Copyright © ScribblerMia, 2012
“Are you okay?” Untag ni KJ habang nasa byahe kami pauwi.
Muntik ko nang maibuga ang coke na iniinom ko.
“Easy.” Natarantang sabi ni KJ. Malamang nag-aalala ito na matapunan ng liquid ang pinakamamahal na kotse.
“O-of course, I’m okay. Why wouldn’t I be okay?” Iniiwas ko ang tingin sa kanya, bagkus ay tumingin sa bintana.
“Matamlay ka,” sabi nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.
“Ah. Maybe because I’m tired. It’s been a long day for me.” Palusot ko.
Hindi ako sanay ng ganito. Mas okay pa yata na nag-aaway kami. Ngayon kasi, ang awkward.
Hindi na naman sumagot pa si KJ.
Hay. Ano ba'ng gagawin ko?
Hindi naman dapat ganito eh. Masyado nga yata akong OA. Masyado naman akong affected sa nakita ko kanina.
Wala naman akong karapatan sa kanya 'di ba? Hindi naman kami in the first place. Magkapitbahay lang kaya kami.
Wala rin akong karapatan makaramdam ng ganito. Pero bakit ganoon? Parang ang sama sa pakiramdam ngayon at iyon ay dahil sa nasaksihan ko sa parking lot kanina.
*flashback*
“I miss you, Karl. Where have you been these past days?” Sabi no'ng babae.
Teka lang. Kilala ko iyan eh.
Siya si..Kirena Landipa. Chos.
Siya si Korina. Siya rin iyong kahalikan ni KJ na babae noon sa bahay nila.
Ano ba sila?
Maygad. Ang tagal ko nang kasama si KJ, pero ni hindi ko nga pala tinanong man lang kung may girlfriend siya.
Dali-dali akong nagtago sa mga nakaparadang kotse. Baka kasi mahuli nila akong nakatingin, dobleng kahihiyan pa sa part ko.
"Hoy, Miss. Umisod ka nga," iritableng sabi no'ng epal na Kuya.
"Sorry." Lumipat ulit ako ng pwesto. Dahan-dahan lang, baka marinig nila eh.
But wait. What am I doing? Ano naman kung magjowa sila? Bakit ko kailangan magtago? 'Di ba dapat kiber lang ako? Dedmabelles lang 'di ba?
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum