm. Vacant ako no’n. Why?

Wala pang isang minute ay nagreply na agad siya.

From Mike:

Sabay tayo lunch? Okay lang? 

Napangiti na naman ako.

Magta-type na ako nang biglang may umagaw sa cellphone ko!

I gasped. Hinanap ko ang salarin.

At nagsalubong ang kilay ko sa nakita ko.

Nasa likod ko lang pala ang suspek.

Anak ng tokwa't baboy naman, o! Siya na naman?!

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon